57

781 26 1
                                    

**Roseben's Pov**

"Hanggang ngayon ay takot pa din syang lumabas ng kwarto nya. Mukang matatagalan pa bago makabalik si Larra sa sarili nya. Sa loob ng anim na buwan, nag karoon sya ng intense mental distress." Wika ng private doctor ni Larra.

Awang awa ako sa kapatid ko, dahil sa pag tatago nya sa mga pulis, grabe yung mga pinag daanan nya. Dumating sa point na hindi na ito nakakain sa loob ng tatlong araw dahil hindi nya alam kung paano sya makakalabas sa tinataguan nya. Everytime na may nakakakilala sa kanya, lumilipat sya ng matitirhan.

Ilang taon kong hinanap si Larra, tapos ito ang madadatnan ko. Kung minahal lang sana sya ni Garri tulad ng pag mamahal sa kanya ni Larra, hindi ito mangyayare sa kanya. Kaya gagawin ko ang lahat para masira sila.

Wala silang karapatan na saktan ang kapatid ko. Hindi nila alam yung sakit na naramdaman nito. Pababagsakin ko kayo, hintayin nyo lang at gagalang kayo sa hirap.

-

"Nakuha ko na ang pinakang mataas na stock share holder sa Clinton's Empire." Wika ng isa sa mga tauhan ko.

"Magaling kung ganun, hindi mag tatagal at mapapasakin din ang Clinton's Empire, at isusunod ko na ang Ocampo Group and Companies." Nakangiting wika ko sa tauhan ko.

Kukunin ko ang lahat sa inyo at wala akong ititira. Tingnan lang natin kung San kayo pupulutin.

-

Dumiretso ako sa mansion ng mga Clinton. Nandito ako hindi para kay Garri, kundi para bilugin ang ulo ng mama ni Garri. Kuhang kuha ko na ang loob nya, kaya hinding hindi na makakabalik si Erceles sa mansion na ito. Tama lang yun sa kanila ni Garri, mag dusa silang dalawa.

"Kung patuloy pa rin na mag mamatigas si Garri, putulin mo na ang ugnayan natin sa kanya." Wika ni mommy Rizza.

"Nahihibang kana ba? Alam mo naman na si Garri ang Vice chairman ng company natin!" Sigaw ng Asawa nito sa kanya.

"Nandyan naman si Gabby, isa pa tutulong din si Roseben satin." Wika ng Ina nito. Palihim naman akong napangiti. Alam kong mahihirapan ako pag dating sa ama ni Garri. Hindi naman ito ganun kadaling utuin hindi katulad ng mommy nya.

"Kapag nawala na kay Garri ang lahat, tiyak na susunod sya sa gusto natin." Dagdag pa nito.

"Hayaan mo nalang si Garri sa gusto nya. Alam na ni Garri ang tama at mali. Ngayon na may Asawa na sya, bakit ba gusto mo pa rin kontrolin ang buhay nya? Hindi ka pa ba masaya na Ocampo si Everlie?" Tanong ng Asawa nito kaya napakunot ang noo ni Mommy Rizza. .

"Sa tingin mo mapapatawad ko sya sa ginawa nyang pang loloko satin?" Inis na sagot nito.

"Nagawa nya yun dahil kay Garri, at kasalanan natin kung bakit nagawa yun ni Garri. Kaya pwede ba Rizza, tigilan na natin to. Hayaan mo na si Garri at Everlie!" Sigaw nito at umalis na ito sa harapan namin.

"Bumalik ka dito Gabriel, hindi pa tayo tapos mag usap!" Sigaw ni Mommy Rizza.

"Mom, hayaan nyo na muna makapag isip-isip si Dad. Pero tama po ang naging disisyon nyo. Kung isang beses na kayong niloko ni Garri at Everlie, pwede nya ulit gawin yun sa inyo. Kaya huwag kayong papayag na maging daughter in law nyo ang babaeng yun." Wika ko dito at hinawakan ito sa dalawang kamay.

"Mamatay muna ako bago mangyare yun!" Wika nito kaya napangiti ako sa isip ko.

Habang hawak ko sa leeg ang mommy ni Garri, mapapadali ang lahat. Sorry nalang dahil uto-uto ang ina nya. Hindi marunong pumili ng taong dapat pag kakatiwalaan nya.

**Erceles's Pov**

  1 week na ang lumipas mula ng makapag usap kami ni Garri. Hindi na ito ulit na ngulit sakin. Papunta ako ngayon sa company namin dahil may pinapaasikaso sakin si mom.

Mr Billionaire's Fake Wife Where stories live. Discover now