CHAPTER 15

1K 81 3
                                    

THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 15

C O N A N


NAKATINGIN lang ako sa malapad na likod ni Sir Harrison habang sinusundan ko siya. Tila ba may tumatambol sa puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay may nagawa akong mali dahil kanina pa siya masama kung makatingin pero sa tuwing hinahanapan ko naman nang kasagutan ang lahat, wala akong mahanap.

Ginagawa ko lang naman ng tama ang mga trabaho ko rito. Ni minsan ay hindi pa ako nagkakamali o nahuli sa pagluluto ng kaniyang makakain. Iyon ang alam ko dahil iyon lang naman talaga ang koneksiyon namin sa dalawa.

O baka ang ikinagagalit niya’y dahil sa mga sinabi ko sa kaniya? Na hindi ko na maintindihan itong sarili ko’y unti-unti na akong nakararamdam ng kakaiba. Wala naman sigurong mali roon, ‘di ba? Pero kung iyon ang ikinagagalit niya, wala na akong magagawa pa roon. Naiintindihan ko naman siya. Kung ako ang nasa kinatatayuan niya, magagalit din ako sa taong nagkakagusto sa akin, lalo na’t isa pa iyong bakla. Straight siya at magkalayo ang agwat ng buhay naming dalawa. Magkaiba ang mundo namin pareho at kahit sino naman, ikahihiya ang ‘tulad ko.

Umakyat siya sa ikalawang palapag, saktong nakasalubong namin si Goldy na pababa. Binati nito si Sir at tinanguan lang siya nito. Napatingin naman ito sa akin at ngumiti kaming pareho sa isa’t isa. Hindi ko alam pero may kakaiba sa ngiti ni Goldy na hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin nang makarating kami sa tapat ng kaniyang kuwarto.

Binuksan niya ang pinto at nauna siyang pumasok doon. Bumuntonghininga na muna ako. Doble, hindi, triple na yata ang dagundong sa puso ko. Bakit ba kailangan pang dito niya sabihin sa akin ang ipagagawa niya? Sa pagkakaalam ko’y tapos na itong linisan ng mga kasambahay at nang pumasok ako’y malinis na malinis na ito. Siguro, ipauulit niya ang paglilinis bilang parusa sa akin dahil galit siya sa akin. Kung iyon lang ang ipagagawa niya’y hindi na ako magrereklamo, bagkus ay magpapasalamat pa ako dahil hindi nito naisipan na tanggalin ako sa trabaho.

Hindi pa sapat iyong ipon ko. Mabubuhay ako pero hindi magtatagal ay mauubos din iyon. Papaano na ang pagbabalik ko sa pag-aaral? Mahirap pa namang makahanap ng trabaho ngayon. Hindi pa ako college graduate. Iyon pa naman ang madalas na requirement sa isang maayos na trabaho.

Narinig ko lang ang pag-lock ng pinto at ang mga yapak ng paa ni Sir. Pumunta siya sa harapan ko. Sa dibdib niya ako nakatingin dahil hindi ko magawang iangat ang ulo sa kaba. Ayokong tingnan ang ekspresiyon niya.

Tahimik lang siya. Hindi ko rin magawang magsalita dahil sa kaba, na baka iba ang lumabas sa bibig ko at mas lalo niyang ikagalit. Kaya tumahimik na lang ako. Pinagmamasdan ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya ngunit bigla niyang pinulot ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa.

“Nililigawan ka ba ng lalaking iyon?”

Naiangat ko nang mabilis ang ulo’t tumingin sa kaniyang mukha. Hindi siya nakatingin sa akin pero ang panga niya’t umiigting. Pakiramdam ko, tumigil sa pag-ikot ang mundo at tila ba nabingi ako sa kaniyang sinabi.

“Nililigawan ka ba ng lalaking iyon?”

“Nililigawan ka ba ng lalaking iyon?”

“Nililigawan ka ba ng lalaking iyon?”

Para iyong mga sirang plakang nagpaulit-ulit sa aking pandinig. Hindi ko maintindihan. Hindi ko siya maintindihan. Muli ay may mga nabuo na namang mga katanungan sa aking isipan. Bakit niya iyon naitanong? Ano’ng ibig niyang sabihin?Bakit niya ba ito ginagawa sa akin? At ang lahat ng ito ay hindi ko magawang bigkasin kaya’t nananatili na lamang sa aking isipan.

“Just fcking answer my damn question!” Napabalik ako sa ulirat ko nang muli na naman siyang magsalita.

Umiwas ako ng tingin. “B-Bakit po?” tanong ko, imbes na sagutin siya.

“I-I just wanted to know. But it doesn’t matter. Mas mabuti na rin iyon para hindi mo ituon sa akin ang pansin mo. I’m straight and I don’t want to hurt you,” aniya at saka ako nito iniwan.

Tulala at sa bintana lang ako nito nakatingin. Kumirot ang dibdib ko, oo. Masakit. Ayaw pala niya akong saktan, bakit pa siya nagpapakita ng mga motibo noon? At isa rin akong tanga, ang bilis maniwala. Nag-assume pa akong iba na ang kaniyang ipinapakita. Kasalanan ko, oo, pero mayroon din naman siyang kasalanan.

Naramdaman kong basa ang magkabila kong pisngi kaya mabilis ko iyong pinunasan. Bakit ako umiiyak? Napakasimpleng bagay. Wala lang naman ito, sanayan lang. Sanay na akong masaktan kaya ano pa’ng bago? Nakatadhana na yatang maging malungkot ang buhay ko.

Muli kong pinunasan ang mga luhang lumandas pero alam kong pulang-pula ngayon ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Kaya mabilis akong pumasok sa loob ng banyo ni Sir Harrison at doon inayos ang sarili ko.

--

PAGBABA ko ay abala pa rin ang mga kasambahay sa paglilinis. Tumingin ako sa paligid at wala rito si Sir Harrison. Magtatanghalian na. Tatanungin ko pa naman siya kung ano’ng gusto niyang ulam ngayong tanghali. Nilapitan ko na lang si Manang Elsa.

“Si Sir Harrison po?”

“Ay naku, lumabas siya kanina. Ano’ng nangyari sa amo mong iyon, Conan? Ang bibigat ng mga lakad niya habang palabas,” sagot niya.

“Oo nga, ‘teh. Nakasalubong ko siya kanina habang papasok ako dahil nagtapon ako ng basura, sumakay siya sa kotse at pinaharurot iyon. Nag-away kayo?” segunda ni Goldy na nakaupo na ngayon sa sofa.

Bigla akong napalunok. Nag-away? Ano’ng pinagsasabi niya? Bakit naman kami – hindi kami nag-away. Baka may importante lang siyang lalakarin ngayon kaya siya umalis.

“H-Hindi po. Baka po mag-importante lang siyang lalakarin ngayon. Ano nga pala ang gusto niyong ulam?”

“Yown! Gusto ko ng sabaw, Con.” Biglang dumating si Riley at mabilis akong inakbayan.

Tumawa ako nang mahina. “Sige. Sinigang na lang ang lulutuin ko,” sagot ko at saka tinanggal ang kamay ni Riley sa akin.

--

Tatlong oras na ang nakalilipas nang umalis sina Manang Dolly at ang iba pa. Alas-otso na ng gabi at kahit gutom ako’y hindi ko pa ring magawang kumain dahil hinihintay ko ang pagdating ni Sir Harrison. Wala naman siyang ibinilin na ‘wag ko na siyang hintayin o kung uuwi ba siya ngayon pero heto ang gusto ko ng puso ko at hindi ko maintindihan.

Naiinis ako sa kaniya ngunit hindi ko magawang magalit ng tuluyan. Kasalanan ko rin naman.

Sa orasan lang ako nakatingin hanggang sa tumapat ang oras sa alas-diyes ay wala pa rin ito. Nakararamdam na ako ng antok pero tiniis kong magising ang diwa ko. Nag-aalala na rin ako. Papaano kung may nangyari na sa kaniyang masama? Hindi ko naman alam kung papaano ko siya matatawagan.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang makita ko ang sinag ng ilaw na nagmumula sa labas. Mabilis akong tumayo. Si Sir Harrison na iyan, kaya nakahinga ako nang maluwag. Dali-dali akong lumapit sa pinto at binuksan iyon, sakto namang nasa harap ng pinto si Sir Harrison. Tumingin siya sa akin.

“Can I court you too?” Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Amoy na amoy ko rin ang alak na nagmumula sa kaniya kaya’t alam kong lasing siya sa mga oras na ito. “Please, Conan. Let me court you. G-Gusto kong malaman kung ano itong nararamdaman ko.”

Alcantara Brothers: The Runaway Billionaire [BXB] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon