31. Past is Past

33 5 1
                                    

"Chloe! What are you doing?!"- halata ang asar sa boses ni Scott. At marahan na itinulak ni Scott yung babaeng na ang pangalan ay Chloe.

"I miss you! Alam mo ba talagang inagahan ko ang pagbalik dito galing States para lang makita ka ulit! And I know you miss me too." - sagot nung Chloe at hahawakan sana ni Chloe ang kamay ni Scott pero nilayo ni Scott ang kamay nito.

"Can't you see? I'm on a date! at talagang walang hiyang hinalikan mo ko?! What the hell."- parang nandidiring pinahid ni Scott yung labi nya gamit ang likod ng kanyang kamay.

"Date? At sino? don't you tell me...

With this guy?!" - nagulat si Skyler sa kinauupuan nya nung bigla syang tinuro nung Chloe at masamang tinignan.

Bakit sakanya napunta ang usapan? Parang nanunuod nga sya ng drama sa harapan nya kulang na lang kumuha sya ng popcorn.

"Ye-"

"Hindi Miss! Namali... namali lang ako ng table! A..akala ko dito yung pinareserve ko. Hindi ko yan kilala!" -putol ni Skyler sa sasabihin ni Scott. At dali-daling tumayo si Skyler sa kinauupuan nya at kumaripas ng takbo.

"Yah! Skyler! Where are you going?!"- gulat na bulaslas ni Scott kaya yung ibang costumer ay napatingin sa pwesto nila.

Napahawak sa sentido si Scott parang bigla ata syang nahilo sa nangyayari ngayon.

"So, it's true? yung nababasa ko sa social media? Fiance mo yung lalaking yun?" - tanong ni Chloe at galit na tumingin kay Scott.

"What's your problem Chloe? I remember na wala na tayo matagal na. And fling lang yun." - asar na sagot ni Scott. Mariin naman na napakagat ng labi si Chloe dahil tama ang sinabi ni Scott.

Magkaibigan talaga sila ni Scott. At nagkataon lang na bored silang dalawa ni Scott noon sa states kaya naging trip nila ang isa't-isa. Pero di akalain ni Chloe na mahuhulog ang loob nya sa binata. Ang kaso nga lang nung aamin na sana sya kay Scott ay saktong umalis na sa states si Scott at iniwan sya nito na hindi man lang nagpaalam sakanya.

Tapos mababalitaan na lang nya sa mga fans ni Scott na may fiance na eto. At lalaki pa!

"I.. I can't believe it... Are you a bisexual?" - tanong pa ni Chloe.

"So what? mind your own business. At tandaan mo to once na saktan mo si Skyler or kung may gawin ka mang masama sakanya... You know me Chloe Legazpi. You know what I can do kapag ginalit mo ko." - banta ni Scott kay Chloe. Mariin naman na napalunok si Chloe ngayon lang kasi nya nakita ang nanlilisik na mga matang tingin sakanya ni Scott.

"Ang... ang gusto ko lang naman Scott. Ituloy natin kung ano yung naiwan natin sa states. I mean, let's get serious. No fling. I want you to be my real boyfriend." - talagang pinilit ni Chloe makauwi para lang makausap si Scott at aminin dito ang matagal nya ng lihim na pagtingin. Nag makaawa pa sya sa mga magulang nya. Sa huli pinayagan si Chloe ng kanyang mga magulang pero dalawang linggo lang syang pinayagan.

Akala ni Chloe ay matagal pa nya makikita si Scott pero di nya akalain na makikita nya eto dito sa restaurant.

"Hahahahaha!"- biglang nagulat si Chloe sa biglang pagtawa ni Scott. May mali ba sa sinabi nya?

"Alam ko naman na lahat ng babae ay nahuhulog sa kapogian ko. Pero you know what..." - lumapit si Scott kay Chloe at tumapat sya sa kanang tenga nito.

"I don't recycle."- bulong ni Scott at nanigas sa kinatatayuan si Chloe.

"See you kapag di ka na obsessed sakin."- lumayo na si Scott at laking ngising umalis. Napakuyom naman ng kamao si Chloe sa gigil.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSWhere stories live. Discover now