CHAPTER 33

8 0 0
                                    

TAEYEON

Monday Morning. Back to school na naman kami. Pero hindi ko inaasahang may pa surprise pala ang SMCU sa lahat ng delegates.

Hindi man namin nakuha ang Overall Champion, kami naman ang pumangalawa. Kami ngayon ang nakapagdala ng pinakamataas na karangalan sa SMCU.

OMG!
Natatawa ding naglalakad si Tiffany ng makita ang mga banner at mga mukha namin sa tarp

Feeling ko tuloy artista ako ngayon. Bulong ko sa kanya habang kinocongratulate naman kami ng mga nakakilala sa amin

Nakakahiya naman. Bakit may paganito.
Tugon lang ni Fany

Dumiretso na kami sa Field para sa Flag Ceremony. After ng program at pagkilala samin ay pinatawag kaming lahat na nakasama sa Competition.

May paparty ba?
Excited namang sabi ni Kai habang naglalakad kami

Basta party talaga hindi ka mapakali.
Natatawang sabi nalang ng kapatid niya

Syempre. Kainan din yun bro.

Napapailing nalang ako. Hinanap ko naman ang kapatid ko. Pero bakit wala ito?

Nakita niyo ba si Jennie?
Kay Rose ako nakatingin

Hindi ko pa siya nakikita. Nagtataka namang sumagot si Rose

Agad ko itong tinawagan.

Hoy bruha. Nasaan ka na? Tapos na ang flag ceremony.

Ate.

Nagtaka ako sa malat na boses niya.

May sakit ka ba?
Napatingin bigla si Seulgi sakin

Ambigat ng katawan ko ng magising
Ako kanina kaya natulog ulit ako.
Pero lalo atang lumala. Masakit
Din ang lalamunan ko.

Trangkaso na nga yan.
Magpahatid kana lang muna
Sa bahay para maalagaan ka dun
Ng maayos. wala kang kasama
Diyan sa condo mo.

Mamaya pag okay na ako.

Uminom kana ba ng gamot?

Yeah uminom na ako.
Itutulog ko nalang ulit.

Mabuti pa nga. Tumawag kana
Lang if you need something.
Andito kami sa Auditorium
Pinatawag kami ni Mr. President.
Balitaan nalang kita mamaya.

Okay.

Agad kong sinaylent ang phone ko. Baka kasi biglang tumunog. Nakakahiya.

Ano'ng nangyari kay Jen, Ate?
Tanong ni Rose

Trangkaso ata. Mabigat ang katawan niya at minamalat. Pakisabi nalang sa titser ninyo ha.

Mukhang lahat pala kami nagkasakit after ng competition. Kami ni Kirk tinrangkaso din pag uwi natin. Mukhang nahawa tayo kay Seul. Tukso ni Rose

Sorry.

Ang cute talaga ni Seulgi. Kahit joke sineseryoso. Kaya baka nainlove si Irene.

Nakinig nalang ako ng magsalita na agad si Mr. President.

Napuna kong parang matamlay si Tiffany. Nakakapanibago kasi yong tahimik siya. Parehas kaming Marketing and Finance Major kaya magkaklase kami sa halos lahat ng subject.

Pero ngayon lang kami naging close. Hindi ko naman kasi alam na kapatid siya ng kaibigan ni Jennie. Lalo at transferee ang mga ito.

Ang lalim naman ng buntong hininga mo. May sakit ka din ba? Puna ko

Wala. May iniisip lang ako. Family matters.

Napatango nalang ako. Maybe worried din ito sa kapatid niya.

KAIBIGANWhere stories live. Discover now