Chapter 2

8 1 0
                                    

SAOIRSE POV

"Tara mga pare doon tayo."

Nakahinga ako ng maluwag ng naramdaman ko ang mga yapak nila paalis.

Dala ng pagod ay hindi muna ako kumilos sa aking pinagtataguan.

Iginala ko ang mga mata sa loob ng sasakyan at doon ay may nakita akong isang itim na tela.

Kinuha ko iyon at pinagtaklob sa aking katawan.

Dala na rin ng pagod ay kusang bumigat ang talukap ng aking mga mata.










--------

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng malakas na kalabog.

Pagmulat ko sa aking mga mata ay doon ko lang napansin na nasa loob pa pala ako ng sasakyan na aking pinagtaguan.

Iniunat ko ang aking mga braso ng makaramdam na ako ng pangangalay.

Sinubukan kong buksan ang pinto na nasa aking harapan.

Nang tuluyan ko na itong nabuksan ay dahan-dahan akong bumaba.

Napa-kunot ang aking noo ng bumungad sa akin ang mala-palasyong bahay  na nasa aking harapan.

Napakatahimik ng lugar parang walang nakatira.

Nagsimula na akong maglakad,nagpalinga-linga sa paligid.

Napakaganda at napakalawak ng kanilang bakuran.

Sa aking pagmamasid ay may nakita akong isang napaka ganda at eleganteng pinto.

Hindi ko na sinubukang kumatok ng makita na nakabukas ito.

Papasok na sana ako ng may naalala ako bigla.

Mabilis kong tinakbo ang likuran ng sasakyan na aking pinagtaguan at muling binuksan.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang isang pares ng tsinelas.

Kinuha ko ito at muling naglakad patungo sa nakabukas na pinto.

Pagsilip ko ay tahimik ang buong bulwagan.

Kaya nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad.

Manghang-mangha ako sa aking nakikita,napakaganda at napakaaliwas ng loob nito.

May narinig akong mga kalansing ng mga kobyertos kaya sinundan ko kung saan ito nanggagaling.

Dinala ako ng aking mga paa sa isang malawak na dining area at doon nakita ko ang mga taong seryosong kumakain.

Napakasarap ng amoy ng mga pagkain na nakahain sa mahabang lamesa.

Dahil doon aya nakaramdam ako ng pagkalam ng tyan.

Nakayuko kong nailagay ang aking kamay sa aking nag-aalburotong tyan.

"Who are you?gulat akong nag angat ng tingin sa aking harapan.

Napasinghap ako ng makitang sa akin lahat sila nakatingin.

"Magnanakaw ka siguro no?akusa sa akin ng isang maganda at eleganteng babae.

"Mukha ba akong magnanakaw?

Gusto kong magmukhang nakakatakot  katulad ng reaksyon niya,ngunit nagmumukha lang akong isang  batang paslit.

"Bakit ka nakapasok?hindi parin ito tumitigil sa kakatanong sa akin.

Ang mga kasama niyang kumakain ay nanonood lang sa amin.

"Nakabukas yung pinto."inosente kong sagot.

Pinakatitigan niya ako napangiwi ito ng makita ang aking paa na walang suot na tsinelas.

Napakarungis ko na sigurong tignan.

Ang suot kong bulaklaking bestida na manipis ang tela ay puno na ng alikabok.

Nadumihan din ito sa likod ng sasakyang aking pinagtaguan.

Ang mahaba at kulot kong buhok ay nagulo na din.

"Leave,umalis kana ang baho-baho mo."

Hindi ako nakatiis ibinato ko sa kanya ang bitbit kong tsinelas.

Sapul ito sa matabil niyang bibig.

Nagulat ang mga kasama niyang kumakaen kaya napatayo silang lahat,maliban sa isa na nakaupo sa unahan.

"Hey lady,sino kaba at bakit basta-basta ka nalang pumapasok sa bahay ng bahay,nambabato kapa ng tsinelas."

Hindi ko ito pinagkaabalang tignan ang atensyon ko ay nasa tsinelas na napunta sa ilalim ng lamesa.

Iginala ko ang ulo sa pailalim upang makita kung saan napunta ang isang pares ng tsinelas.

"What your name little girl?

Muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko nang narinig ang malamig na boses ng lalaking nakaupo sa unahan.

Tinignan ko lang ito at pilit na pinapalakas ang loob

"No one have made  the boss wait."mariin at nakakatakot na sinabi niya.

Ang mga kasama niya ay tuluyan ng nagsi-upo isa dito ang babaeng binato ko ng tsinelas.

Napayuko ako at napatitig sa aking maruruming paa at napangiwi ako sa nakita.

Agad din akong napangat ng tingin ng hindi ko inaasahan ang biglang paglapit nito.

Hinihanda ko na ang sarili sa maaaring gawin niya.

Hinarap ko ito,at dahil  matangkad itong nakatayo sa aking harapan ay inangat ko pa ang aking paningin dito upang makita ang mukha nito.

Nagtama ang aming mga paningin at tila ay hinihigit ako ng kanyang matiim na mga mata nakakatakot ang mga ito nang mas nilaliman nito ang pagtitig sa akin.







SaoirseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon