SS46

4.2K 88 11
                                    

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII

SS46

[ Krizzia's POV ]

" This is wrong. " bigla niya akong tinulak papalayo sa kanya. Pabalibag nitong isinarado yung pinto.

Kainis naman oh ! Akala ko BS na ! Yun pala, nganga pa rin. Nagbihis na ako ng pantulog ko at binura ko na rin yung make up ko.

Lumabas ako sa kwarto at may lalaking nakatayo malapit doon sa isang kwarto. Siya yung lalaking pinagnanasaan nila Potchi kaninang umaga. Nginitian niya ako. Creepy. Nagmadali akong maglakad papalayo sa kanya.

" Gumana ba ? " nakikisabay siya sa paglalakad sa akin.

" Sorry kuya ha. Wag mo akong sundan dahil wala kang mapapala sa akin. " tumigil ako sa paglalakad at nagpameywang sa kanya.

" Hahaha! Mukha kang galit na gorilla. Nag-aalinlangan tuloy ako ngayon kung kapatid ka talaga ni Raze. " pinunasan nito yung luha sa gilid ng mata nito dahil sa kakatawa. Anong pinagsasabi nitong gunggong na to ? Tsaka nagsasalita siya ng tagalog ?

" May saltik yata to. " sabi ko sa sarili ko at binilisan yung paglalakad ko.

" Ms, wag kang mag-alala. Bestfriend ako ni Raze. " napatigil ako sa paglalakad.

" Kung kanina mo pa sana sinabi yan, e di sana hindi na kita napagkamalang rapist " napahawak ako sa dibdib ko dahil kinakabahan talaga ako.

" Ouch. Sa pogi kong to ? Nah, walang mag-iisip sa akin nun. Ikaw lang. " nag shrug pa ito. Grabe ang bilib sa sarili ah. Parang si John lang.

" Kaano-ano mo ba si John, ha ? Super high ng confidence niyo sa sarili eh. " ngumiti naman si Kuyang hindi ko alam ang pangalan.

" He is my brother. Im Jarren Cobe Ricafuerte. " napanganga ako. Ilan ba talaga silang magkakapatid ? Alam ko tatlo lang sila eh.

" So, sinabi sa akin ni Raze na i se seduce mo daw yung bestfriend ng kapatid ko. Anong nangyari ? " naglakad kami papunta sa pool area.

" Fail. Buysit yung lalaking yun ! Isinuot ko pa yung lingerie na halos mukha na akong nakahubad. Tapos yung mga pinagsasabi ng mudra ko sa akin, hindi matanggal sa utak ko. Nakakapangilabot. " nag shiver keme pa ako.

" Hahaha ! Nakakatuwa ka nga talagang kasama. Kahit sandali lang kitang nakasama sumaya ako. Pupuntahan ko pa si Hana. Bye. " nag wave din ako sa kanya. Hana ? Hmmm....

Mag-isa na naman ang beauty ko. Ano magandang gawin ngayon ? Naglakad lang ako sa gilid ng pool.

She's Scary ( completed )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang