Chapter 44 - Revelations

3.5K 96 52
                                    

SAM's POV

Beep! Beep! Beep! Beep!

Bahagya kong minulat ang mga mata ko, 6:30am! Urgh! Ang aga pa! Sabado naman ngayon kaya dali kong pinatay ang alarm clock na kanina pa nag-iingay at ipinikit ulit ang mga mata ko. Ang sakit din ng ulo ko para itong pinupukpok ng sampung martilyo. Hangover!

Sobrag lasing ko kagabi, hindi ko na nga alam papano ako nakauwi. Ang alam ko lang nasa JaThea's ako, nagpapakalango sa alak, pagkatapos wala na akong maalala. Ganito naman palagi ang eksena pag nasosobrahan ako ng inom.

I stretched my arms and turned to the other side ng biglang may makapa ako. Hmmm, may katabi ako sa kama? Ah, baka si Jules, siguro inalagaan na naman ako. Ganito naman palagi ito pag nalalasing ako, tumatabi sa akin to make sure na okay ako. Sweet ng bestfriend ko noh?

Umusog pa ako ng konti para mas lumapit ako sa kanya, at niyakap ko sya. Naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kamay ko. Dahil sa ginawa niya ay lalo kong isiniksing ang sarili ko sa nakahiga kong bestfriend, nakatalikod ito kaya isiniksik ko ang mukha ko sa may batok niya.

Nalanghap ko ang mabangong amoy nito...Pero teka! Strawberry scent! Hindi si Jules ito! Hindi amoy strawberry ang bestfriend ko!

Napamulat ako ng ma-realize ko yun, tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa babaeng nasa tabi ko at dahan dahan na tinusok-tusok ko ng daliri ko. Dahil sa ginawa kong iyon, nagising ang babaeng katabi ko at humarap sa akin na pupungas-pungas pa.

"M-Max?!" bulalas ko.

Parang nawala ang antok at hangover ko ng makita ko kung sino ang nasa tabi ko ngayon. Si Maxene Villanueva! Anong ginagawa niya dito?! At bakit katabi ko sya? I checked myself out bago ko binaling ang atensyon ko sa kanya. Okay, nakadamit pa ako. Good.

"Anong?! Bakit?! Saan?!" litong tanong ko, hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula.

I haven't seen this girl for over 5 years! At ngayon bigla itong sumulpot! Nasa kama ko pa!

"Good morning, sleepyhead." Malambing na bati nito sa akin habang naguunat ng kamay.

"Hoy! Babae! Wag kang gaganyan-ganyan dyan! Bakit ka nandito?" naiinis kong tanong.

"Ang aga-aga ang sungit mo." Nakangiting sagot naman nito.

Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Tol, napano ka? Anong nangyari sa'yo? Bakit hanggang kusina dinig ko ang boses mo?" natataranddtang tanong ni Jules. Siya ang pumasok sa kwarto

"Hoy, ikaw! Anong ginawa mo ha?!" galit na sabi ni Jules kay Max

"Hey! Hey! Wala akong ginawa. She's just freaking out." Natatawang sabi naman ni Max, nakataas pa ang dalawang kamay.

"Alam mong nandito ito?" tanong ko kay Jules sabay turo kay Max.

"At ikaw! Sino ba namang hindi magfi-freak out! Bigla ka na lang sumulpot, at katabi pa kita sa kama!" singhal ko kay Max

"Okay. Okay. Okay. Tama na yan. Tara na sa labas at nakaluto na ako. Doon na kayo magpaliwanagan." Utos ni Jules.

Kaagad namang tumayo itong si Max, pero instead na sa pinto ng kwarto dumerecho ay ibang dereksyon ang tinungo ng mga paa niya.

"Hoy! Where do you think you're going?" masungit kong tanong

"Hey, relax. Restroom lang, kita mo ng kakagising ko lang eh. Hilamos at toothbrush lang, love." Nakangiting sabi nito na lalo ko naman ikinainis

"Wag mokong ma-love love dyan ha!" singhal ko ulit, susundan ko pa sana ng maanghang na salita pero hinila na ako ni Jules.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon