Chapter 10

3.1K 58 13
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)

Bernadette

"Bakit hindi ka nagsasalita? Hindi mo ba ako na-miss?" maarteng tanong sa akin ni Angel.

Hindi ako makatingin sa lalaking kasama niya. Grabe ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.

"Bernadette, speak up!" Angel shouted while laughing.

Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi. Sobra akong kinakabahan, kahit sino naman na nobya hindi papayag na sasayawan na lang nang kung sinong babae ang nobyo nila.

"Friendship over na ba tayo?" kinakabahang tanong ko dahilan kung bakit natigilan si Angel.

"What are you talking about?!" she asked laughing.

"'Yong tungkol sa pagsayaw ko sa boyfriend mo! Lasing ako no'n, hindi ko alam ang pinaggagagawa ko no'n," kinakabahang sabi ko kay Angel.

Masyado nang malalim ang pinagsamahan naming dalawa para lang hayaan kong masira 'yon dahil lang sa pagkakamali ko.

Malay ko bang maliit lang ang ginagalawan naming mundo at talagang sa nobyo pa ng best friend ko ako gumiling.

"Kilala naman kita, Berns, alam kong hindi ka gano'ng klaseng babae. Talagang natalo lang ng alak 'yang katinuan mo. Isa pa, nakilala ka rin ni Xandro, naikwe-kwento kasi kita," mahinhin na sabi ni Angel kaya nilingon ko 'yong nobyo ni Angel.

"You don't need to worry about what happened at the bar that night, you were drunk enough to do that. I just informed Angel what happened because she deserves to know," he whispered.

Napanguso naman ako sa sinabi niya at nilingon si Angel. Lumapit ako sa kan'ya at bumulong. Kahit papaano kumalma naman ako lalo't mukhang hindi naman galit si Angel.

Mukha rin namang walang problema sa lalaking pinagkamalan din akong pulubi. Akala ko ba kilala niya ako kasi naikwe-kwento ni Angel? Bakit pinagkamalan pa rin niya ako pulubi?

"What if i-share mo sa akin kung saan ka nakabingwit ng fafito?" bulong ko kay Angel kaya nangunot ang noo niya.

"Don't be like that. Lance will definitely be angry with you because you are still looking for another man," she whispered.

Natigilan ako sa sinabi niya at biglang nahiya dahil sa naging kinalabasan ng relasyon namin ni Lance.

"Speaking of Lance... I can't call him on his number. Did he change his phone number? Dapat siya ang kasama kong dadalaw sa 'yo dahil Xandro was busy, hectic na 'yong schedule niya since he has taken over their family businesses but... hindi ko matawagan si Lance," sabi ni Angel habang inaayos sa dining table namin 'yong mga pasalubong niya.

Nasa kusina kasi kami ngayong tatlo.

Hindi pa rin ako makatitig kay Xandro ng matagal.

"Nandito na sana ako kanina pang umaga kaso wala naman akong kasama... ngayong lang free si Xandro kaya ngayon lang din ako nakapunta," maarteng sabi ni Angel.

Siya lang ang nagsasalita sa aming tatlo na nandito sa kusina. Wala akong maisagot sa tanong niya sa akin.

'Nasaan na ba ang demonyong 'yon?'

The Billionaire's SurrogateOù les histoires vivent. Découvrez maintenant