Chapter 12

33 4 0
                                    

Clarizette Marie's

"Wake up, sleepyhead" unti-unting iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mahinang pag-alog sa balikat ko. Napabuntong hininga na lang ako nang ang nakasimangot na mukha ni Trevor ang bumungad sa akin. "Bakit dito ka natutulog? Gusto mo bang mamatay sa lamig?"

Inirapan ko siya at bumangon na para mag-inat-inat. Narito ako ngayon sa bahay nya dahil naabutan ko noong isang gabi sa apartment sina Andrea at Lynard na may ginagawang kababalaghan at ang luka-lukang si Andrea ay pinalayas ako.

Happy naman ako para sa kanila dahil sa wakas ay natapos na ang patintero nila kaya lang, wala akong matutuluyan ngayon. Sigurado kasing pag doon ako nagstay sa apartment ay ako pa ang mahihiya para sa kanila. Mga honeymooners e. Pero go lang, deserve naman nila saka willing naman si Trevor na ampunin ako dito sa bahay nya.

"E dito na ako inabutan ng antok e. Saka kakarating ko lang kaninang 4 am" mumukat-mukat na sagot ko sa kanya dahil talagang antok na antok at pagod na pagod pa ako. Malapit na ulit kasi ang showing ng play namin kaya puspusan na naman ang rehearsals. Di pa rin naman ako tumitigil sa pagkanta sa bar kaya talagang nakakapagod.

Narinig kong napapalatak siya at ilang sandali pa ay naramdaman kong umangat ako sa couch kung saan ako nakatulog. Muli ay napabuntong hininga ako at yumukyok na lang sa dibdib ni Trevor para ituloy ang nabitin kong tulog. Ilang sandali pa ay naramdaman kong ihiniga na niya ako sa malambot na kama at saka kinumutan. Hindi ko maiwasang mapangiti. Nakakamiss rin talaga yung pakiramdam na may nag-aalaga sayo.

Nang muling magising ako ay gabi na. Nag-iinat na lumabas ako ng kwarto dahil nakaramdam ako ng gutom. Katahimikan ang bumungad sa akin paglabas ko ng pinto. Nagkibit balikat ako. Hindi na naman bago sa'kin ang ganito. Noong nasa Pilipinas si Andrea ay mag-isa lang din naman ako sa apartment namin. Kaibahan nga lang, mas malaki ang bahay ni Trevor kaysa sa apartment namin. Buti na nga lang at hindi ako matatakutin sa multo.

Pagdating ko sa sala ay naabutan ko si Trevor na mahinang humihimig habang panaka-nakang nagsstrum ng gitara. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil masyado akong pinagpala na libre ko lang naririnig yung boses nya pag kumakanta samantalang yung ibang tao ay nagbabayad pa ng libo-libo sa mga concert ng banda nila para lang mapakinggan siya.

Dahan-dahang lumapit ako sa kanya at nakisabay sa pagkanta niya. Napatingin siya sa akin at tumaas ang sulok ng labi. Mas nilakasan pa nya ang pagstrum sa gitara na parang mas ginanahan siya kaya napailing na lang ako. Sa ilang taong magkakilala kami, kung hindi pagbabangayan ay pagkanta talaga ang libangan naming dalawa.

Nang matapos namin ang kanta ay nakipag-apir pa siya sa'kin kaya natawa ako. Ibang tao talaga siya pag kasama ang musika. Parang hindi siya sakit ng ulo. "Nagluto na ako ng hapunan. Kain na tayo?"

Napakurap-kurap ako at saka sumulyap sa wall clock. 10:00 pm na. Mukhang siningil ako ng katawan ko kaya ang tagal kong nakatulog "Hindi ka pa kumakain?"

Nagkibit balikat siya. "We had a gig. Kauuwi ko lang" Napatango-tango na lang ako.

Nauna na siyang tumayo at nagpunta ng kusina kaya sumunod ako sa kanya. Ako na lang ang maghahain dahil masyado nang nakakahiya. Ampon na nga ako dito tapos ako pa yung pinagsisilbihan.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang mapansin kong kanina pa malalim ang iniisip niya. Sanay naman akong tahimik siya pero kasi, kanina pa siya bumubuntong hininga kaya alam kong mayroong kakaiba.

Nang hindi ko na nakayanan ay pabalyang binitawan ko ang mga kubyertos kong hawak kaya natigilan siya at napakurap-kurap.

"W-what is it?" kunot noong taong niya.

More Than WordsWhere stories live. Discover now