Chapter Two

100 7 0
                                    

Chapter Two

I licked my lips and sighed. Nakatitig ako sa kape na nasa harapan ko. I was absent for today kahit medyo ayos na ang pakiramdam ko.

"Lola."

Mula sa pagtipa nya sa makina ay binalingan nya ako.

"Makakabili ka din ng bago."

We both decided to sell my bike, kailangan kasi naming magbayad ng kuryente. Sumimsim ako sa kape bago ko nakita na may sasakyang pumarada sa harapan ng bahay. My forehead knot and took a glance at lola. Napatayo din sya, marahil ay nakilala ang dumating.

"Matet?"

I stood up and looked at the door, bumaba sa sasakyan ang isa sa anak pa ni Lola na si Tita Matet.

"Ma." Tita Matet immediately said.

Pinasadahan nya ng mabilis ang buong bahay namin bago lumapit kay Lola at niyakap pa ito. I actually didn't expect that she would greet me, galit sya sa akin dahil ako ang rason kung bakit namatay ang Mama ko na kapatid nya.

"Matet, anak. Kailangan ka pa nakauwi?"

"Nito lang, Ma."

Nilapagan ko ng tubig si Tita Matet. Nakasunod sa kanya iyong anak nya na bumati lang sa akin.

"Lola, umuwi kami para kunin ka na. Sa Australia ka nalang din."

I kept my mouth shut.

"Rafy, ayoko sa ibang bansa. Alam ng Mama mo iyan."

"Mas mababantayan ka namin doon."

Nakita kong sumulyap sa akin si Lola, I just smiled. Matagal ko ng alam na balang araw ay babawiin na sa akin si Lola.

"Kapag nakapagtapos nalang si Atarah."

Doon na bumaling sa akin si Tita Matet. Marahan akong tumungo.

"Kamusta naman ang pag aaral, Atarah?"

"Okay naman po, Tita."

Matagal syang tumitig bago tumango. Rafy smiled at me.

"Anong year ka na nga?"

"Second year na."

"Okay, I hope you keep it up."

Tumango ako.

Saglit pa nilang pinilit si Lola na sumama sa kanila pero matigas si Lola na hindi nya ako iiwan hangga't hindi ako nakaka-graduate ng college.

"Okay, Lola. I understand. But we brought some groceries for you and Arah." Ani Rafy.

"Naku, apo."

Tumayo na si Tita Matet at niyakap si Lola, ngumiti ako ng maliit sa kanya.

"We'll be going, Mama. Bibisita kami uli sa next week."

Inayos ko ang grocery na dala nina Tita Matet para sa amin. Naramdaman ko lang ang marahang haplos ni Lola sa braso ko.

"Atarah..."

"Po, Lola?"

Bumuntong hininga sya. "Gusto ko lang sabihin na hindi kita iiwan. Kailangan mo munang makapagtapos."

"La, okay lang naman. Mas maaalagaan ka dun."

"Pero mas maganda na kasama din kita."

Ngumuso ako at niyakap sya. "Sus, naiinis ka na nga minsan sakin La kasi ang kulit ko. Aminin mo."

Kinurot nya ako kaya natatawa akong umilag sa kanya.

"Si Lola ba!"

"Ikaw na bata ka talaga. Basta ayusin mo pag aaral mo ha."

Matcha Latte (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon