CHAPTER 77

12 1 0
                                    

DANIEL

Hindi ako nagpaalam na naimbitahan ako sa opening ng Hotel. Actually plus one lang ako ni Freen.

Pero hindi ko inaasahang makikita si Seulgi. Alam ko kasing hindi naman sila okay ni Ate Irene.

Kasama niya si Ate Wendy at nakikipag usap sa mga Businessman na guest.

Hindi mo ba lalapitan?
Nakita ni Freen kung sino ang sinisilip ko

Mukha naman siyang nag eenjoy. Ayoko nalang sirain ang mood niya. Mabuti nga at nakalabas ng bahay. Sagot ko

Sorry again Daniel.

Sa kanya mo yan sabihin. Malaki ang tampo niya sayo.

Malungkot lang na sinisilip din niya si Seulgi.

Nahihiya talaga ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Lalo noong nalaman kong wala na pala kayo sa Tagaytay. Parang nawalan ako ng gana sa lahat.

Huwag na nating pag usapan yun.

Alam din naman niyang nagtampo talaga ako sa kanya, pero hindi naman makitid ang utak ko. Nakinig naman ako sa explanation niya.

Pero wala itong lakas na loob kay Seulgi.
Hiyang hiya talaga ito.

Ano kaya ang ginagawa ng kapatid ko dito.
Napatingin naman ako sa tinitingnan ni Freen

Kaibigan din siya ni Ate Irene.
Sagot ko

Pero alam naman niyang pinagchichismisan siya ngayon eh.

Mas mabuti ngang makita siya ng mga tao.
Kesa naman magtago siya. She need to let anyone know na she's fine and unbothered
Explain ko

Kaplastikan.

Napangiti nalang ako. Hindi kasi sila okay na magkapatid.

Kaya umiwas kaming makita ni Lisa. Marami namang guest kaya madali lang naming nagawa yun.

Lumabas kami sa Beach Front.

Tatawa sana ako kasi para kaming mga gatecrasher na nagtatago sa gwardiya ng may maiplatan akong dalawang taong medyo nagtatago.

Mataas kasi ako kesa sa mga tanim kaya nakita ko sila.

Pwede bang dumito ka muna? Kukuha lang ako ng maiinom natin. Paalam ko kay Freen

Doon nalang ako banda. Mainit dito.

Sige.

Dahan dahan akong lumapit sa garden.

I want you back.
Narinig kong sabi ni Seulgi

Agad na nagpanting ang tenga ko.

What? Pano si Jennie?

So si Irene ang kasama niya. Nakatalikod kasi kanina kaya hindi ko namukhaan.

Makikipagbreak na ako sa kanya. Naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon.

Seryoso ka ba?

Oo naman. Ayaw mo ba?

Syempre gusto.

Lalong uminit ang ulo ko.

Bago pa nila ako maramdaman ay bumalik na ako kay Freen.

Nasaan na ang... Aray! Saan tayo pupunta? Nagulat ito ng hilahin ko

Aalis na tayo dito.

What? Pero hindi ko pa nakikita si Becky.

Just text her. Pero ako aalis na dito.

KAIBIGANWhere stories live. Discover now