DEATH [010]

6 2 0
                                    

ONE SHOT [010]
-RE-POST-

Nandito ako ngayon sa harap ng isang malaking bahay, naghihintay sa paglabas ni tita Mel.

Habang nasa labas balisa akong naghihintay, hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung paano ko sila haharapin. Hindi ko naman sinasadya ang mga pangyayari.

Napaayos lang ako ng tayo ng lumabas na si tita ng may blankong mukha. Unti-unti nang namamawas ang mga kamay at noo ko.

"T-Tita," kinakabahan kong sabi. Bahagya ko pang itinago ang kamay ko dahil sa nginig nito. Kahit ang mga binti ko ay halos hindi ko na maramdaman sa sobrang kaba.

"Pumasok kana hinihintay ka ng lahat. You need to explain your self." Walang buhay nitong sabi.

Kinakabahan akong sumunod sakanya papasok. Agad akong napayuko ng kumpleto silang magkapamilya maliban kay Stella ang bestfriend ko. Hiyang-hiya ako sakanila. Halos hindi ako makatingin.

"M-Ma-"

"Explain now." Napaigtad ako ng marinig ko ang tinig ng kanyang lolo. Istrikta ang kaniyang lolo at sa kanilang pamilya siya ang kinakatatakutan ko.

"Pasensya na po hindi ko po sinasadya ang nangyari.... maniwala po kayo..... aksidente ang lahat..... please sana mapatawad niyo po ako..... hindi ko talaga sinasadya." Napaiyak ako habang nagpapaliwanag sakanila.

"S-Sorry po t-tita.... t-tito.... saiyo rin po l-lo-"

"Wag mokong tawaging ganyan! Hindi ako tumatanggap ng mamamatay tao!" Napapikit ako sa lakas ng sigaw ng lolo ng bestfriend ko.

"Sorry po..... sorry.... aalis.... nalang po ako..... hi-hindi niyo...na po.... ako ...makikita... p-paalam po." Naiiyak akong tumakbo palabas ng bahay nila. Tumakbo ako ng tumakbo at tumigil sa gitna ng kalsada.

Nakita kung may paparating na sasakyan pero hindi ako umalis bahala na, siguro ito na ang oras ko.

Napatingin ako sa loob ng bahay nina tita Mel.

'Sorry po sa lahat... paalam.'

Naramdaman ko ang pagtama ng sasakyan sa katawan ko. Unti-unti kong nararamdaman ang kirot sa bou kong katawan. Nandidilim na din ang paningin ko. Ipinikit ko ang mga mata ko.

-THE END-

FLOW OF EMOTIONSWhere stories live. Discover now