Chapter 22

32 5 0
                                    

Clarizette Marie's

"Nasaan ba si Hans?! Kanina pa yung nawawala ah" takang tanong sa'kin ni Andrea.

Narito kami ngayon sa reception ng binyag ni Arielle. Pagkatapos kasi ng ceremony ay ihinatid lang kami ni Hans dito sa venue tapos ay nagpaalam siyang pupuntahan sa ospital si Rebel.

One week na mula nung nasundo ni Hans ang mag-ina sa Australia pero kanina habang nasa simbahan kami ay nakatanggap si Hans ng tawag na nagseizure na naman daw ang bata kaya kailangan itong isugod sa ospital. Syempre, nataranta si Hans at kahit mahalagang araw ito para sa anak namin ay nagawa niyang umalis.

"May inasikaso lang" tipid na sagot ko kay Andrea at binalingan na si Isla tahimik na kumakain sa tabi ko. Kanina pa rin kasi niya hinahanap ang Papa niya.

Napapalatak pa si Andrea pero hindi ko na siya pinansin. Tumayo na ako sa kinauupuan ko para hanapin si Arielle. Kinuha kasi ito ni Miguel kanina dahil inasikaso ko ang mga bisita. Hindi naman ako nag-aalala para sa bata dahil hindi naman ganun kadami ang mga bisita. Pamilya at mga kaibigan lang namin ang naririto. Mas gusto kasi namin ni Hans na intimate lang ang celebration para mas solemn.

Nang makita ko namang hawak ito ng Daddy ni Hans ay hindi na ako nangahas na kunin ang anak ko. Hanggang ngayon kasi ay naiilang pa din ako sa mga magulang ni Hans. Kahit kasi mabait sila sa'kin ay hindi ko pa naman sila lubos na nakikilala. Saka natatakot talaga ako sa Daddy ni Hans based na rin sa mga naririnig kong kwento mula sa asawa ko.

Napabuntong hininga ako. Asawa ko, pero ibang babae ang kasama sa mga oras na ito. Sa araw pa talaga ng binyag ng anak namin.

Lumabas ako ng venue para magpahangin. Itong lugar na ito ay isa sa mga resort nina Hans. May malawak na garden kaya may pwedeng tambayan. Hindi naman ganun kainit ang sikat ng araw dahil na rin siguro sa lilim ng mga puno sa paligid. Masarap din ang simoy ng hangin dahil siguro malapit kami sa dagat.

Naupo ako sa isang swing na naroon. Sa harapan ko ay tanaw na tanaw ang asul na karagatan. Ang paligid ko ay may nakapalibot na napakaraming bulaklak. Actually, bukod sa dagat na may puting puti at pinong buhangin, infinity pool at malaking venue para sa mga event ay ito talaga ang dinadayo ng mga tao dito. Ang mga bulaklak na napakakulay at may kanya-kanyang ganda. Bukod pa doon ay may mga kubo din na pwedeng tuluyan ng mga bisita. Napakapayapa ng lugar at walang kabakas-bakas ng kahit na anong polusyon.

Sabi ni Hans ay dito kami magsstay buong weekend para daw makapagpahinga kami pero parang kami lang mga bata ang mamalagi dito ngayon.

"Akala ko may pabinyag ka? Bakit nandito ka?" napasinghap ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Kaagad akong tumayo, hinarap ang nagsalita at dinamba siya ng yakap. Namiss ko ang gagong ito. Ang tagal ko rin siyang hindi nakita.

Nang makabawi na ako sa pagkabigla ay kumalas na ako sa yakap at malakas na hinampas siya sa dibdib. "Akala ko di ka pupunta!"

Napangiwi siya at hinilot ang parteng hinampas ko. "Tsk. Sadista ka talaga. Nasaan ang inaanak ko?"

Nginisihan ko siya. Hindi kasi siya official na ninong ni Isla dahil hindi pa naman kami close nung unang beses na nagpabinyag ako kaya kay Arielle ko na lang siya pinagninong.

"Nasa loob" pinaningkitan ko siya ng mata "Bakit nga pala late ka? Hindi ka nakaabot sa ceremony!"

Sarkastikong tumawa siya. "Sorry ha. London pa kasi yung pinanggalingan ko. Wala pa nga akong pahinga pero dumeretso na ako dito. Di ka na lang magpasalamat"

Inirapan ko siya at kinurot sa braso. Hindi ko talaga alam kung magpapasalamat kong dumaldal na siya ngayon. "Oo na! Halika na, kumain ka muna sa loob. Nakakahiya naman sayo"

More Than WordsWhere stories live. Discover now