Beauty and Beast 33

1.3K 16 4
                                    

Napatigil sa pagmumuni si Ivan ng may narinig siyang sumisinghot kaya automatic na nagsalubong ang kilay niya at ang noo niya at nakunot. Tinignan niya ang istorbo sa pag-gugunita niya sa mga memories nila ni Patch.

Nagulantang siya sa nakita.. Si Patch natutulog sa may ilalim ng puno at may tumutulong luha sa mga mata nito.

Naawa si Ivan sa kanyang mahal.. Hindi niya alam ang dahilan ng Break Up nila. Sayang iyon ang sinabi ng madami nang malaman ang Break up ng dalawa.

Para kasing si Habagat ang pangyayari HINDI INAASAHAN! Kumembot ang bakla. Nagkaroon ng Hangin at nabuo si Habagat na nag-feeling babae este bagyo pala XD

"Patch."bulong ni Ivan at hinawi ang hibla ng buhok ni Patch at sinukbit sa tenga nito.

"Dahil ba sa nabadtrip ako ng araw na iyon kaya ka nakipagbreak? Hindi ko sinasadya yun Promise."bulong ni Ivan at ninakawan ng halik si Patch. Malaki naman kasi talaga ang nasayang.. Ang Friendship.. at Ang pagmamahalan nila.

"Kung pwede lang..."sabi ni Ivan at tumayo. Umalis siya sa lugar na iyon nang madali! Mas mabilis pa kay Facundo!

Dahil sa paglisan niya ng lugar na iyon ay ang pagtulo ng luhang matagal na niyang tinago.

Sa kabilang dako nananaginip si Patch gusto niyang mapag-isa kaso nakatulog siya sa may ilalim ng puno.. Napaniginipan niyang hinalikan siya ni Ivan kaya napadilat siya ng mata at...

Panaginip! "Worst Nightmare!"iba ang sinabi ng puso sa bibig -_-

"Hey Patch! Kanina ka pa namin hinahanap tara na mag-iistart na ang meeting sa Org."sabi ni Lily at sabay silang pumunta sa Office ng Org nila.

===================

===================

"Okay may Project ang Photo Org natin at ang Concept ay Beauty of Love."sabi ng President ng Org.. Once in a Blue Moon na nga lang sila magpa-meeting may Project pa!

Pero ang malala eh ang Concept na Beauty of Love.. Mahirap para kay Patch at Ivan. Beauty and Love nagawa nila yan nung One Day OJT nila nung 4th year High School sila pero iba ngayon Beauty of Love ibig sabihin ipapakita nila sa isang larawan ang ganda ng pag-ibig.. Medyo bangag ang Author kasi tinagalog niya lang XD

"Beauty of Love?"sabay na sabi ng P4 at nang Magic Circle... at tumingin sa gulat na si Patch at Ivan.

"By two ang pairing para may teamwork."sabi ng President at bumunot sa may fish bowl.

"Giri-Kabe."

"Gothico-Padilla."

"Gil-Coleta."

"Jallorina-Santos."

"Celis-Montes."

"Espinosa-Lacson."

Biased ang Author kaya dyahe! Yaan niyo na XD

"Okay One Photo per pairing Concept Beauty of Love, Meeting Adjourned."sabi nang President at umalis na.

"Pambihira! Kung minamalas ka nga naman!"sabi ni Patch at napahawak sa kanyang sentido.

"The feeling is Mutual."asar naman ni Ivan na parang walang nangyari kanina, Pinipigilan niyang tumingin sa mapulang labi ni Patch. Whaha!

"Sed alam mo ba ang Beauty of Love?"sabi ni JC na matawa-tawa.

"Sige nga JC ano?"sabi naman ni Sed.

"Ang pagpigil tumingin sa isang bagay."at tumawa ng malakas ang dalawa.. Obvious kasi sa P5 si Ivan eh medyo naguluhan naman ang Magic Circle.

"Eh Kats ano naman ang Beauty of Love sa atin?"sabi naman ni Lester.

"Ang iwan nang taong mahal natin?"sabi ni Kats at nagyakapan sila ni Lester... Bromance! Lumayas nga kayo dito! Hindi ito BoyxBoy! -_-

__________________________________________

Gusto niya ng malaman ang Break Up ni Patch at Ivan? Bwahahahaha Malapit na!

Malapit na din ang Beautiful Sabaw Ending wala ng Book 2 pagod na ko! XD

~Cynthia

Beauty is the Beast [END na walang Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon