LAST CHAPTER

379 6 2
                                    

3 YEARS LATER...

Losing any important person in life is a big loss. But losing one's boyfriend, when you're planning big things about the future and dreaming sweet about the coming life, is an irrecoverable loss. In an unfortunate situation like that your heart aches, breaks and drowns. The only thing that you can do is to keep patience.- Unknown.

Three years na ang lumipas nang namatay si Havinci. Masakit pa rin. Ang dami ko pa ring naiisip na minsan tinatanong ko ang sarili ko kung paano ako? Pero eto ako... Humihinga at tuloy lang ang laban sa buhay.

Masasabi ko talagang hindi madali ang buhay para sa akin. Lalo na naguguluhan ako nang una kong ano ang gagawin ko sa 8 million na iniwan ni Havinci na binigay ni Halvistre sa akin. Ganito kalaki ang pera na natanggap ko na nakakalula talaga. Para akong nanalo sa lotto.

Isang buwan akong hindi lumabas ng bahay dahil nga napapraning ako baka mawala ang pera kapag iiwan ko sa apartment. Ang laki ba naman na hindi ko aakalaing ganun kalaki ang matatanggap ko.

"Div, I need your help, please..." pagsusumamo nito habang may kargang baby. Tatay na nga siya. Kakabukas ko lang ng gate dahil nag-doorbell siya.

Tumaas ang isang kilay ko kasi alam ko na kung ano na naman ang ipapagawa n'ya sa akin.

"Si Baby kasi... Please- help me..." Rumolyo ang mga mata ko sa labis na pagmamakaawa nito sa akin. Minsan sarap sipain ang ano nito na nakakagigil.

"Nasaan ba ang yaya n'ya? Pinabakasyon mo na naman sa Disneyland, 'no?" ganito palagi rason n'ya. Nasa Disneyland pa raw ang yaya ng anak n'ya na hinahayaan n'yang mamasyal doon. "Ang sabihin mo, hindi ka pa kumukuha ng magiging Nanny ng anak mo. Dahil umaasa ka pa ring babalik ang nanay n'yan at kukunin sa 'yo. Hoy! Apat na buwan na 'yan sa 'yo. Pambihira."

Ang kwento, nagulat nalang sila ni Esli pagkagising nila na may batang inabot sa kaniya ang yaya n'ya. May nagbigay raw na isang babae na balot ang buong katawan at tanging mata lang ang nakikita. Ang huling sinabi ng babae sa Yaya ay anak ni Caleb ang bata and then kumaripas na ng takbo ang babae na hindi na naitanong ng Yaya ang pangalan nito. Tapos nagalit si Esli at nakipaghiwalay kay Caleb.

Kahit ako, lalayo talaga ako kapag may batang bubungad pagkalabas ko ng bahay ng boyfriend ko. Sasakit talaga ang loob ko. Kami, tapos may nabuntis siyang ibang babae? Ibang usapan na 'yan.

Sa tatlong taon, naging magkaibigan kaming dalawa ni Caleb. Kaso 'di ko alam kung ano ba ang tumakbo sa utak n'ya na bigla nalang may nabuntis na ibang babae. Ngayon si Esli ay nasa Australia na na doctor pa rin siya doon.

"Sige na. May conference ako ngayon. Pakibantay naman."

"Ilang araw ka ba doon?" Nagkandaugaga ito na pinagpapawisan na habang nakasukbit sa isang balikat nito ang bag na alam kong ang laman ay mga gamit ng baby n'ya. Tapos may hawak pa ang isang kamay nito ng feeding bottle. Matatawa nalang talaga ako sa kaniya.

"Babalik ako," seryosong sabi n'ya sa mga mata ko. Ngumiwi ako kasi kabaligtaran ang sinasabi n'ya. Umiyak ang anak n'ya na agad naman akong sumayaw-sayaw para mapatahan ito na karga ko na ngayon.

"Shhh... na Baby Esli..." hindi nagustuhan ni Caleb ang pagtawag ko sa anak n'ya. Wala pa kasing pangalan ito na hindi pa nabibinyagan. Kaya ako na ang nagbibigay minsan ng pangalan ng kung ano lang ang itatawag ko dito kay baby. Hindi na maipinta ang mukha nito na akin nalang siyang tinawanan.

"Esli nalang kaya ang ipangalan mo sa kaniya. Total... Nahihirapan ka namang mag-isip ng pangalan." Pigil ko ang aking pagtawa. Ang mukha n'yang hindi maipinta kanina, naging malungkot na kita ko na ang ilang kulubot sa ilang parte ng mukha nito.

Kahit pangalan ng ex n'ya ayaw n'ya ipangalan dito sa anak n'ya.

"Osha! Umalis ka na bago pa magbago ang desisyon ko," sa sinabi ko. Matagal n'yang tiningnan ang anak n'ya bago umalis.

Ako na napapaisip. Saan ko iiwan itong anak n'ya ngayon. May bisita ako na gusto akong kausapin ngayon. Hanggang sa dinala ko si Baby sa Forever Haven Home. Isa itong nagsisilbing bahay na kung tawagin ay Home for the agent, asylum and isa ring NGO.

Lahat ng mga inabandonang mga matatanda na iniwan ng mga anak nila, wala ng may mag-aalaga, at yung pinabayaan sila na nagiging pulubi sila sa kalsada. Dito napunta ang 8 million na pinamana ni Havinci sa akin bago siya namatay. Pero bago, kinonsulta ko muna kay Halvistre na okay rin sa kaniya. Marami ring organization ang tumulong para sa foundation na ito. Isa na si Caleb na every month libre ang medical service na binibigay n'ya na nakakatuwa talaga siya.

Siguro, gustong-gusto ko ang trabaho ko as a Caregiver, nag-aalaga sa mga matanda. Kaya ko naisipang pasukin ito kasi honestly, in a first place... Hindi ko alam kung saan ko gagamitin ang pera at ang ganitong klase ng magandang serbisyo ang unang pumasok sa isip ko na kinareer ko. Naalagaan ko na rin ang maraming matatanda na napamahal na ako sa kanila. Hindi ako Lola's girl or Lolo's girl. Parang ganito na ang bisyo ko na sa pagiging Caregiver ko, nagiging malapit ako sa mga matatanda at deserve nilang may matutuluyan na alam kong magiging komportable sila.

"Bukas mo na siya kunin. Mahimbing ang tulong n'ya. Istorbo." Alas-dyes na siya ngayon umuwi para kunin ang anak n'ya. Nagising nga ako sa masarap na tulog ko.

"So, bukas ako babalik dito? Patuluyin mo nga ako sa loob. Pagod ako ..." halatang pagod nga. Pumasok nalang siya sa loob ng Bahay na dire-diretso na siya yata ang may ari ng bahay na ito.

Bumili ako ng bagong bahay. Hindi mahal. Simple lang na may matutuluyan ako at proteksyon sa mga kalamidad na dadating.

Bale ang bahay ni Havinci sa Nueva Ecija ay iyon ang binenta n'ya na ibinigay sa akin ang napagbentahan.

Ang mansyon ng mga Dacillo na Forever Haven Home na ngayon. Si Halvistre nag-suggest. Kasi wala na siyang balak na uuwi pa rito sa Pilipinas. Pinapamigay n'ya nalang ang ari-arian n'ya sa akin na naiwan sa kaniya.

Hindi ko tinatanggap. Pero naiisip ko kung saan maganda gamitin. Tinatanggap ko nalang.

Nakita kong knockout na si Caleb. Hindi na ito magigising sa himbing ng tulog n'ya. Ang ganda pa ng posisyon n'ya sa sofa na kung saan siya nakahiga ngayon. Umakyat na rin ako sa kwarto ko. Baka nagising si Baby Esli na doon natutulog. Ako na ang tatawag sa kaniya nito.

Umupo ako sa kama at saka ko tinititigan si Baby Esli ngayon. Naawa ako sa kaniya. Napapatanong ako kung bakit nalang siya iniwan ng totoong nanay n'ya. Ako ang naaawa sa bata.

Naalala ko lang. Ni minsan hindi ko pinapangarap kahit naging kami ni Havinci noon. Never namin napag-usapan na magkakaroon kami ng anak. Kahit ako. Ngayon naiisip ko na 'yong isang pangarap na gusto ko rin pala magkaroon ng anak. Next year magta-trenta na ako. Malapit na ako lalagpas sa kalendaryo. Magiging matandang rich independent Tita nalang siguro ako.

Siguro, si Baby Esli. Ibinigay siya para alagaan ko. Mararamdaman ko ang feeling na isa akong ina. Hindi ko man maipangako. Pero nasabi ko sa sarili ko, gusto ko maging Ina ng batang ito. Magiging ina ako para sa kaniya. Lalo na ang tatay n'ya na nagiging buhay binata. Ako na ang aako ng responsibilidad para sa kaniya.

May ngiti nalang sumilay sa mga labi ko.

Kasi nakikita ko ang buhay ko ngayon at sa mga susunod pa na mga araw. Nai-excite ako...

Nananabik na akong lumaki siya at tatawagin n'ya akong 'Mommy', 'Mama', 'Nanay' and kung ano pa.

Nakikita ko na ang future ko kay Baby Esli. Excited na ako sa future. May mga pagkakataon na dumating sa buhay ko na hindi ko inaasahan, pero nagiging masaya ako. Lalo na ang dulot sa akin ay pasayahin ako sa mundong ito.

Sa mundong sakit lang ng damdamin ang nararamdaman ko. May isang alam kong magiging lunas sa mga sakit na matagal nang nakabalot sa puso ko.

Hindi lang dito nagtatapos ang lahat. May mas exciting pang magaganap sa buhay ko na nakakaabang.

-THE END-




---------
A/N

Baka hindi kayo masaya sa ending. May continuation pa po ito. Announce ko kapag mayro'n na. Follow me for more stories updates. Stay stuned 'til the end...

Thank you po ng marami sa pagbabasa. God bless!

Hired To Cure You ✅Where stories live. Discover now