CHAPTER NINE

2.2K 64 3
                                    


MABILIS na lumipas ang mga araw. Ang mga araw ay naging linggo. And already, Ram had become part of the familiar background. Tila buong-pusong tinanggap ng abuelo ang "pag-aasawa" niya, which was rather odd ayon sa pagkakilala niya sa ugali nito. She hated the idea na ganoon kabilis nahuli ni Ram ang loob nito.

Kunsabagay, hindi rin niya masisisi ang abuelo. Kahit siya ay magaan ang loob rito. He could be exceptionally charming and nice kung gugustuhin nito.

Isang araw ay niyaya niya itong libutin ang malaking lupain sa paligid ng villa sakay ng four-wheel-drive pickup ng lolo niya. Ipinakita niya rito ang napabayaan nang dating taniman ng mais at iba pang crops. Gayundin ang tiwangwang na lupaing dating pinapastulan ng mga baka.

"Hindi na kaya ni Lolo na asikasuhin pa ang lahat ng ito," aniya. "Matanda na siya at mahina. Ang panahon niya ay hanggang sa pag-aasikaso na lamang ng palaisdaan. Iyon man ay may tagapamahala. Ang lahat ng ito," inilahad niya ang dalawang kamay at inikot ng tingin ang kapaligiran, "ay akin. Dahil ako ang tagapag-mana ni Lolo.

"Hihimukin ko si Lolo na pagkagastahan ang tiwangwang na lupang ito. Magiging productive na muli ang bahaging ito ng lupa, and I'll be the new master. Then I'll be happy and complete. At iyon lang naman ang dapat."

He looked amused. "You really are a spoiled brat," komento nito, half smiling, bagama't nasa makisig na mukha ang di-pagsang-ayon.

Tumingala siya rito. "Talaga bang sa tingin mo'y isa akong spoiled brat, Ram?"

"Mahalaga ba kung ano man ang iniisip ko sa iyo?"

"Yes... I think so."

His dark eyebrows rose in surprise. "Out of character," he replied with a slight drawl. "Señorita Joanna de Vierre cares little for any man—lalo sa isang pobreng estranghero na binayaran para sa kanyang convenience."

"Ikaw, pobre?" Umangat ang kilay niya. "No, I don't think so. Gusto ko ngang magduda kung tama nga ba ang pagkakakilala ko sa iyo..."

"My darling Joanna, hindi mo ako kilala." He grinned with irritating mockery.

Tumingala siya at tinitigan ito. "Isa ka nga bang ampon?"

Tumango si Ram. And there was a hint of provocation in his suddenly lazy eyes. "Cinderella's counterpart," wika nito, smiling. "Pero hindi katulad ni Cinderella, ang umampon sa akin ay masalapi. A rich and eccentric old woman..."

Mabilis niyang kinontra iyon. "No, I don't believe you. You're making that up. So, okay, sa lahat ng mangingisda ay ikaw ang articulate, sabi mo nga dahil nakapag-aral ka. Pinag-aral ka ng umampon sa iyo. At mahusay kang magdala ng damit, I give you that. But many people are.

Kahit mahirap. Pero kung mayaman ang umampon sa iyo, di mayaman ka na rin. But you are not. Tinanggap mo ang trabahong ito dahil sa malaking ibabayad ko sa iyo."

He laughed. It echoed around the field. At gustong mamangha ni Joanna sa atraksiyon nito. "You're very inconsistent. Kanina ay gusto mong pagdudahang isa akong ordinaryong mangingisda, ngayon naman ay naniniwala kang mahirap ako. Alin ba talaga roon?"

Bumaba ang tingin niya sa mga kamay nito at kinuha ang mga iyon at sinuri ang mga palad nito. "Look at your hands, puro kalyo. Kung hindi nga dahil diyan ay talagang iisipin kong mayaman ka nga."

"You really want to think the worse of me. Hindi mo ba naisip na maraming dahilan para magkakalyo ang kamay ng isa?"

Tumaas ang kilay niya. "Sure. Hard manual labor. Mahirap maghila ng lambat at ng lubid, bah!"

Muling tumawa si Ram, his dark eyes twinkling. "Poor little rich girl. Marami ka pang dapat na matutuhan sa buhay na ito. Dahil bagaman hindi mo dinanas sa mga magulang mo ang luhong ipinagkaloob sa iyo ng iyong lolo sa nakalipas na tatlong taon, you were pampered by them."

PHR CLASSICS: Marry Me, StrangerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora