25. Sick.

19 2 0
                                    

Hindi mawala ang ngiti ni Skyler sa mga labi kahit ramdam parin nya ang bigat ng pakeramdam nya.

Akala nya kasi ay magmamakaawa sya ngayon sa Professor nila dahil wala syang mahanap na model para sa project nya.

Pero parang narinig ata ni Lord ang kanyang hiling at sa wakas dumating na ang model na tutulong sakanya para matuloy ang kanyang pangarap.

"Salamat talaga Joseph, at pumayag kang maging model ko." -paulit-ulit na pasasalamat ni Skyler kay Joseph. Nakasakay na sila sa bus papuntang T University. Sakto naman kasing walang klase si Joseph kaya makakaattend ito ng Model presentation nila Skyler para sa project.

"Ano ka ba Skyler, Ako nga dapat ang mag pasalamat sayo. Di ba sinabi mo kahapon kakausapin mo si Scott Dela Vega para di nya ituloy yung pag bili nung lupa namin? Ano nga pala ginawa mo at nag bago ang isip nya?"- takang tanong ni Joseph.

"Wala naman. Kinausap ko lang sya. Hindi ko nga akalain na hindi nya na tinuloy yung pagbili nung lupa nyo."- simpleng sagot ni Skyler kay Joseph. Tumango-tango naman si Joseph sa sagot sakanya ni Skyler. Hula ni Skyler ay hindi pa alam ni Joseph ang kalokohan na ginawa sakanya ni Scott.

Pero naisip din ni Skyler na buti wala pang alam si Joseph kung di baka sya ang sisihin ni Joseph sa nangyari dito kung sakali.

"Kamusta na pala ang Tatay mo?"- turn naman ni Skyler na magtanong kay Joseph.

"Ayun. Sobrang saya nung nabalitaan nya na hindi na itutuloy ng mga Dela Vega ang pag bili sa lupa namin. Sabi nga nya mabilis syang gagaling dahil sa magandang balita."- ngiting sagot ni Joseph. Napangiti na rin si Skyler.

Buti na lang ay tinupad ni Scott ang promise nito sakanya. Naisip ni Skyler na may matino naman palang nagawa ang Scott na yun.

Nakarating na sila sa University at naglakad lang sila ni Joseph papuntang building ng Fine Arts Department.

"Uy Skyler."- sabay na lumingon si Skyler at Joseph nung may tumawag sa pangalan ni Skyler.

"Lester."-tawag din ni Skyler sa pangalan ni Lester nung eto pala ang tumawag sakanya.

"Mukhang nakahanap ka na rin ng model ah?"- tinignan ni Lester si Joseph na katabi nya lang.

"Ako nga pala si Joseph. Ka dormmate ni Skyler.Dito din ako nag aaral."- pagpapakilala ni Joseph kay Lester. Nakipag shakehands naman si Lester kay Joseph.

"Lester pre, Classmate and Friend naman ni Skyler. Infairness naman Sky matangkad tong nahanap mong model."- nalipat naman ang tingin ni Lester kay Skyler.

"Syempre naman, Magaling kaya kong maghanap."- hirit na sagot ni Skyler.

"Alam na ba to nung Bebe mo?" - kumunot ang noo ni Skyler dahil sa sunod na tanong ni Lester.

"Huh?" - Balik na tanong ni Skyler kay Lester. Ano na naman kasi pinag sasabi nito sakanya?

"Si Scott. Alam nya ba na etong si Joseph ang model mo?"- ulit na tanong ni Lester na ang laki pang ngisi sa mga labi. Gulat naman na napalingon si Joseph kay Skyler dahil sa narinig nya.

"Bakit kailangan nyang malaman?" - pati tuloy si Skyler ay naguluhan. Hindi naman si Scott ang Professor nila para malaman pa nitong si Joseph ang model nya?

"Uhm... Skyler, Maitanong ko lang... wag mo sana masamain, Kayo ba ni Scott Dela Vega?" - singit ni Joseph sa usapan nilang mag kaibigan. Ayaw man sumingit ni Joseph sa usapan nila Skyler at Lester pero di nya maiwasan mag tanong. At bigla din kasing naisip ni Joseph na kaya siguro hindi tinuloy ni Scott Dela Vega ang pag bili ng lupa nila ay dahil kay Skyler.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSWhere stories live. Discover now