CHAPTER 24

824 54 1
                                    

THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 24


C O N A N

    Ang sarap nang panaginip ko. Nasa paraiso ako kung saan tanging ako at si Sir Harrison ang naroroon. Masaya kaming dalawa. Ang daming mga bulaklak at ang mga ibon ay nagsisiawitan. Nakahiga ako sa kaniyang braso habang pinagmamasdan namin ang asul na kalangitan. Parehong may mga ngiti sa aming labi.

Nagising lang ako nang nakaramdam ako ng munting mga halik sa aking noon. Pagmulat ko sa mga mata ay ang malapad nitong likuran ang aking nakikita. Bumaba siya sa kama, nakasuot lang siya ng puting boxer short at dumuduyan ang kaniyang malaman na pang-upo. Pumasok siya sa loob ng banyo kaya nawala na siya sa paningin.

Nanatili akong nakahiga at pinapakiramdaman ang sarili. Inilibot ko ang paningin. Nasa kuwarto ako ni Sir Harrison. Muling bumalik sa aking alaala ang nangyari kagabi. Biglang nag-init ang buo kong mukha. Bigla ring bumukas ang pinto ng banyo kaya mabilis kong kinuha ang kumot at nagkunwaring natutulog. Nakikiramdam lang ako sa kung ano ang kaniyang gagawin.

“I know you’re awake already,” aniya. Naramdamanan ko ang paglubog ng kutson kung saan siya naupo. Hindi ako sumagot, nagkunwari pa rin akong tulog dahil ayaw kong makita niyang namumula ang buo kong mukha dahil sa alaala nang nangyari kagabi lang. Nakikiramdam pa rin ako sa kung ano’ng susunod niyang gagawin. “Uhmm… About last night, I-I’m sorry. Sorry for what happened.”

Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot na nakabalot sa akin upang ipaalam sa kaniyang gising na nga ako. Tumingin ako rito. Nakatingin na rin pala siya sa akin at malungkot ang kaniyang mukha, pero bakit siya malungkot?

“Huwag niyo na pong isipin ‘yon…” Kasi ayaw ko na ring pag-usapan ang bagay na iyon. Mas lalo lang namumula ang pisngi ko kapag naalala ko pa iyon. “Ginusto ko pong gawin iyon dahil po mahal kita,” dagdag ko.

“Thank you, Conan. For making me happy and forget all the things that make my life miserable.” Ngayo’y may ngiti na sa kaniyang labi. Hindi ako sumagot bagkus ay ngumiti lang ako bilang tugon sa kaniya. “Can you move?” tanong niya.

Tumang ako. Pinilit kong maupo kahit na nakakaramdam ako ng kirot sa aking pang-upo at maging sa aking likuran. “Opo. Ayos lang ako,” sabi ko.

“Does it hurt?” dagdag niyang tanong, ngayon ay nasa tabi ko na siya’t pinapasadahan ako ng tingin upang suriin kung may masakit ba sa akin.

Umiling ako’t sumagot. “Ayos lang po talaga ako. M-magsuot ka na lang po roon ng damit.” Hindi ako tumingin sa kaniya. Hirap akong gumalaw pero pinilit ko ang sarili na makababa sa kama. Tila ba may napunit sa akin at para akong bagong panganak pa lang tapos sa butas ng pang-upo ko pa lumabas.

Naglakad ako papasok sa banyo nang dahan-dahan lang para ‘di niya mahalatang masakit ang katawan ko’t hindi ko kayang gumalaw. Hindi ko puwedeng sabihin iyon dahil marami pa akong dapat na tapusin ngayong araw. Iyong kapapalit ko pa lang na bed sheet niyang kama ay kailangan ko ulit labhan dahil marumi’t iba na ang amoy ng mga ito. Isa pa, sino’ng magluluto sa aming dalawa? Ako ang kasambahay rito, kaya ako dapat ang gagawa ng mga gawaing bahay.

Pagpasok ko sa loob ay kaagad kong ginawa ang araw-araw kong ritwal tuwing umaga. May mga tootbrush naman ditong hindi pa nabubuksan kaya iyon na lang ang ginamit ko dahil nasa ibaba iyong sa akin. Naghilamos ako pagkatapos at tumingin sa salamin.

Napangiti ako nang makitang iba na ang suot ko ngayon. Underwear ko pa rin itong suot ko dahil malalaki iyong underwear ni sir Harrison pero itong damit ay sa kaniya. Nagmistula itong bestida sa laki. Inamoy ko’t yumakap sa aking ilong ang halimuyak ng kaniyang ginagamit na pabango. Sa tingin ko’y paborito ko ang amoy niya simula ngayon at baka nga ma-adik ako nito.

“Does my shirt smells good that you even forgot to clean you face?” Nanlaki ang mga mata ko’t tumingin dito. Nakatayo siya malapit sa pinto’t nakasandal habang nakangising nakatingin din sa akin. “Babe, you don’t have to go here and hide just to smell it, just tell, I’ll give my all body to you.” At kumindat-kindat pa siya.

Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis na kinuha ang malinis na face towel sa cabinet. “Inaamoy ko lang kung mabaho na para maisabay ko sa paglaba,” palusot ko pero alam ko namang hindi talaga iyon ang totoo. Hindi rin mabaho ang kaniyang mga damit sa tuwing nilalabhan ko na iyon.

Mahina lang siyang tumawa at mabilis akong hinawakan sa kamat at hinila papalit. Mahina rin akong napadaing sa sakit nang hindi niya nahahalata dahil sa ginawa niya pero. Dikit na dikit ang katawan naming dalawa. Tumingala ako at nakatungo naman siyang nakangitin sa akin. May ngiti na naman sa kaniyang labi.

“I love you,” aniya.

Tumambol na naman ang puso ko sa tuwa. Ipinulupot ko ang mga kamay sa kaniyang katawan at saka siya sinagot, “mahal na mahal din po kita.”


--


    BUONG maghapon ay magkasama kaming dalawa ni Sir Harrison. Nasabi ko rin sa kaniyang masakit ang katawan ko nang binuhat ako nito kanina’t ibinagsak sa kama. Muntik pang mangyari, mabuti na lamang ay napigilan ko. Ngayon ay nakaupo kaming dalawa sa harap ng hapag habang pinagsasaluhan naming dalawa ang binili niyang Pizza online.

Hindi na rin masakit ang katawan ko’t pang-upo dahil nakainom na rin ako ng pain reliever. Tinulungan din ako ni sir Harrison na maglinis at halos siya lahat ang gumawa dahil ayaw niyang ako ang maglinis.

“I’m going home next week…” Natigilan ako nang magsalita siya. “And I’m bringing you with me,” dagdag niya.

Hindi ako nakasagot dahil sa gulat. Uuwi na siya pero isasama niya ako sa kaniyang pag-uwi. Hindi ko alam kung ano ba’ng dapat kong maramdaman, matutuwa o matatakot? Papaano kung sa pag-uwi niya’y biglang nagbago ang lahat at bigla na lang niya akong iniwan sa ere?

“H-Hindi na po ba kayo masaya rito?” tanong ko’t hindi ko alam bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. “I am. This place is my paradise because I met you here, but I have to fix something there and I want you to come with me. Kasi ikaw ang lakas ko, Conan.”

Tumingin lang ako sa kaniya. Naiintindihan ko naman siya pero bakit may parte sa akin ang natatakot? Hindi sumagi sa isip kong balang araw ay aalis ako ng Baguio kung saan ako lumaki at kung saan ako nagsimulang mangarap. Pero hindi naman siguro masamang magsimulang muli sa malayo at isa pa, malayo ang Manila rito. Malayo sa mga nakaraang patuloy na bumabangungot sa akin.

Tumingin ako sa kamay niya’t ako naman ang humawak dito. “Hindi po aalis sa tabi mo, kung nasaan ka, nandoon ako,” sagot ko.

*****

Mami-meet kaya ni Conan ang future father-in-law or baka si Andrei? 😂 What do you think?

Alcantara Brothers: The Runaway Billionaire [BXB] | ONGOINGWhere stories live. Discover now