CHAPTER 2

1 0 0
                                    

"Hoy, senyorita! Gumising ka na dahil maghahapunan na, k1ngina mo!" Grabe naman bunganga nito. Puwede ko na gawing alarm clock kada umaga para naman magising talaga ako.

"Ito na yaya, pa punta na." naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto "bakit ka ganyan makatingin sa'kin?" Nagtataka kung tanong.

Hindi ako nakakuha ng sagot pero isang batok, oo. Hinimas himas ko ang ulo ko dahil sa sakit ng pagbatok niya sa'kin.

"Nakaka-dalawa ka na ngayong araw ah! Ina ano ba kita?" Nakasimangot kung sigaw. Naging wifi na siguro noo ko nito. Hindi niya ako sinagot ngunit inirapan nalang.

Nakasimangot akong sumunod sa kanya sa hapag kainan. Umupo ako at sabay kaming kumain.

"Anong plano mo Louis?" Biglang tanong ng maganda kung best friend.

"Wala naman akong plano bukas ah." Wala naman talaga akong plano bukas "Bakit, ikaw may plano ka bukas?" Balik kung tanong.

"What I mean is, may plano ka bang umalis sa lungsod natin at pumunta sa malaking lungsod?" Huh? Omy gosh! Pinapalayas na niya ba ako sa bahay namin?

"Hala, hoy best friend! Huwag ka namang ganyan." Lumuhod ako at niyakap ang paa niya "Huwag mo akong palayasin. Hindi ako mangangako dahil tanggal angas yun pero huwag ka naman gano'n sa'kin" nag acting ako na parang umiiyak.

Isang batok na naman ang natanggap ko. Pangatlo na 'to, ang sakit na.

"Kung ano ano nalang pumapasok jan sa utak mo. K1ngina ka!" Wala talagang magmamahal sa kanya, dahil ang lutong niyang magmura. Buti nalang mabait ako saming dalawa "Oh ano na naman laman niyang walang lamang utak mo?" Bakit hindi ko maintindihan sinasabi niya? 

"Ayusin mo nga yang pananalita mo best friend. Wala akong maintindihan." Sambit ko, at umupo ulit sa upuan.

"Pakiusap Louis. kahit ngayon lang, umayos ka naman" mukhang seryosong usapan 'to.

"Ano pag-uusapan natin, bestfriend?" Seryosong tanong ko. Sabi niya kasi umayos ako at mag seryoso muna, sa ngayon.

"Kailan mo planong buma—"

"Pinag-usapan na natin Ito, na hindi natin isasali sa usapan ang tungkol sa pamilya ko. Kaya kung ano man ang planong pumasok jan sa isip mo ay hindi ko gagawin." Putol ko sa sasabihin niya.

"Eh sa kailangan. Paano tayo mabubuhay nito? Mamatay tayo sa gutom dahil. . . Natanggal ako sa trabahu." Napa angat ang ulo ko sa sinabi niya.

"Edi maghahanap ako ng trabahu. Luluwas nalang ako sa susunod na araw sa malaking lungsod at do'n maghanap ng trabahu." Mas gugustuhin ko pang magtrabaho kaysa bumalik at humingi ng tulong sa pamilya ko. Wala silang puso dahil may uunahin pa nila ang pera kaysa sa ibang taong nanghihingi ng tulong. They are cruel to others.

"Ok, fine. I understand why you don't want to go back to your family." I just looked at her and continued eating "Pero sigurado ka ba na gusto mong lumuwas sa lungsod para makapag trabaho sa malaking lungsod?" Tumango lang ako at tinapos ang kinain. 

"Yes. It's better na maghanap ako ng trabahu para naman may matutunan ako sa buhay. Ayaw ko naman na laging umaasa sayo, para lang makakain." Sagot ko. 

Yeah, sa loob ng limang taon kung namamarati dito sa lungsod nila ay wala akong ginawa kundi ang gumala, maghahanap ng gulo at kumain.

"Hindi naman talaga problema sa'kin ang nandito ka at walang ginawa. Naintindihan kita but I want you to experience how to work for your future." I know that she only wants the best for me.

"I know you only want what's best for me. Pangako, hindi kita bibiguin." Ngumiti nalang ako at iniwan siya sa kusina

Kinaumagahan ay inayos ko ang aking mga damit at inilagay sa maleta para bukas ay aalis nalang agad ako.

Saan naman kaya ako maghahanap ng trabaho? Wala naman akong alam kung anong gagawin dahil wala naman akong mga karanasan.

"Louis! Gumising ka na jan." 

"Ito na, kakakagising ko lang eh"

Inaantok pa akong lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa kusina. Gutom na din naman ako at malapit na din mag tanghalian. Masyado ata akong pagod kaya tinanghali akong nagising.

"Ang aga-aga bunganga mo agad ang bumungad sa'kin." Sambit ko sabay ikot ng eye balls ko.

"Oh, tapos?! Nagrereklamo ka na do'n?" Taas kilay niyang sambit

"May sinabi ba ako? Bingi lang." Buti na lang at luluwas ako sa malaking lungsod para mag trabaho at hindi ko na maririnig ingay ng babaitang 'to.

"Whatever. Anyway, Ito na pala lahat ng mga kakailanganin mo kapag mag-aaply ka ng trabaho." Nilagay niya lahat sa lamesa ang mga kakailanganin ko daw "And please lang Louis, ilugar mo ang pagiging sarkastiko mo." 

"Sige. Pero hindi ko maipapangako 'yan, at alam mo naman 'yun kung bakit 'di ba?" pagkatapos kung kumain ay lumabas na ako ng bahay para sa huling pagkakataon. 

Para tuloy akong namamaalam na sa mundo nito.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko pa si Dinday na masamang nakatingin sa'kin. Sa sobrang sama ng tingin niya sa'kin ay para matutunaw na ako.

"Oh, anong tinitingin tingin mo jan?" Mataray niyang tanong. Ako ba unang tumingin? Eh siya nga itong makatingin wagas, para pinapatay na niya ako sa utak niya eh.

"Kapal ng face mo girl. Hindi naman ikaw tintignan ko." Sagot ko. Siya naman talaga pero syempre biniro ko lang.

"And what are you looking at?" Taas kilay niyang tanong. Oo nga, ano bang tinitingin tingin ko sa kanya? Hindi sa judgemental ako pero, pangit naman siya para titigan. I mean, pangit naman talaga siya, wala ng magbabago do'n.

"Baka yung kulangot mo. Lumabas na kasi." napatawa ako ng mahina bago tumakbo. Pssh, ang aga-aga yung pangit na 'yun agad ang bumungad sa'kin. Wala bang pogi dito sa lungsod? 

Napasimangot akong naglibot sa lungsod namin. Hindi naman sa nilibot ko lahat, nasa malapit lapit lang naman ako at sa mga familiar na lugar ang pinuntahan ko. At ang huli kung pinuntahan ay ang park, may favorite place.

Kumusta na kaya si lolo? Ok lang ba kaya siya? Pinapakain ba siya doon at trinatrato ng maayos?

Marami akong gustong malaman, kung anong lagay ng lolo ko dahil wala na din akong balita 1 year ago. Huli kung balita ay nasa mabuting kalagayan naman siya pero minamaltrato nila si Lolo, at wala akong magawa. Gusto kung puntahan si lolo at isasama siya dito para maalagaan naman siya dito habang ako naman ay magta-trabaho, pero paano ko siya makukuha kung ayaw nila akong papuntahin do'n? Pinagbawalan nila akong bumalik sa bahay dahil akala nila, ako ay isang banta. Banta para sa kanila. 

Babalik ako sa bahay. . . Sa tamang panahon kapag may kaya na ako. Kukunin ko si Lolo at tutuparin ang pangako ni Lola.

Lola, sana gabayan niyo po ako diyan. Pangako po, tutuparin ko mga panagako ko at mga bilin mo sa'kin. Pangako.

Napa buntong hininga nalang ako at tinignan ang paligid. 

Ay hala?! Ako nalang pala mag-isa dito? Ba't hindi ko na napansin 'yun? 

Pssh, siyempre paano ko mapapansin 'yun sa dami ng iniisip ko! Lumipad ata utak ko sa kabilang planeta kaya hindi ko napapansin ang paligid. 

Napa iling iling nalang ako bago maglakad ulit, papauwi sa bahay.

★★★★★

Lutang ka na naman Louis haha.

Thank you for reading! Don't forget to vote.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tale of Love | On holdWhere stories live. Discover now