Prologue

23.6K 75 8
                                    

"Hoy Panget!"tawag niya pero dahil sa hindi naman ako panget hindi ko siya nilingon. Eh hindi naman kasi talaga ako panget.



"Panget! Ano nagbi-bingi-bingihan? Tengene hoy!"sigaw niya sa tenga ko kaya naman napatingin na ko sa kanya na umatras ng konti. Tinignan ko siya mula ulo mukhang paa, Nakapamulsa siya sa bulsa ng pantalon niya.


So ano? Cool na siya sa lagay na iyan? Mukha siyang si Totoy Bibo sa postura niyang iyan eh. Nagcross arms ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.



"Kinulang ka ba talaga sa pansin o kinukuha mo lang ang atensyon ko kasi ang ganda-ganda ko? Bakit ka ba sumisigaw sa tenga ko? Pwede mo naman akong tawagin sa napakaganda kong pangalan na kasing ganda ko."sabi ko sa kanya at ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. Nasusuka ako sa ginawa kong pag-ngiti sa kanya, Pweh!



"Ha! Ikaw maganda? Sino nagsabi? Ang panget mo kaya."sabi niya sabay tawa kaya naman nag-rolyo ako ng mata ko.



"For your information hindi ako panget. Maganda ako in English? Beautiful. Kumbaga sa Beauty and the Beast, I am the Beauty and You are the Beast."sabi ko sa kanya sabay ngisi ko at napa-ubo naman siya.



"Beauty is the Beast."sabi niya sa akin sabay smirk. Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ano?! A-ako? Beast? Argh! LECHE SIYA BAKIT HINDI PA SIYA NAHULOG SA BANGIN?



"Putangina mo Leche! Hmp!"singhal ko sa kanya with poise sabay alis.. @$$#()^&*




~~xx~~


Kung Si Hermes Romano ay dating hinahabol-habol si Zabrina Ruiz ng Operation: Stealing The Bad Boy at Si Kathryn Del Valle ay sinaktan at pinaglaruan ni Daniel Ladesma ng She's Back.

Pwes! Ibahin niyo si Patricia Espinosa at Ivan Lacson ng Beauty is the Beast dahil walang naganap na Habulan at Laro dahil sadyang bitter lang sila sa isa't-isa dahil sa past nila.

Magka-ayos pa kaya silang dalawa tulad ng dati na hindi uso ang salitang "space" hindi tulad ngayon na kulang na lang patulpikin nila ang isa't-isa sa Outer Space?

Ano Gaya-Gaya? Walang Originality? Original ito dahil ang bida dito ay si Ivan at Patch.

Beauty is the Beast [END na walang Book 2]Where stories live. Discover now