Chapter 14

221 5 0
                                    

“Eto na.” Ipinatong ni Farah sa ibabaw ng lamesa ang gamot na pinabili ko sa kaniya.

Masakit kasi ang ulo ko ngayon. Siguro sa init ng panahon na nilalakad ko lang para makahanap ng trabaho. Wala talaga...

May ilan na tatawagan nalang daw nila ako kapag tanggap na ako.

Ang hirap kapag senior high school graduate lang ako. Ang nasa qualifications kasi ay dapat may Bachelor's degree. Hindi naman ako nakatungtong sa college. Kaya ang hirap ng trabaho para sa akin. Nahihirapan talaga akong humanap.

“Farah, saang University ba or College ka na nakapagdesisyon na papasok?” Bumagsak ang magkabilang balikat nito na halupaypay akong tiningnan ngayon. Natawa nalang ako sa itsura n'ya.

“Hoy! Malapit ka na papasok sa college. Sasabihin mo na naman na malayo diyan, ha!” Napangisi siya na natamaan sa sinabi ko.

Tapos sumimangot ang buong mukha nito. “Ate naman... Sa susunod nalang.”

“Baka iniisip mo na wala pa akong trabaho?” Bumungisngis ito na may punto ang sinabi ko.

“May ipon nga ako. Tiningnan ko na ang savings ko sa Banko. May laman.” Lumunok lang ito na naniningkit ang mga mata n'ya ngayon. Hindi ko maintindihan itong kapatid ko. Ang weird ng ekpresyon n'ya at saka ang reaksyon n'ya.

“Eysss... Ano nga ulit ang nakalimutan kong bilhin?” Nilahad n'ya ang isang kamay n'ya na nanghihingi sa akin. Then naalala ko ang ipapabili ko pa pala sa kaniya. Saka ko ibinigay ang sukli na 100 pesos na alam kong kakasya sa ipapabili ko sa kaniya.

“Balik ka agad— AYY! Pakibili ako ng yosi...” Sumama ang tingin n'ya sa akin na hindi nagustuhan ang pinapabili ko sa kaniya.

Isa si Farah sa mga taong kontra ang paninigarilyo ko. Ayaw nito na magka-lung cancer ako. Ganito ako kamahal ng kapatid ko.

“May lagnat ka, Ate... Maninigarilyo ka?” Eto na naman siya na parang si nanay kung magalit sa akin ngayon.

“Ah basta! Maxx pa rin ang bibilhin ko sa 'yo.” Inirapan n'ya ako habang nakalabas ang dila nito bago lumabas ng bahay. Alam ko naman na nagbibiro lang siya. Bibilhan n'ya pa rin ako ng sigarilyo. Ang tagal ko na palang hindi naninigarilyo. Ka-miss naman ang amoy ng usok ng sigarilyo.

Ipinatong ko ang ulo ko sa dalawang braso ko na nakapatong dito sa ibabaw ng lamesa para makapag-idlip ako. Bumibigat ang ulo ko ngayon na parang migraine itong nararamdaman ko. At ang mas ayaw ko talaga ay tumutulo ang sipon ko ngayon. Ang sama ng pakiramdam ko talaga...

“Farah?” Kanina pa may kumakatok sa pinto sa labas na naririnig ko.

Kapag si Farah 'yan. Alam kong hindi siya kakatok na papasok siya agad. Saka ang bilis n'ya namang bumalik. Bago lang kaya siya umalis.

“Farah?” Ulit ko ulit. Hindi naman siya sumasagot.

Nag-aalanganin man. Tumayo ako at saka lumakad papunta sa main door ngayon para buksan ang pinto. Saka nalang tumambad sa akin ang isang may edad na babae na ang puti ng kutis n'ya na mas maputi pa ang suot n'yang gown ngayon na ang daming extra na tela.

Di ko alam kung ano ang tawag sa style ng suot n'yang gown. Nagiging bonga siya tingnan habang suot n'ya at  halatang yayamanin siya.

“Ahm... S-Sino ho sila?” Halata namang hindi ko sila kilala at kung bakit sila nandito ngayon sa amin.

“Siya na ba 'yan?” Sabat ng lalaking matanda na naka-tuxedo ngayon na masasabi kong may kaya rin. Ang trabaho n'ya ay pangmalakihang sweldo.

Kumunot ang noo ko kung sino ba sila. “Ikaw ba si Diva?”

Hired To Cure You ✅Where stories live. Discover now