Fallen
Isa-isang nilapag ng waiter ang mga order namin. Tahimik lang akong nakatingin sa mga pagkain at inuusisa ko rin ang ibang nandoon na pagkain na hindi pamilyar sa akin. It's Zul's order.
"Enjoy your lunch, Ma'am and Sir!" nakangiting sinabi sa amin no'ng waiter.
Tikom bibig kong dinampot ang kutsara't tinidor habang si Zul naman ay tahimik na sumimsim ng tubig. Iyong beef steak nila ay may isang cup ng rice kaya napanatag ako roon. Medyo gutom din talaga kasi ako.
"Tahimik mo," Zul muttered amusingly.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Hindi ba mas maganda 'yon?"
"Hindi lang ako sanay na tahimik ka," aniya habang nakataas ang kilay.
We stared a minute. Sa habang panahon na palagi kaming magkasama ay walang palya ang asaran at bangayan naming dalawa. Ewan ko pero parang mas mabuti iyong ganoon ang disposyon namin. Ayoko iyong masinsinan kaming magka usap dahil palagi akong nakakaramdam ng kaba. May pakiramdan na parang bago sa akin pero hindi pala.
"Tss. Let's just eat..." Irap ko sa kanya at nagsimula na ring kumain.
He chuckled and starts eating also. Tiningnan ko ang pagkaing kinakain niya. Mukha siyang chicken curry...o baka chicken curry talaga iyon? Iyong isa rin ay beef ata 'yon. And it's smells so good.
"You want my food?" seryosong tanong ni Zul.
"Huh?"
"This is Chicken Curry but in muslim version. Itong isa naman ay Beef Randang. Masarap ang mga 'to," Zul introduced the food he ordered.
"Try mo..." alok niya pa.
Ngumuso ako sabay kuha noong Chicken Curry gamit ang kutsara ko. Nakakatakam ang hitsura. Iyong amoy pa lang din niya sobrang nakakatakam din.
Pagkakain ko ay agad akong natigilan at napatingin kay Zul. Kuryosong mga mata naman ang ibinibigay niya sa akin at halatang naghihintay rin sa magiging reaksyon ko.
"You can spit it out if you don't like the taste," si Zul.
Umiling ako.
Pinilit kong nguyain ang karneng manok bago lunukin. Suminghot ako sabay baling sa labas ang tingin. I cleared my throat at pa simpleng dinampot ang tubig. Parang may namumuo pang luha sa aking nga mata. Shit! Sobrang anghang pala nito.
"Sorry, hindi ko pa alam na ayaw mo sa mga maaanghang..."
Halos mangalahati ko iyong baso ng tubig dahil sa anghang na hindi talaga ma alis-alis sa bibig ko. I lifted my eyes on him. Masarap naman siya kaso hindi ko siya ma e-enjoy kasi naaanghangan ako.
"Masarap siya kaso ma-anghang. Hindi ako mahilig sa mga ma-anghang," ani ko.
He pressed his lips together as his eyes was telling me something. "Ayaw mo sa mga ma-anghang.." aniya sabay tango ng marahan. "Noted."
I pouted once again and continue eating. Masarap din siguro iyong Beef Randang kaso panguradong ma-anghang din 'yon. Baka nga sobra pa ang anghang no'n.
Dinampot ko iyong fried chicken at iyon nalang ang nilantakan. Nang maubos ko ang fried chicken ay unti-unting nawala ang anghang sa bibig ko. Si Zul naman ay tahimik ding kumakain at mukhang nag eenjoy sa mga inorder niya. So, he loves spicy foods, huh?
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami roon. Busog na busog ako pero nang may nalingunan akong isang cafe ay parang gusto kong puntahan iyon.
Hinanda ni Zul ang motor niya habang ako naman ay nakatayo lang din ako sa malapit. Pinisil-pisil ko ang mga daliri habang nag p-practice ako sa utak ko kung paano sasabihin kay Zul ang kanina ko pa gustong ipagpaalam.

YOU ARE READING
Changing Its Rays (Sultan Naga Series #1) (UNDER EDITING)
RomanceDorothy Maeve Andino thought the worst trouble she could get into was messing with the sons and daughters of powerful politicians in Sultan Naga. But she didn't expect to cross paths with someone even more untouchable-a son of the most influential...