CHAPTER 20

857 70 1
                                    

THE BILLIONAIREʼS DOWNFALL
CHAPTER 20

C O N A N


Katatapos ko lang magsaing at balak ko na sanang magluto ng ulam – na naihanda ko na kanina pa, nang pumasok si Sir Hunter, iyong naabutan naming bisita ni Sir Harrison kanina, dito sa kusina. Kumuha siya ng tubig at saka ng malinis na baso.

"Don't stare at me or I'll eat you," bigla nitong sabi.

Mabilis akong umiwas. Dumagundong ang puso ko sa kaba dahil sa sinabi niya. Halimaw ba siya? Bakit niya sinabing kakainin niya ako?

At saka, sino ba siya? Kahawig siya ni Sir Harrison ngunit mas bata lang siya ng ilang taon. Isa pa, mas nakakatakot itong si Sir Hunter dahil mukha siyang gangster. Kalbo, may tattoo sa braso, at mga hikaw sa tainga. Tapos nakasuot pa siya ng leather jacket at pantaloon na maong.

Tumawa siya nang mahina, kaya muli akong napatingin sa kaniya. Nakaupo na siya sa may high chair habang hawak ang basong may kaunti pang tubig.

"I've never seen my brother's eyes glow while looking at someone. Tell me, what did you do to him?"

Nasagot ang tanong ko sa isipan. Kapatid pala siya ni Sir Harrison. Hindi naman malabo iyon dahil magkamukha silang dalawa. Pero ano iyong sinabi niya?

"P-Po?" sabi ko, dahil hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko sa kaniya. Ayaw ko naman siyang sagutin nang pabalang dahil baka totohanin niya iyong banta niya kanina.

Muli na naman siyang tumawa nang mahina, sabay ngisi habang nakatingin sa akin. Kinakabahan na ako. Nasaan na ba kasi si sir Harrison? Bakit ang tagal-tagal nito sa sala?

"When the day comes when you have to choose between two things, I want you to choose yourself." Mas lalo ko siyang hindi naintindihan dahil sa kaniyang sinabi. "Conan, right?" Tumango ako kahit na naguguluhan ako. "Promise me, that you'll choose yourself over my brother."

"H-Hindi ko po kayo naiintindihan," sagot ko rito.

"Just promise me," pagpupumilit niya.

Kahit naguguluhan pa rin ay sumagot na lang ako, "pangako po."

Nakahinga ako nang maluwag ng pumasok si sir Harrison. Iba na ang awra nito kumpara sa kaninang magkasama kami. Tila ba may nag-iba ngunit hindi ko naman nababasa kung ano'ng tumatakbo sa kaniyang isipan.

"Ano'ng pinag-uusapan ninyo?"

Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ni sir Hunter. "Nothing, bro. Ang cute pala nitong kasama mo sa bahay."

Naramdaman ko ang biglang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Kaya bago pa man nila mapansin na namumula na ang mga ito'y mabilis akong tumalikod sa kanila at sinimulan ang ulam na plano kong lutuin.

Hindi ko na lang pinansin ang kanilang pinag-uusapan. Nagkakamustuhan sila at hanggang sa dumating sa usaping pangnegosyo, at iba pang mga bagay na hindi ko na maintindihan.

"Wow! What's that smell? Fck. Nagugutom na ako sa amoy pa lang," narinig kong sabi ni sir Hunter.

"Malapit na po itong maluto," sabi ko. Tumingin ako sa kanilang dalawa. "K-kung maaari po, ihanda niyo na lang po iyong mga plato at kanin," sabi ko. Komportable na ako sa kanilang dalawa ngunit hindi pa rin nawawala ang kabog sa aking dibdib.

"Ano nga pala iyang niluluto mo? Its smells good," tanong ni sir Harrison.

"Yeah," sang-ayon naman ng kaniyang kapatid.

Alcantara Brothers: The Runaway Billionaire [BXB] | ONGOINGWhere stories live. Discover now