3

17 0 0
                                        

"Top 2 ka lang?"

Now, it's the time again to hear my mother's reprimand. Ganyan talaga siya sa'kin, number two is not enough for her, it needs to be one. Simula nong senior highschool ako ay doon nagsimulang nasa top 2 lang ako because our top 1 in HumSS is smarter than me.

"Ma, point lang naman yung lamang--"

"Kung point lang bakit hindi mo nakayang lampasan? For pete's sake, Cordelia. Ilang grading na nilampasan ka ng Airelle Ezra na 'yon," she's already comparing me to Ezra. "Sayang lang ang pera na ginamit ko sa'yo kung yan lang ang kaya mo."

At dahil may respeto pa din ako kay Mama ay napayuko ako. I know that she wants the best for me, that's why she's doing this. I just need to aim for higher just to make her proud of me.

"Sorry, Ma. Babawi ako sa'yo."

My mother have high expectations for me, and I don't want to disappoint her. Ginagawa ko talaga ang best ko para makuha ang academic validation na gustong-gusto ni Mama. But all of my efforts go to waste because I didn't achieve her expectation for me.

And that night, I did a advance study again to be advance in our lessons for this upcoming week.

I suddenly remembered Ezra. She's a good person and definitely a smart girl. Kahit tahimik lang ito ay ang sobrang talino, that's also the reason why Augustus is having a crush on her. Nakilala ko si Ezra nong foundation and I suddenly want to become friends of her because I just thought that she needs one even though she distance herself most of the time. Buti nalang ay nandito si Augustus para sabayan siya.

And now, I noticed how much Ezra changed. Sana nga ay magtuloy-tuloy. I also want the best of her.

The week starts. Pumasok ako sa skwelahan ng nakangiti habang bumabati ng magandang umaga sa mga kakilala ko. They were calling for my name and greeted me with their warm smiles so I gave back my sweetest smile to them.

Pagkarating ko sa skwelahan ay nakita ko kaagad sila na nag-aaral sa loob ng classroom. Three of them were studying together so I just sat down beside them. I want to join their study session but they were quite busy to even notice me. Hindi ko nalang 'yon pinansin at nag-aral nalang mag-isa. Nag-aral na din naman ako kagabi kaya kaya ko naman na ako nalang mag-isa.

"Nag confess ka daw kay Akihiko? Bakit hindi namin alam na crush mo pala siya," si Trejada sa'kin pagkatapos nilang mag-aral. Lahat silang tatlo ay hinintay ang sasabihin ko.

Napakalot ako sa sintido. "Sorry if I didn't tell you three. Ayoko kasing may maraming makakaalam--"

"But your sudden confession became a hot topic right now in our school, Cordelia," si Samantha. "Pero okay lang. Gwapo din naman si Akihiko."

Parang gusto kong sumuka sa sinabi niya. What the hell? Anong gwapo doon? Mukhang gangster nga 'yon at parang walang ginawa sa buhay kundi ang gumawa ng gulo at problema sa lahat.

Pinilig ko ang ulo ko sa upuan.

"Varsity player 'yon si Akihiko. Siya na ang bagong captain ngayon sa basketball team dito sa school," si Mitsy.  "Tumigil na kasi sa pag ba-basketball yung captain noon kaya siya na ang bago. Magaling din naman siya--"

"Oo ah, ang galing nga ni Akihiko kaya crush din siya ng mga babae dito, e. Ang problema lang talaga sa lalakeng 'yon ay basag ulo," pagsasabat ni Trejada. "Pero okay lang 'yon. You can change him naman siguro, Cordelia."

Kahit gusto ko nang masuka sa sinasabi nila ay pinigilan ko. Jusko, ba't naman kasi napunta ako dito sa punto ng buhay ko. Nananahimik lang sana ako, e pero biglang naging crush ko kaagad si Akihiko kahit naman ay hindi talaga at natatakot lang talaga akong malaman ni Elezer na crush ko siya.

Pagkatapos ng klase ay napagpasyahan kong puntahan ang kaibigan ko na galing sa Abm na si Lalaine, na siya dapat ang rumor ngayon e, at hindi ako.

"Beh, sorry talaga at ikaw ang nasabihan na ikaw ang nag confess," maiyak iyak na sambit nito at hinawakan ang kamay ko. "Pwede sa ganyang state muna? Ayoko kasing malaman niya kaagad."

Napabuntong hininga ako. Wala na din naman akong magagawa dahil kailangang tanggapin ko nalang ito kasi blinackmail ako ng magaling na Akihiko na 'yon, e.

"Okay, but just confess to him in person if your are ready," napabuntong hininga ako ulit. "Para naman ay wala kang what it's pagkatapos at tsaka para hindi na ako asarin ng iba sa lalaking 'yon."

"Sorry talaga, Cordelia! Anong gusto mo cookies and cream ice cream?"

Tumango nalang ako at ngumiti. "Yung nasa malaking cup gusto ko."

We chuckled.

Mabuti nalang at medyo gumaan ang pakiramdam ko sa ice cream na nilibre ni Lalaine kaya nakangiti akong naglalakad sa hallway habang hawak ang isang cup ng ice cream habang nakasuot ang earpods sa tenga.

"Cause if you want to keep me, you gotta gotta gotta gotta got to love me harder," mahinang pagkanta ko kasabay sa pinaparinggan ko ngayon ng napahinto ako sa paglalakad.

I saw Akihiro smiling infront of me. Halos umabot na ang gilid ng bibig nito sa tenga niya dahil sa laki ng ngiti nito. There he was, even in his presence lang ay napipikon ako! I suddenly want to punch him in the face.

"Masayang masaya ah? Bigay ng crush mo?" His eyes diverted on the cup of icecream in my hands.

My eyebrows met. "Stop ruining my mood, Akihiro. I don't want to see your face infront of me."

He touched his breast dramatically. "Ouch, that hurts! Ayaw mo ba makita ako na crush mo?" He said, jokingly.

I rolled my eyes and took an inch forward while looking up at him because he is taller than me. He even stepped back because of my sudden move. "You want that to happen?"

Nakita ko kung paano siya napalunok at di makasalita. I raised my brows. "Para ka lang umasang pumuti ang uwak."

Nagkadugtong ang kilay niya ngayon and what shocks me when he looked down at me, straight into my eyes. His hands are in his side pockets, habang nakapalumbaba para magka pantay ang tangkad namin.

He tilted his head and flashed a smile infront of me. "That's not impossible. I can make you fall in love with me."


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Introspecting About YouWhere stories live. Discover now