Chapter 38 - The Outing

2.8K 84 1
                                    

Company outing na.  Sa isang private resort ito ginawa, sa beach sana kaso masyadong malalayo ang mga beaches  baka marami ang hindi makasama.  Meron itong 3 pools, 2 adult pools at isang kiddie pool para sa mga anak ng mga empleyadong isinama ang kanilang mga anak.  Meron ding mga rooms at villa's na pinareserba para sa mga gustong mag-overnight.

Nauna na sa resort si Katrina upang isaayos lahat ng kailangan since sya naman ang organizer nito.  She also came up with some games na pwedeng i-enjoy ng mga empleyado.  Sa pagkain naman, pot lock ang ginawa nila.  Hindi naman kasi ganoon kalaki ang budget para i-shoulder ng kumpanya pati pagkain.  Hindi naman naging issue ito sa mga empleyado.  Excited nga halos lahat kasi itong ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganitong outing.

Syempre si Sam at Alex ay sabay na pumunta gamit ang sasakyan ni Alex.  Pagdating nila sa resort, dumerecho sila sa isa sa mga pina-reserve na rooms.  Nagpa-reserve sila ng 5 rooms na good for 4 people.  Hindi naman kasi lahat ay mago-overnight.  Yung mga may pamilya uuwi daw at karamihan ng mga single ay mago-overnight.

Pagpasok nila sa room, meron ng gamit na nakalagay sa isang kama.  Sino kaya ang makakasama ng dalawa sa kwarto? Hulaan niyo. Haha

Nilagay nina Sam at Alex ang mga gamit nila sa isang kama na nandoon. Nahiga sa kama si Alex, pagod sa pag-drive at puyat kasi late na ito umuwi kagabi.  Nag-closer sya sa restaurant to make up for her absence ng 2 araw para makasama sa outing nina Sam.

Hinayaan ni Sam magpahinga ang girlfriend at sya na ang nag-ayos ng mga gamit nila.  Inilagay ni Sam ang damit na dala nila sa isang cabinet na andun at yung mga toiletries ay inilagay niya sa banyo.

Paglabas niya ng banyo hindi maiwasan ni Sam pagmasdan ang kagandahang nakahiga sa kama. Nakapikit ito at mukhang peaceful ang mukha kahit na pagod.  Hindi maiwasan ni Sam ang humanga sa kagandahan ng kasintahan.  Para kay Sam, lalo itong gumaganda habang tumatagal na tinititigan. "God, I really love this girl" bulong niya sa sarili niya.

"Would you quit staring and join me here." Utos ni Alex.  Gising pala ito.  Akala ni Sam nakatulog sya. "And I love you too babe." Pahabol pa nito. Narinig pala nito ang binulong ni Sam.

Lumapit naman si Sam kay Alex at umupo sa kabilang side ng bed at sumandal sa headboard ng kama habang hinahaplos ang buhok ng diyosang nakahiga sa kama.

Sana ganito na lang kami palagi. Sa isip ni Sam.  She never felt so satisfied and inlove in her life.  Being with Alex is just simply heaven for her.  Kung tutuusin, wala ng ibang hihilingin si Sam kundi ang isigaw sa buong mundo ang tungkol sa kanila ni Alex.  Pero hindi naman ito nagmamadali.  She believes that the right time will come.  Pag handa na si Alex. And she's willing to wait, kahit taon pa ang bilangin nila.  Para kay Sam, si Alex na ang gusto niyang makasama sa habang buhay.

"Come over here, silly and hug me.  I feel so exhausted." Utos ni Alex.

Dali namang sumunod si Sam at nahiga sa tabi ni Alex.  Kaagad namang yumakap si Alex kay Sam.  Nakapikit pa rin ito.  Hindi po, hindi po sya ander. Hinding-hindi. Haha

They stayed like that for awhile.  Tila ba nakalimutan ni Sam na may kaganapan sa labas.  Pakiramdam niya bakasyon nila ito ni Alex.

"I love you Babe." Sabi ni Sam.

"I love you more." Sagot naman ni Alex.

Pinamulahan ng mukha si Sam sa sinabi ni Alex.  Hanggang ngayon, this can still make her blush.  Lalo na pag sinasabihan ito nito ng "I love you"

Narinig ni Sam ang mahinang tawa ni Alex. "I can still make you blush by just saying those three little words huh?" tanong ni Alex. "I love it.  I really love it when you blush babe." Pahabol pa nito sabay halik sa pisngi ni Sam.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora