24. Kind.

27 2 0
                                    

Nandito pa din si Skyler sa mansion ng mga Dela Vega.

Nakapag palit na rin sya ng damit na binigay sakanya ni Scott. Di lang sanay si Skyler sa t-shirt na suot nya. Habang nag papalit kasi sya kanina ay nakita nya may tag price pa yung damit.

Sobrang gulat si Skyler sa nabasa nya sa tag price ay 200,000 pesos lang naman yung presyo nung shirt na binigay sakanya ni Scott. White shirt lang na ang laki nung logo sa gitna pero sobrang mahal.

Pikit mata na lang sinuot ni Skyler lahat nung nasa paper bags. Wala naman na syang choice at ayaw na rin nyang mag inarte.

Paglabas ni Skyler sa bathroom ay hinanap ni Skyler yung Butler na kasama nya kanina. Nawala eto bigla kaya napakamot na lang sa ulo si Skyler.

"Nasaan na kaya yun?"- kamot  pa rin sa ulong tanong ni Skyler sa kanyang sarili habang hinahanap parin yung Butler nila Scott.

Itatanong lang kasi ni Skyler kung saan ba sya pwede mag patuyo nung mga nabasa nyang damit.

Nung hindi nya mahanap yung butler ay kinuha na lang ni Skyler yung cellphone na nasa bulsa nya. Titignan nya kasi kung anong oras na.

Hindi na naman kasi sya nag paalam kay Boss Kim at lalo na kay Kurt. Mukhang lagot na naman sya sa bestfriend nya. Kasalanan kasi talaga eto ni Scott.

Inopen ni Skyler yung phone nya pero laking gulat nya nung naka black screen pa rin eto. Biglang kinabahan si Skyler dahil hindi pa din ma-open ang cellphone nya.

Mukhang nasira ata yung phone nya nung pagka talon nila ni Scott sa pool.

"Hala, Paano to?!"- tarantang sabi ni Skyler habang pilit parin binubuksan yung cellphone nyang black screen pa din.

Wala pa naman pera si Skyler pang ayos at lalo na pang bili ng bagong cellphone. Wala sa budget nya yun.

"Argh! Nakakaasar!"- hindi na alam ni Skyler ang gagawin nya. Simula talaga ng makilala nya si Scott Dela Vega nagkanda leche-leche na ang buhay nya.

"Hey Hon, Anong problema?"

Lumingon si Skyler sa nagsalita sa likuran nya. Si Scott lang pala yung dumating naka suot na ito ng blue polo shirt at cargo shorts na color gray. Naamoy din ni Skyler ang pabango nito na mukhang mamahalin.

"Wala."- poker face na sagot nya kay Scott. Hanggang ngayon kasi naasar pa rin si Skyler sa kamalasang dala ni Scott sa buhay nya.

"Akin na nga."- nagulat si Skyler nung inagaw ni Scott yung cellphone na hawak nya. Nung nakita kasi ni Scott si Skyler na nakatayo lang sa labas ng bathroom ay nakita nya etong pilit na binubuksan ang cellphone na hawak nito.

Sinubukan din ni Scott na buksan ang cellphone ni Skyler pero wala talagang nangyari.

"Sigh~ Di bale papalitan ko na lang tong phone mong nasira."-sabi ni Scott at binalik ulit sakanya yung cellphone.

"Kahit wag na. Papatingin ko na lang sa gumagawa ng cellphone."- Naisip ni Skyler na baka meron naman atang murang gumagawa ng cellphone malapit sa Campus nila.

Mukhang sa pagpapagawa lang ng cellphone mapupunta yung bonus na binigay ni Boss Kim kahapon. Balak pa sana ipunin yun ni Skyler.

"I insist. Ako ang may kasalanan kung bakit nasira ang cellphone mo. Kaya papalitan ko yan."- kontra naman ni Scott. Hindi na nakipag sagutan si Skyler dito.

Sigurado na kasi syang di sya mananalo kay Scott.

Saka tama naman si Scott kasalanan talaga nito kung bakit nasira ang cellphone nya.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSМесто, где живут истории. Откройте их для себя