Beauty and Beast 2

2.6K 30 1
                                    

Ivan's Side

Padabog akong umalis sa kinauupuan ko at naumay ako sa pagkain ko dahil sa landian kanina. Ang kapal talaga ng mukha ng panget na babaeng 'yun. Nakakaasar siya at sobrang sama niyang babae. Maling-mali na minahal ko siya dapat nag-stay na lang kami as Bestfriends wala sanang ganitong gulo. Pero anong magagawa ko? Nangyari na. Mahal ko, Hindi ko napigilan kaya nasira kaming dalawa.

Dumeretso ako sa Gym para magbasketball nakita ko yung tatlong itlog at si Seth sa Gym at nag-sasoundtrip na puro kalokohan ang lyrics. Kinuha ko yung bola sa lalagyanan tapos binato ko ng binato sa ring. Nakisali rin ang silang apat sa trip ko na shoot lang ng shoot ng bola sa ring. Hanggang sa hindi ko naman sinasadya na tumalsik yung bola sa labas.

Sigurado ako na may natamaan pero wala na akong pake kung sino man 'yun.

"Ano ba?! Sino yung supot diyaan? Simpleng pag-shoot lang ng bola hindi pa magawa!"rinig kong sigaw ng boses na kilalang-kilala. Tangina! Kung minamalas ka nga naman.

"Sorry Patch."sabi ni Kats, Napatitig ako sa kanya at hindi ko maiwasan na magandahan pa rin sa kanya at mahalin pa rin siya kahit galit na galit ako sa kanya. Sa tinagal ng panahon simula nang mag-break kaming dalawa, Laging pagmamahal at galit ang nararamdaman ko sa kanya.

Akala ko noon hindi ka pwedeng magmahal kapag galit ka at kapag galit ka hindi ka magmamahal pero ngayon nararamdaman ko ang dalawang emosyon na ito.

"So kayong apat ang pumukol sa ulo ko?"asar na tanong niya sa kanilang apat at nagtaas naman ng dalawang kamay ang mga loko.

"W-wala kaming kasalanan Patch P-Promise."sabi ni Lester kaya naman napabuga ako ng hangin. Tanga kasi yung bola hindi siya nakita, Iyon ata ang gusto niyang marinig. Palibhasa kasi ayaw mag-patalo.

"O-oo nga Patch hindi kami 'yun."sabi naman ni Seth kaya naman napailing ako, Hugas kamay ang mga gago.

"Eh sino?!"sigaw na naman niya. Ang sarap niyang pasakan ng bola sa bunganga, Ang ingay-ingay bwiist!

"S-Si I-ivan."sabi ni JC sabay turo sa akin, Putengene ang Honest niya bigla. Napasimangot siya sa akin at ako naman naka-upo lang dito sa bleechers.

"Ano ba Ivan? Simpleng pag-shoot lang ng bola sa ring hindi mo pa magawa. Wala ka talagang kwenta."sabi niya sa akin kaya napatayo ako lumapit sa kanya. Ako walang kwenta? Puta! Ako walang kwenta?!

"Walang kwenta? Sa ating dalawa sino ba yung walang kwenta? Hindi ba ikaw? Saka tanga ka kasi hindi mo nakita yung bola."asar na sabi ko sabay ngisi kahit halatang inis ako sa tono ko. Atleast alam kong naasar siya dahil namumula na siya sa inis.

"$%@#&!$# ka Ivan! Walang hiya ka talaga! Hindi ka ba naaawa sa akin? Lagi mo kong ginugulo at pinapahirapang %@&$^# ka!"sigaw na naman niya sa akin at hinagis ang bola sa mukha ko pero mabuti na lang nasambot ko. Sa inis ko hinagis ko iyon na naglikha ng matinis na tunog bago magpatalbog-talbog.

"Wow! Ako pa ang walang hiya at hindi naaawa! Eh ikaw naawa ka ba sa akin noon?!"sabi ko sa kanya at lumapit pa ako lalo habang nakatingin sa kanya. Shet! Ivan galit ka sa kanya, Hindi siya maganda. Panget siya!

"Iyan ba yung kinapuputok ng butsi mo? Yung noon?! Eh gago ka pala!"asar na sabi niya sa akin kaya naman nginisian ko siya lalo.

"Oo Gago ako pero sa ating dalawa, Sino yung ginago?"tanong ko at halatang naasar siya dahil tinulak niya ako.

"Ewan ko sa iyo! Just die! Wala akong pake!"sigaw niya bago kami talikuran at umalis sa Gym. Napangisi ako at kinuha ang bola saka i-shinoot sa ring.

Beauty is the Beast [END na walang Book 2]Where stories live. Discover now