Kabanata 13

3.7K 117 3
                                        

Talo

Papalubog pa lang ang araw nang maihatid ako ni Zul sa mismong tapat ng bahay namin. Hindi kami nag imikan simula pa kanina kaya nababalisa ako sa disposisyon naming dalawa.

"S-Salamat sa araw na 'to, Zul," untag ko pagkababa ko sa kotse niya.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin bago siya bumaba at umikot para maharap ako ng maayos. I pressed my lips and wait him to come near me.

Tumikhim ako nang magkaharap na kami. He let a heavy sighed bago niya muling itinutok sa akin ang kanyang mga madilim at malalalim na mga mata.

"I love seeing you cared for dogs, Dorothy. Pasensya na at iba ang dating sa 'yo no'ng inilayo kita sa asong nakita natin kanina. It's just he's a stray dog...hindi ka niya kilala at baka kagatin ka pa niya," he said carely.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya sabay tungo. Napatitig ako sa bracelet na nasa pala pulsohan ko ngayon. May point naman siya. Minsan iniisip ng ibang aso na sasaktan sila lalo na at hindi nila kilala ang taong lalapit sa kanila kaya umaatake sila to defend theirselves. And why is he explaining? Naiintindihan ko rin naman na bawal sila sa aso.

Again, I cleared my throat.

"Pasensya talaga," he whispered.

"P-Pasensya rin kung...k-kung may nasabi man akong hindi mo gusto," napapaos kong sinabi.

He didn't uttered any word kaya inangat ko ang tingin para matingnan siya. Inilagay ko sa likod nang tainga ang takas kong buhok nang hinampas kami ng pang hapong hangin.

"Naiintindihan ko," aniya.

"Naiintindihan din kita..." agap ko.

Saglit niyang inawang ang labi at kunot noong iniwas sa akin ang tingin. Gusto ko rin sanang itanong sa kanya kung bakit bawal sa kanila ang aso ay magiging diskusyon lamang iyon. Hapon na rin at mukhang may lakad pa ito gaya kahapon na may dadaaan pa raw siya bago umuwi sa kanilang bahay.

Napatingin ako sa left wrist niya kung nasaan ang bracelet na binili namin kanina. Katabi no'n ang rolex watch niyang sout.

Hindi bagay. Parang kami lang...

Teka.

I cleared my throat. Stop that, Dorothy! Ano bang pinagsasabi mo riyan?!

Bitterness crept on my system when I always think it was Tiffany---na siya ang dinadaanan ni Zul bago ito umuwi sa kanilang bahay.

"Ite-text kita mamaya pagka-uwi ko." Bumuntong hininga siya at humarap muli sa akin.

Parang tinambol na naman ang puso ko pagkasabi niya no'n. Dapat hindi kami ganito. We are always arguing, teasing, and pestering each other. In that way, hindi ako nakakaramdam ng kaba, pag-aalinlangan, at pagkakabahala.

Kung hindi pa siya ulit tumikhim ay hindi pa ako maka tugon sa kanya. Agad naman akong tumango sa kanya sabay kaway ng marahan.

"S-Sige. Ingat ka sa pag drive!"

He nodded. "Dadaanan ko muna si Tita Sittie bago ako umuwi."

I blinked. So, kina Tita Sittie siya dumadaan muna bago umuwi katulad nang dati?

"Gusto nga niyang isama kita roon pero 'tsaka na kapag wala na iyong mga kamag-anak ng asawa niya..."

Nginitian ko siya bago ulit tinanguhan. I missed Tita Sittie, too. Akala ko pa naman kina Tiffany siya dumadaan. Pinipigilan kong mamula nang bahagya akong napahiya dahil sa inisip.

"Maaga kami bukas sa review center pero tatawagan muna kita bago ako pumunta roon bukas.."

Walang mga salita ang gustong lumabas sa bibig ko  dahil pino proseso ko pa ang lahat-lahat. He is now being sweet and reachable. Hindi na ito namimikon at nang-aasar sa akin. It this about the deal? Sana...hindi.

Changing Its Rays (Sultan Naga Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now