29. The Start.

33 2 0
                                    

KINABUKASAN

Magaling na agad si Skyler. Sinunod lang ni Skyler lahat ng bilin sakanya ni Scott dahil nga ayon kay Scott ayun ang sinabi nung Private Doctor nito.

Ngayon ay nakauwi na si Skyler sakanyang dorm. Buti nga at matinong kausap si Scott dahil hinatid lang sya nito sa dorm nya at umalis din agad eto. Lihim naman na pinasalamatan ni Skyler na hindi sya kinulit o pinagtripan pa ni Scott.

Hula ni Skyler ay dahil iniisip ni Scott na may sakit pa sya kaya hindi sya nito kinulit pa.

*Bzzt... Bzzt...*

Nagulat si Skyler dahil sa malakas na pag vibrate nung cellphone sa bulsa ng kanyang suot na pants.

Kinuha nya yung brand new cellphone na binigay sakanya ni Scott. Hanggang ngayon nga parang panaginip lang kay Skyler yung pag bigay sakanya ni Scott ng mamahaling cellphone.

Hindi maimagine ni Skyler na dadating pala yung panahon na magkakaroon sya ng isang cellphone na akala nya hanggang pangarap nya na lang mahahawakan.

Binuksan nya yung cellphone at may nag text sakanya.

My Hubby:

Don't forget to eat and take your medicine. Nag alarm na rin ako dyan sa phone mo incase you forgot. Take care and ily.

Basa ni Skyler dun sa nag text sakanya. Sumeryoso ang mukha ni Skyler nung bigla nyang naalala na si Scott etong nag text sakanya. Malamang dahil si Scott pa lang may alam kung ano ang bago nyang sim card number.

"Paano ba palitan ang pangalan nito?"- tanong ni Skyler sakanyang sarili. Habang tinitignan nya ang screen nung cellphone. Gusto nya kasing palitan yung pangalan ni Scott sa contacts nya.

Naasar kasi si Skyler kapag nababasa nya yung 'My Hubby' sa contacts sa kanyang new phone.

"Hay... Di ko talaga alam kung paano to gamitin. Itanong ko na lang siguro kay Kurt kapag nagkita na kami."- sukong sabi ni Skyler at nilapag na lang nya muna yung cellphone sa kama nya.

Speaking of Kurt...

Hindi pala sya nakapag sabi kay Kurt kung anong nangyari sakanya kahapon. Kilala pa naman nya ang bestfriend nya na magagalit agad eto sakanya kapag hindi sya nakapag paalam.

Nasira nga kasi ang cellphone nya tapos ngayon may cellphone na ulit sya kaso nga lang bago din ang sim card nya. Hindi rin kabisado ni Skyler ang number ni Kurt kaya di sya makapag text dito.

Tinignan muna ni Skyler kung anong oras na. Alaskwatro pa lang ng hapon. Ang alam din ni Skyler walang klase ngayon si Kurt kaya malamang nasa bahay eto.

Kaya nagpalit na muna si Skyler ng damit at napag desisyunan na puntahan si Kurt.

"Magandang hapon po, nandito po ngayon si Kurt?" - ngiting salubong na bati at tanong ni Skyler kay Mrs.Katrina na Nanay ni Kurt.

"Hala Skyler! Long time no see. Sige iho, pasok ka muna tatawagin ko lang si Kurt."- masayang bati sakanya ni Mrs. Katrina. Nilakihan nito yung bukas ng pintuan para makapasok si Skyler sa loob.

"Thank you po, Tita."- hindi pa din nawawala ang ngiti ni Skyler sa mga labi nung nakapasok na sya sa bahay nila Kurt.

Pinaupo muna sya ni Mrs. Katrina sa sofa para hintayin si Kurt. Samantalang umakyat naman sa pangalawang palapag si Mrs.Katrina para tawagin ang panganay nito.

"Kurt!"

Lumingon si Kurt nung bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto?

"Why, Ma?"- tanong ni Kurt sakanyang Ina. Tinanggal ni Kurt yung headphone na nakasuot sakanyang tenga. Busy kasi mag review si Kurt dahil may exam sila bukas.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSKde žijí příběhy. Začni objevovat