CHAPTER 31: MISSING PIECES

4.8K 85 6
                                    

CHAPTER 31: MISSING PIECES

 

BRIX (POV)

 

We are inside the ambulance. I’m holding Millete’s right hand tightly. Wala na siyang malay at patuloy pa rin ang pagtulo ng dugo mula sa kanya. Hindi ko alam kung ano’ng ginagawa ng mga doctor at nars pero alam kong dapat nilang iligtas ang babaeng pinakamamahal ko.

Nasa isang sulok naman nitong ambulansya si Lily at wala siyang tigil sa pag-iyak.

Ako? Hindi ako umiiyak o mas magandang sabihin na pinipigilan ko ang maluha. Pilit akong nagpapakatatag pero sa loob ko ay bumibigay na ako. Kasalan ko ang lahat ng ito.

FLASHBACK

 

Ang unang pagkakataon na nagtagpo ang mga landas ni Millete at Brian ay noong…

 

“I love this girl and I will marry her!”

 

Sa kanya nanggaling ang mga katagang iyan. Iyon ang panahong pinagtanngol niya si Millete laban kay Cindy sa Brixian.

 

“What bro? You kissed her?” Gulat na tanong ni Brix nang sabihin sa kanya ni Brian na pagkatapos nitong ipagtanggol si Millete at hinalikan pa niya ito sa labi.

 

“Yes! Sa lips pa nga eh!” Napatayo siya sa sinabi ng kakambal.

 

“What?! You kissed her lips? Are you out of your mind Brian?”

 

“No Brix. I know what I’m doing.” Ngumiti ito ng nakakaloko.

 

Brix grabbed the collar of his twin brother and gave him his most serious face. “I’ll try to listen on your best explanation why you did that?”

 

“Simple lang bro. You asked me a favor and I’m just doing it. Kailangang maging kapani-paniwala na gusto mo nang magpakasal kay Millete, na pagkatapos niyong mag-away ay biglang nagbago ang isip mo at gusto mo na siya.”

 

Nakumbinse na nito si Brix na siya na lang ang pupunta sa kasal. Kapag nangyari iyon ay mawawalan ng bisa ang kasal ng dalawa dahil si Brian ang dumalo. Nakasal na sila at napagbigyan si Millete, malalaman pa nila ang tunay na dahilan kung bakit ito ginagawa ng kanilang ama.

 

Hindi lang ang paghalik ni Brian kay Millete ang ikinainis ni Brix sa kakambal dahil noong ding araw na iyon ay kumain sila ng lunch ni Millete sa Heaven’s restaurant. Hindi iyon kasama sa usapan nilang magkapatid.

 

Pinakamatindi pang ginawang kapalpakan ni Brian ay nang mahuli siya at ang nobya niyang si Angeline ni Millete na nagtatalik sa kanyang condo unit.

 

"May matino ka bang dahilan para ituloy pa ang kasal? Buo na ang desisyon ko. Salamat sa lahat Brix"

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon