Kabanata 8: The Lovers

6 5 0
                                    

Ang masasabi ko lamang sa araw na ito ay HIMALA.

Pagkatapos ng isang linggong debate sa wakas ay tumigil na rin si Ma'am Mav. Siguro napagod rin sa sariling kagaguhan. Pero kahit ganoon, nanatili pa rin kaming ilag ni Adler sa isa't isa. Palagi ko siyang nahuhuling tumitingin sa akin tapos iiwas bigla. Napapairap nalang ako. Alam niyang isang sorry niya lang sakin okay na ulit kami. Pero hindi niya ginagawa.

"I will group you into two at gagawa kayo ng sarili niyong newspaper. Hanggang bukas lang  pasa dahil sa isang araw ay presentation niyo naman." saad ni Ma'am Carla.

Mabilis na umalma ang lahat dahil parang hindi daw kakayanin ng isang araw lang ang pagagawa ng newspaper lalo pa't may 11 parts ito. Maging ako'y napakamot sa batok. Sana lang talaga matino kagrupo ko.

"Don't worry, hahayaan ko namang inuwi niyo 'yan."

"Ayun naman pala!"

"Solve na ang problem!"

"Sana ikaw kagrupo ko." saad ni Cloud sa 'kin at mabilis naman akong napangiti.

"Okay lang sa 'kin," sagot ko dito.

"How about me?"

Mabilis akong nabaling sa kaliwa ko. Pinanuod ko kung paano humaba ang nguso ni Argus. Habang nagtatagal, unti unti na siyang nagiging clingy sa akin. Madalas ay kaasaran ko din ito,  syempre, ako palagi ang asar talo. Simula rin noong nag-away kami ni Adler ay hindi ko na sila nakasabay kumain nina Artemis. Bakas palagi sa mukha nina Equinox na gusto nila sumama sa akin o yakagin ako pero hindi nila magawa. Ayos lang naman sa akin, Adler needs them.

"Edi pag ikaw, edi ikaw." sagot ko kay Argus.

"Eh ba't sabi mo si Cloud ang partner mo?" parang bata na saad nito.

Napakunot ang noo ko. "Wala akong sinasabi. Ansabi ko lang okay lang na kung siya ang makapartner ko. Fake news ka."

He narrowed his eyes. "Ganoon din yun!"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi! Anlayo kaya!"

Nagmake face siya bago pinagkrus ang braso. "Basta, dapat ako ang partner mo."

"Eh paano kung hindi?" panghahamon ko dito.

He looked at me and then smirked. "Impossible. We're destined to each other." he said in flirtatious way.

*TUG *TUG *TUG

SHITTTTT?!!!!

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Fuck shit? Bakit bumilis bigla yung tibok ng puso ko?! Normal pa ba 'to?! Gawa lang siguro ng init!!

Napapaypay ako sa mukha ko. Kitang kita ko sa peripheral vision ko si Argus na ngising ngisi.

Bigla akong siniko ni Cloud at ngitinian ng nakaka-asar. Lumapit siya sa akin. "Yieee, kinikilig." mahinang saad niya at mabilis ko naman siyang hinampas sa braso.

"Siraulo!" mahinang mura ko dito at tinawanan niya lang ako.

Naramdaman ko naman ang pagpulupot ni Argus sa braso ko. Madalas niya itong ginagawa pero ngayon. . . . .  I felt something weird in my stomach as his skin brushes to mine. "Don't laugh with Cloud." seryosong saad nito.

Kung hindi lang ako nagiisip ng tuwid ngayon malamang mapagkakamalan ko siyang nagseselos. But that's too impossible, right? I mean, hindi naman namin gusto ang isa't isa.

Hindi pa. . . .

Mabilis kong iniling ang ulo ko. Siraulo?! Anong "hindi pa" ang pinagsasabi mo diyan?! Landi mo, Chaerin!

AmaranthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon