Chapter One

110 6 4
                                    

Savannah



"Punyeta talaga 'tong PE, panira ng buhay!" Rinig kong pagmaktol ni Klareng. Napalinga naman ako sa higaan niya kung saan siya nakaupo. Ang mga mata niya ay seryosong nakatuon sa screen ng cellphone niya.

"Bakit? Anyare?" Hindi ko mapigilang tanong. Matutulis ang mga mata niya nang ibaling niya ito sakin na parang asar na asar na talaga siya sa nangyayari sa buhay niya.

"Sabi ni sir sa GC ivi-video na lang daw 'yong performance task namin dahil may importante raw siyang pupuntahan," mahabang lintaya niya.

"Kailan daw deadline?"

"Monday," aniya na parang binagsakan ng langit at lupa. Kitang-kita ko ang pagtitimpi niya habang masama ang tingin sa screen ng cellphone. Habang ako naman ay napakunot ang noo sa sinabi.

"Monday? 'Di ba midterm na next week?" Paninigurado ko. For sure, hell week this week. Grabe pa naman talaga magpa-midterm 'tong university namin parang sasabak kami sa gyera every exam week.

"Oo! Hay, bwesit talaga sa buhay!"

Mahina na lang akong natawa.

Kahit na pareho kaming second-year na ni Klareng, hindi naman kami same ng course. BSA kasi course niya habang ako naman ay BSBA. She always complain about her PE subject ever since first-year. Dami raw ka-echosan, minor subject lang naman.

Mabuti na lang hindi demanding 'yong instructor namin sa PE so far, hindi tulad kina Klareng, kaya wala masyadong problema kaming mga BA students.

"Hoy, gago, Sav! Birthday pala ni Winny ngayon?"

Tignan mo nga 'to, ang dali magbago ng mood. Nagra-rant pa 'to, eh.

"Malay ko," ibinalik ko na ang atensyon ko sa reviewer ko. Kunot-noo kong pinagtuonan ng pansin ang ginawa kong reviewer.

Namomroblema talaga ako ngayon sa pagre-review. Kanina pa kasi ako pabalik-balik ng basa pero wala pa rin pumapasok sa utak ko. My majors are such a headache lately. Mas mahirap na kasi 'yong coverage namin, and to think that I'm still on my second-year, pa'no na lang kaya sa susunod pa na year. Baka 'di ko na talaga kayanin. Mahirap pa at may grades akong mina-maintain dahil hindi dapat ako matanggalan ng scholarship at maalis sa pagiging DL.

"She invited us, mih!" Matinis na tili ni Klareng habang nagtatatalon na sa kama niya na parang 'di namroblema sa PE niya kani-kanina lang. "OMG! Bar daw tayo!"

"Nah, pass muna," I replied in a dismissive manner. Napatigil sa pagtalon si Klareng at humalukipkip. Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh, bakit?"

As much as I love clubbing and hanging out with my college friends, kailangan ko pa talagang magreview. Next week na ang midterms, and even though I'm done with most of my tasks, I need to set my priorities straight. Priority ko ang pag-aaral ko. Makakapaghintay ang gala. At saka, nakakahiya rin kaya sa ate ko na nagpapaaral sakin kung maglalakwatsa ako sa kalagitnaan ng semester.

"Ngek! Killjoy!" She expressed, clearly displeased with my reply. "Ang sayang! Minsan na nga lang tayo nililibre no'n kasi busy sa course niya!"

Winny have been our friend for almost two years now. I met her because of Klareng. Close kasi sila ni Klareng dahil ka-bloc siya nito bago siya nagshift ng course from Accountancy to MLS. Bilib nga ako sa babaeng 'yon, may time pa talagang magshift ng kurso. Hindi man lang nagdalawang-isip lumipat. Rason pa niya, hindi niya raw bet 'yong Accountancy kaya MLS naman 'yong tinry niya. Wala rin naman kaso kay Winny. Mayaman kasi talaga 'yon. Napaka-dolyar ng tuition ng university namin kaya tanging mayayaman at matatalino lang talaga ang nakakapasok.

All There Is To ClaimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon