27. Saturday.

29 2 0
                                    

"Cheers!"

Masayang nakipag cheers si PJ sa mga kababaihan na nakilala nya sa T University.

Kung ano man ang pinasasalamatan ni PJ sa pag enroll sakanya sa T University ng kanyang Bestfriend na si Scott ay iyon ay marami syang nakikilalang iba't-ibang klase na mga babae sa University.

Party sa umaga.

Party sa gabi.

Ganito lagi ang ganap ni PJ tuwing may klase sya sa Campus. Hindi naman na kailangan ni PJ magpanggap na masipag na estudyante. Ang dahilan lang naman kung bakit sya pumapasok ay dahil sa may sayad nyang bestfriend.

Saka ayos na rin para kay PJ ang set up nya ngayon at least nalalayo sya sa pag aasikaso ng kanilang Company.

Ayun nga lang wag syang magpapahuli sa Tatay nya na nagbubulakbol lang sya. Kundi baka pabalikin sya sa Company nila.

"Hi, PJ~"- tawag nung isang sexy na babaeng dumaan sa harapan nya. Malagkit na mga tingin ang pinupukol nito sakanya. Lumaki ang ngisi sa mga labi ni PJ.

Iba talaga charisma nya sa mga babae.

Parang mga magnet ito kung lumapit sakanya.

Well, Sobrang gwapo naman nya kasi.

"Hi, Where are you goin--"

*Bzztt... Bzztt...*

Hindi natapos ang pagsasalita ni PJ nung naramdaman nya ang pag vibrate nung cellphone nya sakanyang bulsa.

Asar na kinuha ni PJ ang cellphone nya at nabasa agad ni PJ ang pangalan ni  Scott sa screen na tumatawag sakanya.

"Oh, Pre? Binugbog mo na ba yung lalaking kasama nung Skyler mo?"- bungad na tanong ni PJ kay Scott pagkasagot nya sa tawag nito. Hindi pa din nawawala ang nakakalokong ngisi ni PJ.

Kanina kasi nung pumunta si PJ sa cafeteria sa campus ay hindi nya akalain na makikita nya si Skyler may kasama din etong hindi kilala ni PJ na lalaki.

Ang alam lang ni PJ si Kurt at yung Lester ang kaibigan ni Skyler nalaman ni PJ yun dahil sa imbestigasyon nila Scott at ng kanyang pinsan na si Detective Theo.

Kaya agad na nakaisip si PJ ng kalokohan at tinext nya agad si Scott. Alam naman nyang mag aalburoto ang bestfriend nya kapag na tanggap na nito yung text nya dito.

"Shut up. May ipapagawa ako sayo."- halata ang iritado ang boses ni Scott sa kabilang telepono. Nawala ang ngisi ni PJ nung narinig nya yung sagot sakanya ni Scott.

"Ano na naman ba yan?"- kunot noong tanong ni PJ. Napapansin na ni PJ mga ilang araw na lagi syang biglaang inuutusan ni Scott.

Akala ata ng siraulo nyang bestfriend butler din sya nito. Pero hayaan na ni PJ ang bestfriend nya kaysa naman matuluyang mabaliw yun lalo na ang laki ng problema ni Scott sa buhay nito ngayon.

Hanggang ngayon nga hindi parin makapaniwala si PJ na si Scott ay hindi isang Dela Vega.

"Ikaw ulit pumalit ngayon sa shift ni Skyler."- utos ni Scott. Literal na napanganga si PJ agad na nilayo at tinignan muna nya yung cellphone nya bago ulit idikit sa tenga para sagutin si Scott.

"Bakit ako ulit?! Ang dami-dami mong katulong na pwedeng utusan sa mansion nyo. Pwede--"

*Toot... Toooot...*

Napatigil na lang si PJ sa pagsasalita nung marinig nya yung tunog na yun sa kabilang linya. Ang walanghiya nyang bestfriend binabaan lang naman sya ng tawag.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSWhere stories live. Discover now