THE RED BOOK OF MY GRANDMA [009]

8 2 0
                                    

ONE SHOT [009]

I was only seven years old when i discover the red book of my grandma. Now, I'm seventeen and still curious what is inside of that book. Noong sinubukan kong kunin ito ay bigla na lamang sumusulpot si lola kung saan at kukunin ito.

"Elie, wag na wag mo itong hahawakan. Naiintindihan mo?" Hanggang ngayon hindi parin maalis sa isip ko ang mga katagang iyon ni lola. Mas lalong nabubuhay ang aking kuryusidad. Anong meron sa libro at ayaw ipahawak sakin ni lola? Gaano ba ito kaimportante? Siguro mga memories iyon ni lola, pero kung mga memories niya man ang mga iyon, bakit ayaw niyang ipahawak o ipakita man lang sakin? Hayyyssss...... kainis.

Nandito ako sa probinsiya at si lola lamang ang tanging kasama ko. Wala dito sina mama dahil nasa Maynila sila nagtatrabaho. As usual, nandito ulit ako sa may kwarto ni lola hinahanap ko ulit ang pulang libro. Hindi talaga ako matigil hangga't hindi ko nalalaman kung anong meron doon.

Dahan-dahan kong pinihit ang pinto, panay oa ang tingin ko kay lola na nasa labas at nakikipagsugalan sa mga kumare niya. Nnag mabuksan ko ay agad kong isinara ang pinto. Nilibot ko ang mga mata ko para hanapin ang pulang libro pero nagtaka ako ng hindi ko ito mahagilap.

'Nasaan na iyon?'

Hinanap ko ito sa ilalim ng unan, sa ilalim ng kama, sa kabinet, sa aparador, kahit sa damitan ay hinanap ko ito pero balnko. Walang bakas ng pulang libro.

Bigo akong lumabas ng kwarto ni lola, "Ayyy kabayo!" Napahawak pa ako sa puso ko. 'Hehe, nandiyan po pala kayo." Napakamot ako ng ulo dahil sa sobrang seryoso ng mukha ni lola. Kinakabahan tuloy ako.

Hindi si lola nagsalita at tinalikuran lamang ako at bumalik siya ulit sa mga kumare niya.

'Phew, kinabahan ako dun ah.'

Bumalik ulit ako sa kwarto ko at nahiga. Anong gagawin ko dito? Alangan naman na pumasok ako sa paaralan eh wala naman namang pasok lalo na at bakasyon ngayon. Hayyssss..... kuhg maglalaro ako sa labas eh wala rin naman akong makakalaro dahil wala namang mga anak kumare ni lola at isa pa kaunti lamang amg mga taong naninirahan dito.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko dahil balak kong matulog ulit ng marinig ko ang malakas na pagsabog. Napabangon ako ng wala sa oras. Anong nangyari? Aligaga akong lumabas ng kwarto para tignan ang sitwasyon sa labas kung may nasaktan ba dahil sa malakas na pagsabog. Laking pagtataka kong hindi man lang apektado ang mga tao sa paligid. Ang mga tao sa pamilihan sa dulo ay patuloy parin sa pagbebenta at pamimili. ni hindi manlang alintana ang malakas na pagsabog. Napatingin ako kay lola na bigla nalang napatayo at dumeritso sakin. Kinabahan ulit ako dahil sa pagkakataong ito mas seryoso na ang mukha niya. Napapikit na lang ako ng makalapit na ito sakin.

"Elie," napamulat ako ng tawagin ni lola ang pangalan ko. "P-Po?" Tinignan niya ulit ako ng seryoso. "Follow me." Nauna na siyang maglakad.

"P-Pero lola yung mga kumare mo?" Pero hindi man lang ak nito pinansin at patuloy lang ito sa paglalakad. Hays, no choice ako nito kundi ang sumunod nalang sakaniya.

Ipinihit ni lola ang pinto ng malarating kami sa kwarto niya.

"Lola, bakit po dito? Hindi naman tayo magtatago dito diba? Ni hindi nga dito safe." Ngumiti pa ako kasi sobra talagang seryoso ni lola.

Nagulat ako ng hilahin ni lola ang kama papunta sa giid. Yumuko si lola sa pinaglalagyan kanina ng kama at kumatok ito ng tatlong beses sa sahig.

Natawa ako sa ginawa ni lola, "lola, nanyari sainyo?" Sinong baliw ang kakatok sa sahig? Naman oh.

Ngunit napatigil ako sa pagtawa ng kusang bumukas ang sahig.

"Woah!" Tanging nasambit kona lamang. May hagdan pababa at kitang-kita ko ang liwanag na nanggagaling sa baba nito. Bakit ngayon ko lang nalaman na may underground dito?

Bumaba si lola sa hagdan kaya sumunod din ako. Napatili pa ako nang biglang kusang sumira ang sahig na pinasukan namin.

'Woah, astig!'

Habang pababa hindi ko maiwasan na mamangha. Ang daming mga magagandang bagay na naka display sa bawat gilid. Ang lawak sin nang silid.

Habang si lola ay may hinahanap, pinuntahan ko ang isa sa mga gamit doon na naka display. Isa itong pamaypay na parang matalim ang mga gilid.

'Pwede bang ipamaypay to?'

Hinawakan ko ito at napatili ako ng humiwa ito sa isang daliri ko. Mabilis na dumaloy ang dugo hindi naman ganoon ka lalim ang hiwa.

'Ouch! Anong klaseng pamaypay to?'

Pupunta na sana ako sa malapit na paglalagyan ng first aid kit ng kusang bumukas ang kahon nito at lumutang na lumabas doon ang band aid at kusa ring dumapo sa daliri kong may sugat.

Nakanganga akong nakatingin dito. Napatingin ako ng wala sa oras kay lola at laking gulat ko ng iniwasiwas niya ang isa niyang kamay na tila ba ay iginagalaw ang band aid. Napatingin ako sa band aid at balik ulit sakaniya.

'What the fvck? Si lola may gawa nun? Paano?'

"Lo---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay inunahan na niya ako.

"Alam kong nagtataka ka ngayon kung paano ko iyon nagawa. Isa ito sa mga kapangyarihan ng mga ninuno natin." Nag-ikot siya dito sa loob. Nakinig lamang ako sakaniya kasi mas lalong napukaw ang kuryusidad ko ng sambitin niya ang salitang ninuno.

"Mga piling pamilya lamang ang nabibigyan ng ganitong kapangyarihan. Mapili ang kapangyarihang ito sapagkat pinipili niya ang kung sinong may kakayahan na iligtas ang mundo kahit na sa maliit na bagay lamang. Kahit na simpleng tulong lang sa kapwa ang gagawin mo ay may maililigtas kana. Kaya hindi ko maintindihan kung paano at bakit ikaw ang napili ng libro,Elie. Hindi ikaw ang tipo ng tao na mabait sapagkat ang lahat ay inaaway mo. Wala rin akong nababalitaan na meron kang tinulungan."

Napanganga ako. Eh? Si lola oh, grabe talaga.

"May tinulungan naman kasi ako, hindi niyo lang talaga alam kasi hindi ako nagsasabi." Umupo ako sa malapit na mesa. May mga nakalagay na kahon doon at tulad ng mga nasa paligid ay ginto din ito.

"Lola, saan niyo po nakuha itong mga ginto? Bakit purong ginto po ang naririto? Hala! Lola, baka naman po ninakaw niyo lahat ng to?! Shocks! Ayaw ko pa pong makulong,bata pa po ako. Ayaw kong mabulok ang pretty kong peys sa kulungan." Nagmaktol ako.

"Ouch!" Napareklamo ako ng may kung sinong bumatok sakin. Nakita ko na naman ang sandok na nakalutang aa harapan ko.

"Lola, naman eh." Nagmaktol ulit ako.

"Magsitigil ka, Elie." Pinandilatan ako ni lola ng mata.

"Sa ngayon, kailangan mong matuto kung paano gamitin ang iyong kapangyarihan lalo na at umaatake na sila." Pinalutang na naman niya ang isa sa mga gamit dito at inilagay sa tamang lalagyan.

"Hala meron din ako?! Ang cool! Pero teka, sinong sila po ang sinasabi mo lola?"

"Ang mga kalaban,alam kong narinig mo kanina ang pagsabog kaya ka lumabas. Ni isa sa mga tao ay walang nakapansin sa malakas na pagsabog maliban sa iyo at sa akin. Ang malakas na pagsabog na iyon ay hudyat na nagsisimula na silang gumalaw at umatake." Napanga-nga nalang ako.

"Kailangan mong mag-ensayo kaya simulan natin ngayon." Iwinasiwas ni lola ang kanan niyang kamay at pinapunta sa direksiyon ko ang mga matatalim na bagay. Sa gulat ko ay naikumpas ko na rin ang kamay ko. Napigilan ko ang mga ito ng hindi ko namalayan. Yung paypay na hinawakan ko kanina ay siyang naging panangga ko ngayon.

"Hhmmmmm..... kung nagtatakaka ka kung bakit ang pamaypay na iyan ang gamit mo, dahil iyon ay nabahiran ng iyong dugo ng tangkain mo jtong kunin kanina. Kapag nabahiran mo ng dugo ang isa sa mga bagay ay pwede mo itong i summon. At kung magtatanong ka kung ano ang laman ng librong pula,yun ay ang kakailanganin mong malaman. Nakasaad sa libr ang dapat mong gawin kaya humanda ka."


(1.2)-continuation.

FLOW OF EMOTIONSWhere stories live. Discover now