◇CHAPTER 1◆

5.5K 232 4
                                    

The SUPERHUNTERS:The Beginning Title Intro on the Media.

Narration:

Pagkalipas ng isang taon nagsilang ulit ang magandang Reyna ng isang sangol na lalaki, maputi ang kulay ng mga balat,kulay abo ang buhok nito at  asul ang mga mata  na nagpapatunay na isa siyang Cloptanian. dahil sa nabasang liham ng Hari sa kanyang anak na si Prinsipe Gabriel pinangalanan nila itong Dawn.

Inalagaan itong mabuti ng Hari at Reyna, binigyan ng kaalaman tungkol sa mga bagay bagay.

Nang tumuntong ito sa Sampung taong gulang dito na sinanay ng Hari ang prinsipe kung paano kontrolin at gamitin ang kapangyarihang taglay nito,Ang tubig at ang Hangin.

Ngunit habang itoy tumatanda may kakaiba sa kinikilos ng prinsipe, napakahinhin nitong gumalaw at kung minsan ay nababakas naman dito ang pagkalalaki.

Hindi nila maiwasan magtaka kung bakit nagkakaganito ang kanilang anak, minsan ay tinutulungan nitong magburda ang reyna, pati ang pagluluto ng mga alipin sa kaharian itoy kanyang tinutulungan, at ang katawan nito hindi mawari kung hugis babae o lalaki pero hindi naman nakakahadlang ang pagsanay nito sa paghawak ng espada.

Pero kagaya ng mga normal ng mga ka edaran nito,  nagiging makulit paminsan minsan at nagiging masayahin sa lahat ng bagay,

Hanggang sa dumating ang araw ng paglaki nito, kagaya ng mga batang puno na lumalaki at nagkakaedad kasabay nito ang paglaki ng prinsipe na  nagkaroon ng sariling kaisipan na kahit sinong nilalang na nabubuhay ay gusto rin nitong sumaya sa sariling paraan.. 

-Dawn-

"Wooohoooo!!! Ang sarap lumipad!!!"sigaw ko habang lumilipad sa paligid ng kagubatan, ang gagandang tignan ng mga berdeng puno at ang mga dahon nitong nagbabagsakan na parang isang ulan.

Nakikita ko sa mga mukha ng  mga makukulay na nilalang sa gubat na  Masaya  sila dahil sa kagandahang hatid ng Gubat.

Lumipad ako patungong ilog upang tignan ang kumikinang ng mga tubig dito, napakasaya ko dahil sa mga nilalang  na nag iiwan ng mga makukulay na alikabok  sa tuwing pumapagaspas ang kanilang mga pakpak, sumasabay sila sa aking paglipad sa ibabaw ng napaka tahimik at napakalinaw na ilog. nakikita ko ang sarili kong repleksiyon dito.

Lumipad ako ng  mataas upang makita ko ang kabuuan ng gubat nagtagal ako ng ilang oras, lumangnghap ako nang  napakalinis na hangin at bumalik  na sa ibaba, pumunta ako sa may patag na bahagi ng gubat.

Doon ko nakita ang isang nilalang na kanina pa naghihintay sa akin, ngumiti ito nang makita niya ako.

"ipagpaumanhin mo Gaston kung pinaghintay kita dito"sabi ko sa aking guro at tagapagbantay, ang sarap talaga mamasyal sa Gubat.

"walang anuman iyon mahal na prinsipe, Masaya pa nga ako na namamasyal ka sa gubat dahil nasisilayan ko ang  magaganda mong ngiti"sabi niya sa akin, hindi man bagay sa prinsipe pero nararamdaman kong namumula ang aking mukha.

"Dawn ang itawag mo sa akin kapag dalawa lang tayo, gusto ko kasing maging normal man lang na parang simpleng nilalang" sabi ko dito sa kanya.

"nakakailang man po, pero sige mahal na prinsipe iyon po ang masusunod" sagot nito na nakayuko bilang tanda ng paggalang sa akin.

"huwag kanang  yumuko kapag kinakausap mo ko, gumalaw ka kapag tayong dalawa lang na parang hindi ako isang prinsipe, gusto ko ay normal ang pakikitungo  mo sa akin, parang magkaibigan lang"sabi ko dito at nilapitan siya, hindi ko ring maitatanggi na napakakisig niya at mataas siya,parang mas bagay pa itong maging prinsipe kesa sa akin, pinagkakatiwalaan ko siya sa lahat ng aking gagawin, palagi ko siyang kasama dahil iyon ang tungkulin niya, ang maging isang tagapagbantay at sarili kong Guro  pero  tinuturing ko siyang isang matalik na kaibigan.

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now