Simula
I often wonder... paano kaya hinaharap ng mga reverted Muslims ang ganitong klaseng mga tao—'yong mga hindi lang basta nagtanong, kung hindi 'yong tahasang nagtawanan, nanlait, at nanakit? Paano kaya nila kinaya 'yon? Sa gabi ba, habang nakahiga na lang sa dilim, may mga sandaling tumitig sila sa kisame at naisip... "Tama ba itong ginawa ko?"
May mga nadismaya kaya? Hindi sa mga taong humusga sa kanila, kung hindi sa sarili nila—dahil kahit saglit, nagpatinag sila sa ingay ng mundo. May mga pagkakataon kaya na nagduda sila sa sarili nilang desisyon? Na sumagi sa isip nila na baka nga mali ito?
Napabuntong-hininga ako at parang may bigat na gustong kumawala. Wala sa sarili kong hinaplos ang prayer mat na maingat kong tinupi na ngayon ay nakapatong sa kandungan ko. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama ng king size, pero ngayong hapon tila napakalawak. Tahimik ang paligid, maliban sa banayad na pagbulong ng hangin mula sa bukas na sliding window sa may verandah at pagpilit ng haring araw na makapasok—ang sinag ng araw ay pilit na sumisilip, naglalaro sa tiles, nag-iiwan ng malambot na liwanag na parang yakap.
Bahagya akong yumuko at patuloy kong hinahaplos ang prayer mat. I hope not. I really hope they didn't regret. I hope they didn't get angry, not at those who mocked them, but at themselves. I hope they didn't cry in the kind of pain that comes from questioning their worth, their path, their calling. Because those who laughed at them... they do not understand. They never did.
Hindi nila alam ang uri ng kapayapaang dala ng mga puso ng mga taong tumalikod sa dating buhay, at muling bumalik sa liwanag na noon pa pala'y tinatawag sila. Hindi nila alam ang bigat ng desisyong 'yon. Hindi nila alam ang lalim ng paniniwala, ang sakripisyo, ang muling pagbuo sa sarili.
And still, despite everything, I hope those who mocked them... find peace. Someday. Sa kabila ng lahat. Sa kabila ng pagkukulang nila sa pag-unawa. Dahil kung anuman ang dahilan ng panunuya nila, siguro, sila rin mismo ay may hinahanap. May sugat. May gulo.
Sana matagpuan nila ang kapayapaang iyon. Hindi dahil deserve nila—pero dahil walang taong tunay na masaya ang kayang manakit ng iba. Sana, balang araw, maramdaman din nila ang katahimikang iyon. 'Yong hindi na kailangang ipaliwanag. 'Yong tahimik lang pero buo, puro, at sinsero.
Years ago...
"Riri, ikaw na bahala maglipat no'ng baka mamaya, ha? Doon mo ilipat malapit sa landahan ni Pareng Pako kasi may malaking Narra roon. Ilayo mo sa bagong tubong mga mais ang baka." Si Papa habang nagsisintas sa kan'yang sapatos.
"Opo!" walang problemang sagot ko.
"Huwag ka lang dadaan doon sa kabilang lote. May mga toro pa naman doon na pinapahinga ng mga Rabanni," dagdag niya pa.
"Ikaw nalang din bang dadaan kay Mama sa skwelahan, Pa?" ani ko sabay sunod kay Papa sa garahe kung saan naka park ang kan'yang motor.
May mga nag s-summer class din kasing mga estudyante, kaya kahit summer na summer ay wala pa ring pahinga si Mama.
Minsan kasi ako na ang sumusundo kay Mama sa skwelahan gamit ang Mio ko. Pero ngayong nautusan akong mag pastol ay parang alam ko na kung sinong susundo kay Mama.
"Oo, anak. 'Tsaka huwag kang masyadong papa hapon doon," tugon niya.
Kaagad ko siyang tinanguhan. "Opo! Mag-iingat ka po!"
We have a very balance life. Si Mama isang elementary teacher habang si Papa naman ay kapitan ng baranggay namin. I am an only child at mulat na sa mga trabahong akala nila lalaki lang ang gumagawa. Katulad nalang ng pagpapastol ng baka, pagkuha ng panggatong, at pagtulong ng pagtanim at ani ng palay at mais. I love and valued the essence of farming.

BINABASA MO ANG
Changing Its Rays (Sultan Naga Series #1) (UNDER EDITING)
RomanceDorothy Maeve Andino thought the worst trouble she could get into was messing with the sons and daughters of powerful politicians in Sultan Naga. But she didn't expect to cross paths with someone even more untouchable-a son of the most influential...