Chapter 17

326 27 20
                                    

Allison

Andito kami ngayon kung sa nagpark sila Riri. Iniintay namin yung iba.

Maya maya pa dumating na din sila.

"Oh Ly, anyare sa mukha mo?"

Tumingin ako dito sa katabi ko na parang walang narinig at umiiwas ng tingin.

"Nadapa ako Adie, dami mong tanong."

"Eh Capt bakit hugis kamay yung nasa mukha mo?"

Komento naman ni Avery na medyo malakas pa ang pagkakasabi.

"Bes, bat mo naman sinampal?"

Rinig ko na bulong ni Faith kay Riri.

"Di ko naman sinasadya."

Sabi nito at sinipa sipa yung semento habang nakayuko at nakacross arms. Para syang bata.

"Dami nyo tanong. Umuwi na kayo, lagot kayo kay Coach."

"Ay bat kami lang? Di ka kasama Capt?"

Tanong sakin ni Nat na ikinatahimik ng lahat.

"Ano k-kasi...ha-hatid ko to."

Sabi ko sabay turo sa katabi ko.

"Sure ka Ly? mukhang ikaw kasi yung kailangan ihatid? Mukhang lasing ka pa e."

Nagpigil naman ng tawa yung mga kateam ko sa sinabi ni Adie na ikinapula ko.

"Adie ako na bahala dito, mag-uusap pa din kasi kami e."

"Sabi mo sakin tapos na kayo mag-usap?"

Dagdag komento ni Faith na ikinapula din ni Riri.

Sandaling katahimikan ang bumalot samin as they looked at us suspiciously.

"Oo na kami na! Magbebebe time kami. Okay na? Masaya na kayo?"

Inis na sabi ko.

"Eyyyyyyy!!!"

Sabay sabay na sabi ng team ko at mga nagsiapir pa. Napamasahe na lang ako sa sintido ko. Nakakahiya sila.

Riri nudged me and gave me a cute smile kaya napangiti na din ako.

Nang magsawa silang asarin kami ay nagsisakay na sila sa kanya kanyang sasakyan. Sumakay na ko sa kotse ni Faith at tumabi naman sakin si Riri.

"Huy, bat dito ka umupo?"

"Ayaw mo ko katabi?"

"Hindi naman. Wala kasing katabi si Faith sa harap."

Nauna kasi kaming sumakay kay Faith. Kaya pagkapasok nito ay agad kaming nakarinig ng reklamo.q

"Ay wow! Third wheel na nga ako ginawa nyo pa kong Grab Driver nyo. Ang galeng."

Pang-aasar ni Faith samin pagkaupo nya sa driver's seat.

Magsasalita sana si Riri nung kumatok sa bintana ni Faith si Adie. Binaba naman ni Faith yung bintana sa side nya.

"Bakit?!"

Iritableng tanong nito.

"Sama ko."

Sabi nito at nakangiti pa.

"Ayoko. Bye."

Sagot naman nito at tinaas na yung bintana at nagdrive na paalis.

"Okay lang kaya si Adie?"

Bulong na tanong sakin ni Riri.

"Okay lang yon. Hahahaha."

Pabulong ko na sagot habang natatawa.

The Melody In My Heart (FreenBeck)Where stories live. Discover now