Chapter Thirteen

75 8 0
                                    

Chapter Thirteen

"Atarah, pakisuyo nito."

Kinuha ko iyong bagong dala na labahin at tinimbang na. I was busy the whole day, tapos swelduhan pa at day off ako bukas.

After that hug, Casper went busy. At okay lang, it's not like I am always expecting for him. Kahit naman alam ko na malambot ako, ayoko pa din idepende ang sarili ko sa kanya. Nakaalis na din sina Inad at Chichay pabalik ng Manila para sa trabaho nila.

Marahan kong hinilot ang leegan ko nang makalabas na ako sa laundry shop. Pagod na ako dahil madami kaming nalabhan ngayon kaya siguro bukas nalang ako bibili ng mga stocks ko sa bahay.

May liwanag pa naman kaya nagsimula na akong maglakad pauwi. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang bawat nadadaanan ko.

"Atarah?"

Nahinto ako nang tawagin ni Tita Anet.

"May naghahanap palang babae, sabi ko wala ka. Babalik nalang daw bukas."

"Sino po kaya?"

"Walang nabanggit."

Tumango nalang ako at dumiretso na ng pasok sa loob ng bahay. Saglit pa akong nagpahinga bago ako tumayo at lumabas. Bibili nalang sana ako ng ihaw pero nakita ko ang pagdating ni Casper. Sumaludo pa sya sa akin at pinakita ang dala nyang paper bag.

"Kakauwi mo lang?" He asked.

"Oo."

"Halika, kain tayo. Gutom na ako." Mabilis nya akong inakbayan at hinila papasok.

"Amoy pawis ako."

Ngumunot sya ng noo nya at ngumiti.

"Amoy pawis din ako."

Umirap ako at hinayaan syang ilatag sa lamesa ang mga pagkain na binili nya sa mcdo. Ngumuso ako at nakaramdam na ng gutom.

"Susunduin sana kita sa laundry shop kaso nagtagal kami sa rancho."

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Kaso bigla syang natahimik kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya. Muntik pa akong mabulunan dahil sa pagtitig nya.

"Kumain ka na nga."

He chuckled.

"Tulungan kitang mag ipon ng tubig. Day off ma bukas diba?"

"Stalker ba kita?"

"Kabisado ko lang schedule mo."

Tulad ng sabi nya, tinulungan nya ako mag ipon ng tubig. Nagkukwento lang sya ng mga ginawa nila sa rancho, panay naman akong tumatango sa kanya.

"Hindi ko nadala iyong rechargeable fan."

"Okay lang, mahangin naman ngayon."

He nodded. Humikab ako at mabilis na tinikom ang bibig.

"I'll go, magpahinga ka na."

Pinalobo ko ang pisngi ko at tiningala sya.

"Sige, uh..."

"Ilock mo pinto."

Tumango ako at pinanuod syang makalayo na. I sighed, isang stick lang bago ako matulog. As much as possible, isang stick lang talaga ng sigarilyo kada ganitong magulo ang isip ko.

Gusto ko ng umalis dito, at magpakalayo na.

The more I stay here, I more I will just be doing this self pity moments.

Maaga palang gising na ako, siguro sanay na talaga ang katawan ko. Bumili ako ng almusal ko at hinanda na ang bswat labahin ko.

"Tao po?"

Matcha Latte (Coffee Series)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu