Beauty and Beast 1

4.1K 51 4
                                    

Warning: Patnubay at Gabay ng Magulang ay hindi na kailangan, Seryoso pustiso ni pulgoso.

Patricia's Side

Leche siya! Ang sarap niyang ibaon ng buhay sa lupa o kaya ibitin ng patiwarik sa Moon kaya lang lulutang siya wala ring kwenta. Ipadala na lang sa sun nang masunog na ang lalaking 'yun? How dare him na sabihan akong panget! Ako? Panget?

Tsk! If i know inggit lang siya dahil ako may Beauty samantalang siya Beast! Bakla na talaga.

"Kasi naman Patch wag mo nang pansinin at patulan si Ivan, Ang Bitter niyong dalawa masyado."singit ni Katerina habang namumula ako sa galit dito sa powder room ng University namin.

Nag-rolyo ako ng mata ko at sinarado ko ang press powder ko kaya malamang sa malamang nadurog ang laman noon.

"If i know bading na siya kaya ganyan siya. Sabagay maganda talaga ako at siya? Inggit lang siya sa Beauty ko."sabi ko sa Bestfriend ko na si Katerina Montes na walang nagawa kungdi ang manalamin na lang ng tahimik.

Naglakad ako papuntang pinto, Akala ko susunod si Kat (nickname ng gaga) pero hindi pala.

"Uy ano? Magkukulong ka dito forever? So iiwan na kita ganoon?"tanong ko sa kanya at ayun lumabas na kami at pumuntang Caf dahil nandoon ang barkada ko o mas kilala dito sa campus as Magic Circle kung bakit iyan ang name? Ewan ko sa mga 'yun.

"Uy nandyan na si Patch! Libre ka naman."sigaw ni Nico kaya naman tumaas ang kilay ko sa kanya bago ako umupo sa upuan.

"Libre? Sige ba."sabi ko sabay tingin sa kanya ng nakakaloko.

"Yun Oh!"sigaw ni Nico pero pinutol ko agad ang kasiyahan niya. Ano siya sinuswerte? Manigas siya!

"Libreng mangarap na manlilibre ako."sabi ko sabay sandal sa upuan ko at ngumsi habang nakahalukipkip.

"Ano tutunganga? Sino ba nakatoka na umorder ngayon?"biglang sabat ni Beast.. Tsk! Bakit ba nandito itong lokong 'to? Ni hindi pa nga umiinit ang pwet ko sa upuan eh nandito na itong kulokoy na 'to.

"Hindi ba si Patch?"sabi ni Quenito kaya naman binigyan ko siya ng masamang tingin at malutong na mura.

"@$$()*^&% ka po. Die! Pera niyo? Ano ako magbabayad? Hindi kayo swerte."sabi ko sabay tayo at nilabas nila ang mga pera nila at ako kinuha ko iyon. Imbes na pumila ako ng sobrang tagal at dahil sa tamad ako..

"Ang pila ngayon ay naaayon sa ganda. Sa likod ang maganda at nasa harapan ang mga panget."sabi ko at pilit na nilakasan ang boses ko. Agad namang humawi ang mga tao sa sinabi ko, Tinaasan ko sila ng kilay habang naglalakad ako.

"So ngayon ang gusto niya maganda ang mauna tapos sa likod ang panget ganoon?"sabi tanong ko sa kanila habang naglalakad ako sa gitna. Nahagip ng mata ko ang babaeng tinaasan ako ng kilay kaya naman nilapitan ko siya.

"Wag kang magtaas ng kilay kung wala kang kilay nagmumukha kang Alien."sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang collar ng uniform niya saka pinagpagan. Nag-smirk ako sa kanya at nilakasan ang pagpag ko sa collar ng uniform niya.

"Kilalanin mo kung sino babanggain mo."sabi ko sa kanya sabay tulak, Naglakad na ko sa harapan ng may isang bara doon.

"Alam mo bang mukha kang inodoro?"sabi ko sa bara na nasa Counter.

"Ha?"

"Ang sabi ko mukha kang inodoro, Ang laki mo kasing bara eh."sabi ko at mabilis naman siyang umalis sa Counter.

Beauty is the Beast [END na walang Book 2]Where stories live. Discover now