◇CHAPTER 4◆

3.5K 175 3
                                    


-Dawn

Kanina pa ako naglilinis dito sa kwarto niya pero parang wala akong kasama dito..nakatingin lang siya sa computer niya.

Wala naman akong karapatang magreklamo dahil ito ang kasunduan namin at isa pa ginagawa ko to para na rin magantihan ko ang mga mabubuting ginawa sa akin nina Tita,Yumuko ako para tignan sa ilalim ng kama niya kung may mga damit pa bang natira.

agad kong inabot ang isang tela na nakita ko at nanlaki ang mata ko nang makuha ko yun...

"Hoy!,huwag muna yan ang tignan mo,lumapit ka muna dito may ipapakita ako sayo.."si Shawn, salamat naman at nakapagsalita na siya..

Nilagay ko yung brief niya sa malaking basket na pinaglalagyan ko ng mga nagamit na niyang damit.

Lumapit ako sa kanya.

"tignan mo to"sabi nito habang tinuturo yung computer niya.Napangiti ako sa nakita, ang mga impormasyon tungkol kay Jared ang nasa Computer.

"Salamat sa impormasyon, sa totoo nga niyan, nakita ko na yan kanina sa school sa computer Lab niyo pero hindi ko natapos dahil bigla na lang namatay ang kuryente ng Lab."sabi ko na nakangiti.

Nagkatitigan lang kaming dalawa,Bigla niyang binawi ang pagtingin sa akin, tumikhim ito "Kamusta pala ang lakad niyo ni James?"tanong nito.

"OK lang naman,medyo mahihirapan nga lang ako dahil parang kulang pa ang impormasyon"sagot ko.

"ano ba nalaman niyo sa kanya?"tanong ulit nito.

"Isa siyang sikat na basketball player sa paaralan niya pero parang nagpalala pa sa sitwasyon dahil ginamit niya ang kasikatan na nakukuha niya para lang manakit sa mga estudyante doon, sa tingin ko nga naghihiganti yung pumatay sa kanya sa mga ginawa nito"pagpapaliwanag ko sa kanya.

"ibig mo bang sabihin,isa don sa mga estudyante ng school nila?"tanong nito.

"siguro, pero wala akong ideya kung nasaan siya,malamang sa ngayon lalo na siyang kinokontrol ng kristal "sabi ko.

"tinignan ko ang mga forms at record sa imbestigasyon ni Dad tungkol kay Jared pero parang wala akong nakitang bahid man lang nang ibidensiya"sabi nito na nakatutok lang sa Computer..

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

"Oh...bakit natingin ka lang diyan?"sabi nito.

"Ah-ah? Wala may iniisip lang, sige tapos na ko maglinis pwede na ba akong umalis?"Ako.

"kahit hindi kana bumalik,sige nah"masungit na sabi nito.

"Sige.."nasabi ko na lang pero bago ako umalis may sinabi pa ako sa kanya.

"Alam mo Shawn...kahit hindi mo sabihin, alam kong matutulungan mo ako sa misyon ko dito sa mundo niyo, nakikita ko sa mga galaw mo, salamat nga pala sa ginawa mo ngayon.."

------------------------------------------------------

Narration:

Sa kailaliman ng gabi umaalingawngaw ang malakas na tunog ng musika na nagmumula sa Gubat kung saan nag-iinuman at nakakasiyahan ang magbabarkadang estudyante,mapababae man o Lalaki.

"Hindi dito Babe...nahihiya ako sa kanila "sabi ng babae sa gitna nang kanilang paghahalikan ng lalaki..

"Sumunod ka sakin.."sabi naman ng lalaki.

Agad silang humiwalay sa kanilang barkada at pumunta sa isa sa mga ilog ng gubat.

Isinandal nang lalaki ang babae sa malaking bato at hinalikan ng buong pagnanasa,ang babae naman ay hindi nagpahuli.

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now