Chapter One

189 9 0
                                    

Chapter One

I was staring at my hand as I waited for the registrar to process my fee para sa examination namin.

"Miss Mancenido?"

Mabilis akong tumayo. "Okay na po?"

"Oo, Miss. Punta ka na agad sa room nyo at ipakita mo to sa prof mo."

"Thank you po."

I sighed and continue to walk. Buti at nakaabot kami ni Lola para sa payment kasi di na daw tatanggapin ang promisory note.

Second year na ako sa kursong business. My parents want me to finish and graduate, pero bago ko pa magawa iyon namatay na sila. Bata palang ako, alam ko na iyon kaya iniwan ako sa Lola ko. And it's not a big deal.

Wala lang araw na iniisip ko na sana nandito sila at sila ang nakasupporta sa akin ngayon. But that's life.

Pagkapasok ko sa maliit na gate ay narinig ko agad ang tunog ng makina ni Lola dahil sa tinatapos nyang mga tahiin. I smiled at myself and immediately saw her.

"Lola."

Huminto sya at ngumiti sa akin. I show her the food that I bought along the way.

"Nakapag saing ka na ba?" Tanong ko pagkatapos kong mag mano.

"Oo naman. Kamusta exam?"

"Syempre perfect, ako pa ba?"

She laughed. Nagbihis muna ako ng damit pambahay bago ko inaya si Lola na mag hapunan na.

"Buong maghapon ka uli nagtahi?"

"Kailangan ko tapusin, para hindi nakakahiya na bumale ako."

"Lola, magtrabaho nalang kaya ako?"

Umiling iling sya at nagligpit na ng mga pinagkainan namin.

"Hindi, hangga't nandito ako, mag aaral at makakapagtapos ka, Atarah."

"Iniisip ko lang..."

"Ako ang bahala sayo."

Nagpaalam ako saglit kay Lola para kitain ang mga kaibigan ko. Kumaway agad si Chichay sa akin.

"Ayan na si Atarah!"

"Anong meron? Bakit may dala kayong ganito?"

"Halika na, sabi nandyan na daw si Per!"

Nagtataka ay sumunod nalang ako kay Chichay. Nagpahid na sya ng pekeng dugo sa sarili at inabot sa akin ang maskara.

"Sino bang tatakutin natin?" Tanong ko. "Si Inad?"

"Oo." Tumawa pa sya. "Kaya bilis na! Dun ka sa labas ha!"

Natatawa na din akong nagtago. Mga ilang saglit nakinig ko na boses ni Inad, parang may kausap. Sumilip ako at nakita na may kasama sya. Naghintay ako bago ko narinig ang tarantang sigaw nila kaya sinuot ko na ang maskara ko at nagsimula nang takutin sila. Nagpipigil pa ako ng tawa kasi mukhang takot na takot iyong kasama nya.

"Gago! Nawala yung babae!"

Sumenyas si Chichay sa akin at sabay namin silang tinakot.

"Pota!" Ani nung katabi ni Inad na tumatawa na.

"Gagi, takot ka pa din, Per?" Si Chichay.

"Pota naman Inad!"

"Ang laki mong lalaki, takot ka sa mumu?" Hindi ko na napigilang sabihin.

"Asa." He scoffed. "Tyaka sino ba tong pangit na to?"

"Ay pangit ka daw." Siko ni Chichay sa akin.

Tumawa pa si Inad. "Pangit ka pala, Atarah!"

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now