Chapter 5

1.5K 54 9
                                    

MALAKAS ang ulan sa labas. Ganoon din ang kulog at kidlat na sumasabay. Napabalikwas ng bangon si Leia. Nakadama ng takot. Inabot ni Guiller ang lampshade at binuksan ang ilaw.

"It's alright, Leia. Just another stormy night." Banayad nitong hinawakan ang mga balikat niya at muli sana siyang ihihiga subalit mabilis na inalis ng dalaga ang mga kamay nito nang mapagsino ang lalaki.

"Guiller!" bulalas niya. "Ano ang ginagawa mo dito?"

"Talaga bang takot ka sa kulog at kidlat?" nag- aalalang tanong nito na hindi pansin ang pagkamangha niya.

Litong umiling ang dalaga. "H-hindi. Kaya lang...." 

Nakaunawa ang binata. "Aftershock dahil sa nangyaring sinundang gabi." Tumangu-tango ito. "Go back to sleep, Leia.." banayad nitong wika.

Pero hindi tumitinag ang dalaga at tinitigan ito "Pero... bakit ka nakahiga dito sa tabi ko?" Noon niya napansin na naka-pajama ito at walang pang-it Iniiwas niya ang mga mata sa matitipunong dibdib at ituon sa mukha ng lalaki.

"Leia, this is my bed. Where do you expect to sleep?"

"N-noong isang gabi... saan ka natulog?" nalilito tanong niya. Katabi rin ba niya magdamag si Guiller noon?

Nilingon ng lalaki ang pang-isahang settee. "In there. Apat na oras akong magda-drive bukas paba sa Maynila, Leia. Wala akong balak na magkaroon ng stiff neck at sakit ng katawan tulad ng nangyar akin kaninang umaga."

"Pero bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?! sana'y sa ibang silid na lang ako natulog," protesta niya.

"My dear, kung inikot mo ang buong farmhouse ay napansin mo sanang walang ibang silid sa bahay na ito kundi ito. Oh, well, ang silid ni Anton na nasa mala sa kusina na dating store room," paliwanag ni Guiller sa tonong tila siya batang hindi makaintindi. "At alam mo ba kung anong oras na ngayon? Hating-gabi na huwag mong ubusin ang oras sa pakikipagtalo. Matulog na tayo." Akma nitong papatayin ang lampshade p mabilis siyang nagsalita.

"Alright, alright!" aniya na bumangon. "Matulog ka na. Kasya siguro ako diyan sa sofa!" Mabilis siyang hinawakan ni Guiller sa braso.

"Damn it, Leia! Ano ka ba? Ano sa palagay mo ang kaibahan kung dito ka sa kama matutulog o diyan sa sofa? Maliban sa pahihirapan mo ang sarili mo. Kung gusto kitang gawan ng masama ay magagawa ko iyon kahit saang panig ka ng bahay naroon. At dapat ay noong isang gabi ko pa ginawa. Remember I took off your clothes?" pagalit nitong sinabi.

"Oh!"

"Yes! Kaya ipasok mo diyan sa makitid mong isip na nakita ko na ang lahat na dapat kong makita sa iyo and memorized each and every line!" angil nito.

Kasabay ng pag-iinit ng mukha niya ay dinampot ang unan at buong lakas na inihampas sa binata na hindi nakaiwas. At nang muling ihahampas ang unan sa ikalawang pagkakataon ay bumangon si Guiller at hinawakan siya sa dalawang kamay at ihiniga pabalik sa kama. His body covering hers. 

"Hell, you were asking for this!"

"Oh, Guiller, please...," protesta niya na pinanlakihan ng mga mata sa pagkakadagan na iyon ng binata sa kanya.

"Do you know that I hated this damned pajama?" May bahagya pa ring galit sa tinig nito pero may ibang ibinabadya ang mga matang nakatunghay sa kanya.

"I'm only wearing this because of you! And you know what I usually do when I'm in bed?" He spoke in v dangerous tone. "First, when I'm in bed, I sleep, okey? Second, if I stay awake beside a pretty woman who's seductively wearing my own shirt, I-make-love-to-her!" Binigyang diin nito ang bawat kataga ng huling sinabi.

Walang tinig na namutawi sa mga labi niya pagkatanga. Hindi alam kung ano ang gagawi Nararamdaman niya ang pagkapukaw nito sa ibaba bahagi ng katawan. Ang mainit nitong hininga humahaplos sa mukha niya. Ang hubad nitong katawa ay nakadagan sa dibdib niya.

Leia, My Love - A Novel By Martha CecilaWhere stories live. Discover now