CHAPTER SIX

2.4K 66 4
                                    


"SA PALAGAY mo ba ay presentable na akong humarap sa lolo mo?" wika nito nang nasa kotse na sila uli. Bago pa siya makasagot ay mabilis nitong idinagdag, "bilang asawa mo?"

"Puwede pasar."

"Puwede pasar..." he murmured, a genuine amusement lit his eyes. "Mahirap bang tanggaping ang isang mangingisda'y kaya ring mag-ayos tulad sa isang boss ng kompanya, ha, Joanna?"

Lumunok siya bago sumagot. "Ginulat mo ako. Kung sinabi mo sa akin ay sinamahan sana kita sa pamimili." Sinabi nito sa kanya na may iba pang gamit itong binili at inilagay na nito sa trunk ng kotse bago siya pinuntahan sa coffee shop.

"May maipipintas ka ba sa panlasa ko sa pagpili ng damit na isusuot?"

"De Vierre, are you trying to fish for compliment?" asik niya rito, hindi malaman kung matatawa o maiinis.

"Mula sa iyo, isang dagdag kompiyansa iyon sa sarili..."

"Na para bang kailangan mo ng karagdagang kompiyansa," usal niya.

"Now, that's a compliment," he said grinning.

She frowned at him. Iyon ang kauna-unahang nakaringgan niya itong mag-English.

"Hindi mo kailangang pakunutin iyang magandang noo mo dahil lang nakaringgan mo akong mag-English. You'd be surprised." Ngumisi ito.

The compliment didn't miss her. Pero mas ang intrigang nararamdaman niya. Glancing at his dark profile, she again wondered about his private life. Kung hindi nito sinabing hindi ito komportable sa long-sleeved poloshirt kanina ay magdududa na siya. O inunahan na siya nito para pawiin ang pagdududang iyon?

Had she hired a simple man or was he somebody else. May kaunting kabang bumangon sa dibdib niya, humalo ang kaba sa antisipasyon sa paghaharap nila ng abuelo.

"Nakapag-aral ako, Joanna," matabang nitong sabi nang manatili siyang hindi kumikibo at nakalingon pa rin dito. "Isa pa, mas gusto mo akong ipresenta sa lolo mo na nakaporma kaysa sa suot ko kanina, 'di ba?"

"Of course. Hindi naman mapanghamak sa kapwa si Lolo," depensa niya sa abuelo, "pero ayokong pagdudahan niya ang uri ng iyong pagkatao. After all, wala akong alam tungkol sa iyo." Nilingon niya ito. "What exactly do you do?"

"I'm a fisherman. Iyan ang totoo. May sarili akong bangkang ginagamit sa pangingisda ko."

Muli ay ang paggitaw ng anyo nito sa sariling bangka habang naghahagis ng lambat sa laot at mananatili roon nang mahabang sandali hanggang sa tantiya nito ay may laman na ang lambat. At kung maraming huli ay babalik na sa baybayin, ipagbibili sa mga naghihintay na tindera sa palengke. Iyon ay kung may huli.

Kung wala, pang-ulam lang ang uwi ng isang mangingisda karaniwan na. She should know. Sa tabing-dagat siya lumaki at nagkaisip.

She sighed. Sana ay huwag hamakin ng lolo niya ang pagkatao ni Ram tulad ng ginawa nito sa ama niya. Natitiyak niyang hindi ang uri ni Ram ang palalampasin ang ganoong panghahamak sa pagkatao nito. Ang tanging alas na hawak niya upang maging madali ang lahat ng pagkukunwari ay ang katotohanang isa itong de Vierre.

There were times that she felt like cursing the name. 


MAKALIPAS ang kulang dalawang oras ay pumapasok na sila sa malawak na lupaing kinatitirikan ng villa. Binabagtas nila ang isang mahabang daan na nalilinyahan ng naglalakihang punong acacia sa magkabila. Lalong tumindi ang pag-aalala ni Joanna habang papalapit sila. Naroon ang agam-agam kung magtatagumpay ang ginagawa niyang ito? Paano kung mahalata ng lolo niya ang mga pagkukunwari?

PHR CLASSICS: Marry Me, StrangerWhere stories live. Discover now