68. Unexpected Things in the Name of Love

5.4K 90 6
                                    

CHAPTER 68: UNEXPECTED THINGS IN THE NAME OF LOVE

Everything will come to an end. Kaya nga pinagtatalunan kung may forever ba talaga? Paano kung tapos na? Edi wala ng forever. Pero hindi naman natatapos na sa tapos na ang isang pag-iibigang wagas at totoo. Kasi may bagong simula pa na alam nating pang forever. O kaya naman habang nasa puso mo yung pag-ibig para sa taong iyon kahit magkalayo na kayo at ganoon din siya sa iyo- forever pa rin yun. May forever. Kapag wala na. Wala ng love. Ganon lang iyon kasimple. Pero paano nga ba natatapos ang isang kwento? Kapag ba masaya na ang lahat and they live happily ever after? Siguro nga. Pero mayroon ding tragic ending. Though pare-pareho naman nating alam na pagkatapos noon ay pwede pa ring mag-move on at bumuo ng iba pang mas masayang ending. Bukod sa ending mahalagang malaman din kung paano nga iyon naganap. We never know the sacrifices of all the people standing on the very last part of the story until we know the story behind the ending.

MILLETE (POV)

Paggising ko habang nasa ospital at malalim na ang gabi ay natanaw ko ang anak ko na nasa incubator sa loob ng kwartong kinaroroonan ko. Pagbaling ko ng aking paningin sa kaliwang bahagi ng kamay ay naroon si Brix na mahimbing na nakadukdok at natutulog. May higaan naman sa loob ng kwarto para sa bantay pero pinili pa rin niya rito sa tabi ko. Nakaharap sa akin ang kanyang mukha. Ang napakaamo at seryosong mukha ng asawa ko. Habang nakatingin lang ako sa kanya ay walang tigil sa pagbayo ang puso ko. Siya yung Brix na hinahanap ko. Hindi siya yung Brix na nakasama ko nitong mga nakaraang buwan. Ito yung Brix na minahal ko. Naramdaman ko iyon kanina at patuloy kong nararamdaman hanggang ngayon. I'm so happy dahil okay na siya.

"Welcome back Brix. Magaling ka na. Magiging tayong isang masaya at buong pamilya tulad ng pinangarap natin noon. Nandito na ang anghel natin. Mamahalin natin siya at ang mga magiging kapatid niya. Pagmamahal na tulad ng pagmamahal ng ating mga magulang at kapatid sa atin. Pagmamahal na tulad ng sa atin." Then my tears suddenly fell. As usual, ako pa rin si iyakin. Naging palaban man ako, this is still the real me. At least it's a tears of joy this time around.

Kinabukasan ay nagising na naman ako sa surpresa. Si Brix nilalaro ang anak namin. Hawak ni Lily ang sanggol. Nakaupo sila. Naka-wheel chair naman ang asawa ko.

"You're really handosome!" saka niya pinisil-pisil ang pisngi ng bata. Wala pa namang reaksyon yung anak namin pero kawag ng kawag ang mga kamay at paa nito. Mukhang natutuwang marinig ang boses ng kanyang daddy. "Mana ka kay daddy!" dugtong pa niya.

"Ehem!" pagkuha ko sa atensyon nila. Napalingon naman sila sa akin. "Naku binola mo pa ang anak natin. Patingin nga kung gwapo nga."

"My dearest son, gising na pala si mommy." Saka siya lumapit sa akin. Nabigla ako sa siglang ipinamalas ni Brix. Parang sanay na sanay na siya sa paggamit ng wheelchair at walang iniindang sakit. Tumayo rin si Lily upang iabot sa akin ang baby ko.

"Okay ka na ba? Yang sugat mo magaling na ba?" tanong ko sa kanya habang kalong ang aking anak.

"Matagal ng magaling to. Wag mo akong intindihin. Tingnan mo nalang yang anak natin. Sobrang gwapo nyan. Alam kong nagmana siya sa akin." Seryoso ang tono ng boses niya pati ang facial expression niya. Ibang klase talaga ang asawa ko. Siyang-siya to eh. Sabi niya eh kaya tinuon ko nalang ang pansin ko sa sanggol na kalong ko.

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon