Chapter 1

34 1 0
                                    

SAOIRSE POV

Nang makita kong hindi gaanong mainit ay napagpasiyahan kong
maglakad-lakad nalang muna.

Rinig na rinig ko ang tilaok ng mga manok at ang huni ng kanilang mga alagang hayop.

"Saoirse saan punta mo?at bakit wala kana naman suot na tsinelas."nakapamaywang na tanong ng matalik kong kaibigan na si Odeng.

"Maglalakad-lakad,gusto mong sumama?tanong ko dito.

Malawak itong ngumiti.

"Oy sige ba."tuwang-tuwa itong  lumapit sa akin at kumapit sa aking braso.

Habang naglalakad ay may napansin akong dalawang pares ng tsinelas.

Napangisi ako sa nakita,kilala ko kung sino ang may ari non.

"Hoy,bat ganyan itsura mo?nakakilabot ang ngisi mo ah!

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Odeng ,inalis ko ang kamay niya na nakapulupot sa aking braso.

Mabilis akong lumapit sa labas ng bahay nina Mang kanor kung nasaan naroon ang dalawang pares ng tsinelas na aking nakita.

Kinuha ko ang isa at palihim na itinago sa aking likuran.

"Saoirse anong ginagawa mo?nanlalaking matang tanong nito.

"Gumaganti lang ako kay Didang Odeng,paano nauna akong bumili ng yelo sa kanya ng iaabot na  ni Aling Mila yung yelo sa akin  bigla nalang niyang hinablot sa aking kamay"mahinhin kong paliwanag.

At dahil doon ay hindi nakainom ng tubig na malamig si Itang.

Gustong-gusto pa naman ni Itang uminom ng tubig na malamig pagkagaling sa pangingisda.

Napabusangot ako dahil sa pagkadismaya.

"Paano mo naman nalaman na kay Didang ang tsinelas na yan."

"Nakita ko na ganito suot niya kahapon."

"Baka magkapareho lang, ano naman gagawin ni Didang kina Mang kanor  aber!

Napaisip ako bigla.

Si Mang kanor ay kaibigan ni Itang,ito rin ang kasama niya sa pangingisda.

May isa itong anak na si Bonuk na kasing edad namin ni Odeng.

Walang kamag-anak sina Mang kanor dito dahil kakalipat lang nila noong isang taon.

"Baka nililigawan ni Didang si Bonuk."iyon ang pumasok sa aking isipan.

"Ahhhhh,ganun ba."walang ganang saad ni Odeng.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na magpalinga-linga sa paligid.

Napakaganda talaga ng Isla Pueblo.

Hindi nakakasawang pagmasdan ang asul na dagat.

"Si Didang"kunot noong sinabi ni Odeng habang nakatanaw sa tumatakbong si Didang.

Napa-kunot noo din ako sa nakita hinihingal ito at tila takot na takot.

Nang mapatingin ako sa kanyang mga paa ay ganon nalang ang gulat sa aking mukha ng makita na may suot itong tsinelas na katulad ng isang pares na hawak ko na hanggang ngayon ay nasa aking likuran.

Nanlalaki ang mga mata ni Odeng na nakatingin sa akin.

Akmang magsasalita ito ng mabilis na nakalapit sa amin si Didang.

"H-hoy mga p-panget,umalis na kayo dito kung ayaw niyong m-mahuli ng mga m-manyak."bagamat hiningal ay nagawa pa nitong mag-insulto.

"Ay,hiyang-hiya naman ako sa kapal ng polbo mo no,tsaka maganda si Saoirse noh mukha nga siyang angel na bumaba sa lupa.'

Napabusangot si Didang sa narinig.

Hindi ako sumali sa bangayan ng dalawa tahimik lang ako na nakikinig sa kanila iniisip kung kaninong pares ng tsinelas itong hawak ko.



"Kyahhhhh.....tumakbo na kayo".sigaw ni Didang.

Mabilis itong kumaripas ng takbo ng sumulpot ang dalawang lalaking may malalaking mga katawan.

Nakakatakot ang mga itsura nila mukha silang mga kontrabida sa pelikula na napapanood niya sa maliit nilang telebisyon sa bahay.

Nang makita niyang papunta sila sa kanilang direksyon ay mabilis silang kumaripas ng takbo.

Hawak parin niya ang isang pares ng tsinelas,isasauli nalang niya ito mamaya.

Malayo na ang kanilang tinakbo ngunit may nakasunod parin sa kanila.

Hinihingal na ito.

Napatingin ako sa gawi ni Odeng gusto kong matawa sa nakikita.

Puno na kasi ng pawis at luha ang kanyang mukha may sipon pa na tumutulo.

May mga nakikita na silang mga tao,malapit narin sila sa pamilihan ng bayan.

Makakahingi na sila ng tulong.

"Odeng,maghiwalay tayo,doon ka sa kanan dito naman ako sa kaliwa,humingi ka nang tulong."kahit hinihingal nagawa ko pang ituro kung saan ang direksyon na kanyang pupuntahan.

Nag-aalinlangan pa ito sa una,kaya mabilis kong tinahak ang daan kung saan maari akong makahingi ng tulong.










Nanginginig na aking aking mga tuhod dahil sa pagod.
Pero patuloy parin ako sa pagtakbo.

Nang lingunin ko ang aking likuran ay doon ko lang napansin na dumarami na ang mga humahabol sa akin.

Binilisan ko ang  pagtakbo.

Napahinto ako ng napansin ang isang kulay itim na magarang sasakyan,nakabukas ang likuran nito.

Mabilis akong sumakay at nagtago doon.

"Putangina,ang bibilis nilang tumakbo!galit na sigaw ng isang lalaki.

Nakakatakot ang boses nito.

Kaya mas lalo kong isiniksik ang maliit kong katawan sa loob ng sasakyan.

"Wala man tayong nakuha ni isang babae!

"Tiyak magagalit si bosing niyan!

Sa tansiya ko ay nasa tatlo sila katao.









SaoirseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon