35. UNEXPECTED VISITORS

4.4K 86 2
                                    

CHAPTER 35: UNEXPECTED VISITORS

MILLETE (POV)

 

Pauwi na kami ngayon ni Lily. Nagulat ako sa transformation ng kapatid ko. Tama ako, maganda siya talaga. Mas bagay niya ang laging nakapambabae dahil babae naman siya talaga. Hindi ko lang masyadong mabigyan ng tamang reaksyon ang ayos niya ngayon dahil hindi mawala sa isip ko ang pagkikita naming kanina ni Brix, no, ni Brian pala.

Nagtatampo tuloy sa akin ang kapatid ko dahil hindi naman daw ako nag-ayos. Nakakapagtaka lang dahil kapag nagtatampo siya ay hindi maipinta ang kanyang mukha. Ngayon ay nakatingin siya sa labas sa bintana ng taxi habang hawak ang suot niyang dolphin na hikaw na binili niya rin yata at sobrang lawak ng kanyang ngiti.

“Lily, nagtatampo ka ba talaga sa akin?”

“Oo no! Hinayaan mo akong magsuot ng ganito tapos ikaw hindi ka man lang bumili ng para sayo. Nakakainis ka ate. Muntik na tuloy akong ma-date ng gwapong lalaking yun mabuti nalang at nakatakas ako.” Napatakip siya ng bibig.

“What? What did you say?”

“Wala akong sinasabi. Napapansin ko ate na parang malungkot ka uli. Hindi yata kita napasaya tulad ng pangako ko sayo.” Pag-iiba niya ng usapan.

“Tumigil ka dyan! May sinabi ka eh. Sino yung gwapong lalaki? Ano yung date?” Pang-uusisa ko.

“Wala ate. Malapit na tayo. Huwag kang tsismosa dyan!”

I also wanted my sister to finally meet a man. A man that will truly love her. Ayokong matulad siya sa sinapit ko na niloko at pinaglaruan.

“Hindi na kita pakikialaman pero sana huwag mo munang ibigay ang lahat sa lalaking yan. Natutunan kong sa pag-ibig dapat magtira ka ng para sayo, para sa sarili mo para kapag iniwan ka mabilis kang makakbangon. Siguraduhin mo rin dapat na mahal ka niya talaga.”

Hindi ko tuloy naiwasang bigyan siya ng payo.

“Usapang pagbibigay agad ate? Hindi ko pa nga kilala yun no? Hindi ko pa mahal yun. Nagwapuhan lang ako sa kanya. Iyon lang yun.”

“Basta makinig ka nalang sa mga advice ko. For the very first time nagwapuhan ka sa lalaki ah.” Panunukso ko sa kanya.

Pagdating sa bahay ay halos hindi nakilala ni Nanay si Lily. Hinagod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Millete ipaliwanag mo nga sa akin kung ano’ng nangyari sa kapatid mo aber?! Kailan pa natutong lumandi ito ha?!”

“Nay naman! Lumandi talaga agad! Hindi ka ba masaya sa girl look ko ngayon?”

Hinawakan ko si Nanay sa kanyang braso. “Oo nga naman Nay hindi ka ba masaya na sa wakas ay nagdamit babae ang bunso ninyo? Dalaga na siya Nay. Hindi ko naman yan hinayaang manamit ng ganyan para bastusin ng mga lalaki. Gusto ko lang po magpakababae na siya para naman galangin siya ng mga lalaki at para kapag dumating yung lalaking magpapatibok ng puso niya ay hindi naman siya basta-basta saktan.”

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon