◇CHAPTER 4◆

3.4K 148 6
                                    

Narration:

Kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan si George habang ang kasama naman nitong si Mark ay abala sa kakatingin sa gilid ng gubat.

Ilang sandali lang tumunog ang Radio Phone na nakadikit sa bulsa ng uniform malapit sa dibib niya.

(A/N: Ang Radio Phone ay nakuha ko lang sa pinanuod kong movie,yung parang walky talky ng mga pulis kung tatawag sila sa kasama nila,basta ganun XD,hindi ko alam kung yan nga ang exact na pantawag..bear with me Guys, comment kayo kung ano talaga ang tawag dun..hindi po ako pulis isa po akong 'huwarang' estudyante..haha)

"Si George to...Over.."sagot nito.

"Hello Dad?,Kailangan niyong bilisan ang pagpapatakbo niyo may sumusunod sa inyo"kumunot ang noo ni George sa narinig na boses.

"Shawn,ikaw ba to?"tanong niya.

"O-Oo,makinig po kayo sa akin, meron pong sumusunod sa inyo at kailangan mong ipaalam sa kasamahan mo Dad,siguradong mapapahamak kayo.."

"Shawn,Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin,sinong sumusunod sa amin? at bakit ikaw ang may hawak ng Radio Phone ni Alex?saan ba--"

"George!! tignan mo!!"

biglang lumingon si George sa unahan niya at nakita nito ang paglipad ng sasakyan  sa ere,mabilis niyang pinaikot ang sasakyan para maiwasan silang  matamaan at madaganan,nagkaroon ng malakas na pagsabog nang malaglag sa sementong daan ang sasakyan.pinatakbo niya pa ng mabilis ang sasakyan pero gulat ang gumuhit sa mukha nila nang biglang sumulpot ang taong usok sa unahan ng sasakyan nila.

Pinagsusuntok nito ang salamin sa unahan dahilan para hindi  makita ni George ang daan,naisipan niya palikuin ng paulit-ulit ang sasakyan upang malaglag ito.

Nakita niyang kumuha ng baril si Mark at tinutok ito sa harap pero agad niya itong pinigilan para hindi nito mabasag ang salamin.Naisipan niyang itigil bigla ang sasakyan dahilan para tumalsik ang taong usok sa unahan.

Kumuha siya ng baril at tinignan ang kasama nito"Dito ka lang,kapag may nangyaring masama  patakbuhin mo ang sasakyan at humingi ng backup"sabi pa nito kay Mark bago bumaba,dahan-dahan siyang humakbang papunta sa nakahandusay na katawan habang tinututukan ito ng baril,nang makalapit siya,sinubukan nitong tignan ang mukha pero hindi niya nagawa dahil sa kapal na kulay itim na usok na tumatakip dito.hahawakan na sana niya ito nang biglang tumunog ang Radio Phone.

"Hello Dad,ayos lang ba kayo?"narinig niyang boses ni Shawn.

sasagot pa sana siya nang biglang  may humawak sa kamay nito ng mahigpit.tumingin siya sa taong usok na ngayon ay mabilis na tumayo.

"D-Dad?,Dad! anong nangyayari diyan"rinig niya pang sabi ng anak.

Papuputukan na sana niya ito nang baril pero bigla na lang tumilapon ang bagay na yun sa gilid,nakatanggap siya ng suntok sa tiyan pagkatapos nitong bitiwan ang kamay niya,napaatras siya nang sunod na suntok sa kaliwa at kanang pisngi ang natanggap niya sa taong usok.

matutumba na sana si George pero bigla na lang itong tumilapon papunta sa sasakyan nito,nagkaroon ng malakas na impact nang bumangga ang likod ni George sa unahang salamin ng sasakyan.napaatras naman si Mark sa upuan nito ng makita ang nangyari sa kasama,nagkaroon ng mga litik sa salamin dahil sa malakas na banggaan.Namanhid lahat ng katawan ni George at ilang sandali lang nilamon na ito ng kadiliman.

Nakita naman ni Mark na lumipad ang taong usok palayo, kaya mabilis siyang lumabas sa sasakyan at hinabol pa ito habang pinapaputukan ng baril,napamura na lang si Mark sa galit at inis habang tinitignan ang papalayong kalaban,nagmamadali siyang pumunta kay George at pinakiramdaman ang pulso nito.

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now