Kabanata 6: Ma'am Mav

8 6 0
                                    

"Morning class." said by Miss Mav. I couldn't say it was a greetings because she was too cold.

"Good morning, Miss Mav." we greeted in chorus.

"So before I starts the discussion, I will arranged your chairs first." she said with authority.

Lahat ay tumayo at kahit walang nagreklamo, bakas sa mukha nila ang disgusto. Medyo hassle nga kasi marami kami sa room, we're seventy plus so siksikan talaga at kagulo lalo na 'pag maglilipatan. Isali mo pang hindi lang bag ang dala namin dahil marami kaming ginagawa dahil graduating na, hindi na pwede papetiks petiks dito.

Nahati kaming magkaklase sa dalawa, yung iba ay nasa pinaka likod habang yung iba naman ay nasa board bitbit ang mga gamit nila. Syempre mas malapit kami sa unahan kaya doon kami sa board nagtungo. Dala dala ko ang bag ko at isang kulay green na expanded envelope.

Nagsimula na si Ma'am. Likdangan ang ginawa niya, babae, lalaki, babae, lalaki para raw hindi masyadong makapag-ingay ang lalaki.

"Potangina katabi ko na naman si Equinox," mura ni Artemis habang nakasimangot. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Paul Asuncion, Rose Jane Alegria, Sheen Adler Atienza, Erich Atayde." anunsiyo ni Ma'am.

Kita ko ang pagsuntok sa hangin ni Rose at Erich dahil sa labis na kasiyahan. Akala naman nila papagayahin sila ni Adler, madamot kaya sa sagot 'yan.

Lihim akong napatawa sa sinabi ng utak ko. Ngayon pa lang naiimagine ko na ang pagrarant ng dalawa.

Nagpatuloy yun hanggang sa kakaunti na lamang kami na nakatayo.

"Cloud Pedraza, Astre– Astr..." kunot noo na tumingin sa  akin si Ma'am. "How did you pronounce this?"

"Astreya po." sagot ko dito.

"Your name is more complicated than my life." she commented. I didn't answer. "I repeat, Cloud Pedraza, Astraea Chaerin Pecazo, Argus Creon Panaligan, Shay Lui Pemella." she announced.

My gaze went to the man who's not far from me. And I found him staring at me too, he was probably waiting for me to looked at him. We exchanges a smile.

Sabay sabay kaming apat na nagtungo sa ikadalawa sa pinakadulo na row ng mga upuan. Binaba ko ang bag ko sa ikadalawang upuan bago umupo. Ganoon rin ang ginawa nila.

Bakit parang hindi ata ako komportable sa ganitong set up. Argus perfume is traveling to my veins at sobrang bango niya. Saka why I can't looked at him?! Andami na naming natopic, ah! Bakit parang hiyang hiya pa rin ako sa kanya!

"Naks, si Pres ang katabi ko. Mukhang titino ako nito, ah." biro ni Cloud sa akin at kaagad ko naman siyang nginitian.

"Baka maligaw ka pa ng landas sa akin." biro ko dito pabalik.

The discussion finally starts at hindi ko alam kung may galit ba sa aming dalawa ni Adler si Ma'am dahil kanina niya pa kami pinupuro. Buti nalang talaga at nasasagot namin yung mga tanong niya! Parang kaming dalawa lang yung estudyante eh! Baka nakakalimutan niyang seventy plus kami dito! Saka isa pa, hindi konektado yung pinagtatanong niya sa subject namin! Parang mema na lang talaga siya!

"Who is Cleopatra?"

Napapikit nalang ako ng maramdaman ko ang pagtibok ng ugat ko sa ulo. Ayan na naman siya. Ano namang connect ni Cleopatra sa 3I's? Siya ba Goddess of Research? Hindi naman diba!

Lahat ay tahimik at tanging tunog lang ng electric fan ang madidinig. Ang iba ay nakayuko at ayaw makipag eye contact kay Ma'am. Si Cloud naman ay nadidinig kong nagdadasal sa tabi ko. Habang si Argus naman ay prente lang na nakaupo at mukhang kalmado.

AmaranthineWhere stories live. Discover now