Chapter 2

1.4K 41 1
                                    

BUMALIK sa ina ang pansin ng dalaga. "I'm worried about you, 'Ma," banayad niyang sinabi.

"And I'm worried about you, Leia. Ikaw na lang ang naghahanap-buhay sa atin. At gasino na lang ang kinikita mo sa laki ng gastos ko dito sa ospital. Si Roy man ay nag-aalala rin sa iyo. Gusto na nga ng kapatid mo na huminto na lang muna at maghanap ng trabaho."

Dumilim ang mukha ng dalaga. "He wouldn't dare! Dalawang taon na lang at doktor na siya. Pagkatapos ay limang taon uli sa residency. At dahil gusto niyang maging espesyalistang siruhano, another two years more. Kung hihinto siya ngayon ay maputi na ang buhok niya bago siya maging doktor." 

"Pero paano ka, anak? Mahihirapan ka."

"Bakit ba ako ang iniintindi ninyo? Kayo itong may dinaramdam." Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "May suhestiyon ako, 'Ma, kung papayag kayo."

"Ano iyon, anak?"

"Wala na rin lang ang Papa..." Nakita niya ang pagkulimlim ng mukha ng ina at ga to niyang mahabag dito. "... bakit hindi na lang natin ipagbili ang lupa sa San Marcelino?"

"Maliban sa Papa mo na taun-taon umuuwi doon ay hindi pa natin muling nakita ang lupang iyon mula nang huli tayong magpunta, hija. At anira na taon na ang nakalipas mula nang mamatay ang lolo ninyo na dahilan ng pag-uwi natin."

"Pero hindi ba at doon balak ng Papa na maglagay ng poultry at piggery?"

Tumango si Amelia. "Upang mapakinabangan ang lupa. Hindi naman kasi kalakihan iyon. May limang- daang metro kuwadrado lang at tinatauhan ng mag- asawang Lope at Densiya."

"May presyo iyon, Mama. Pag-uusapan namin ni Roy mamaya at kung ano ang mapagkasunduan namin ay pupunta ako sa San Marcelino bukas o sa makalawa para tingnan ang lupang iyon."

NANG gabing iyon ay pinag-usapan nilang magkapatid ang tungkol sa pagbibili ng lupa sa San Marcelino. Hindi naman tumutol si Roy bagaman iginiit nitong huminto na lang muna sa pag-aaral.

"Saka na muna natin pag-usapan ang bagay na iyan, Roy. Pag talagang wala na tayong magagawa. Pansamantala ay pupunta muna ako sa San Marcelino" "Ako ang lalaki, Leia. Ako ang dapat na kumakargo sa inyo ni Mama, hindi ikaw."

"Tigilan mo ako niyang chauvinistic attitude mo Roy. Kung hindi ko na kaya ay sasabihin ko sa iyo. Sa ngayon ay napakahalagang nasa ospital ka dahil sa Mama," aniya. Doon na rin natutulog ang kapatid niya dahil sa pagbabantay sa ina. Umuuwi lang ito kung nagbibihis at may kailangan.

"She'll have another operation," marahang tugon "Precisely. Kaya huwag mo munang isipin yang nito. sinasabi mo." Gusto man niyang sabihing wala na siyang trabaho ay hindi niya ginawa. Lalo lamang ipaggigitan ng kapatid na tumigil na lang muna ito sa pag-aaral.

Isang araw ang pinalipas ng dalaga bago umalis ng Valenzuela. Maliban sa resignation letter ay inaasam pa rin niyang pupuntahan siya ni Alex at hihingin ang panig niya at tutulungang mapatunayang wala siyang kasalanan.

Subalit hanggang sa umalis siya'y ni hindi man lang tumawag sa telepono ang kasintahan. Tinapos na nito ang anumang ugnayan na mayroon sila.

Naiinis siya nang muling pumasok sa isang paradahan ang bus at huminto. Ang ibang pasahero nagbabaan at pumasok sa katabing karinderya. Ang iba nama'y upang pumunta siguro sa palikuran. 

Tiningnan niya ang relo sa braso. Pasado alas-dos na. Napasandal siya, naisip na gagabihin siya sa pag-uwi pabalik sa Valenzuela. Tinanong niya sa konduktor na nasa labas kung anong oras sila makararating sa San Marcelino.

"Pasado alas-tres siguro, Miss. Magpapalit pa tayo ng gulong, na flat, eh."

Gusto man niyang magalit ay wala naman siyang magawa. Makalipas ang mahigit na kalahating oras ay muling tumakbo ang bus. Kung tutuusin ay hindi naman mabagal ang pagtakbo nito. Kaya lang naaatraso ay dahil sa mga paghinto-hinto.

Leia, My Love - A Novel By Martha CecilaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin