Chapter 8

2K 46 10
                                    

NANG huminto sa paghalik si Guiller ay gusto pa sana niyang pigilan ang binata. "Love, may kumakatok," wika nito na nilinga ang sala. Tumayo siya at nahihiyang inayos uli ang sarili, hindi makatingin na'ng diretso sa binata.

"May inaasahan ka bang bisita sa gabing ito?" May himig ng iritasyon ang tinig nito kasabay ng pagtingin sa relo sa braso. "Alas-diyes y kinse na ng gabi, ah."

"S-si Verna na siguro iyan. Off-duty na siya sa ospital ngayon. Dito ko siya pinatutulog pansamantala," aniya kasabay ng paglakad palabas sa sala. Pati oras ay nalimutan niya.

Ano na ba ang nangyayari sa kanya at pagdating sa lalaking ito ay nalilimutan niya ang lahat, pati sensibility?

Si Vera nga ang nasa pinto at nagulat pa ito nang makitang hindi siya nag-iisa.

"Verna, si Guiller. Guiller, ang kaibigan ko, si Verna," pagpapakilala niya. Hindi makatingin na ng diretso kahit sa kaibigan.

"Hi! Ikaw ba 'yung nasa channel 10?" nakangiting bati ng dalaga, nasa mga mata ang admiration. "Nice meeting you in person. Naikuwento ka na sa akin ni Leia."

"I hope not to my disanvantage," nakangiting tugon ng lalaki.

"She is singing your praises," ganting sagot ni Vema. Makahulugang sinulyapan ng binata si Leia na umiwas ang mga mata.

"Hindi ko naisip na mag-isa ka nga lang pala dito, Leia. Gusto kong gawan ng remedyo iyan sa ibang pagkakataon. Salamat, Verna, at sinasamahan mo si Leia dito."

"Maliit na bagay. What are friends for?"

Tumango si Guiller at pormal na tinitigan si Leia. "Hindi ako magtatagal para makapagpahinga na kayo." Hinatid ng dalaga hanggang sa gate ang lalaki at hindi umalis hanggang hindi nawala sa paningin ang sasakyan nito.

"Hmmm... I smell something fishy," tukso ni Verna. "Now, tell me, friend. Huwag mo akong ibitin sa suspense."

Nagkibit ng balikat ang dalaga. "Ano ba ang sasabihin ko? I intentionally missed telling you na noong bago kami umalis sa farm ay dumating ang dati niyang girlfriend. He introduced me as his fiancee para maitaboy ito. Pagkatapos ay gusto ni Guiller na totohanin na iyon. He claimed, talked and acted as if he really is my fiancee."

"Very intriguing! So now, you have a new fiancee sa katauhan ni Guiller Gonzales. My, Leia, hindi ko alam kung saan ka kumuha ng mga pagpapala."

"Anong klaseng relasyon, Verna? Founded on baser needs? At hindi ko maintindihan kung paano ako napapayag ni Guiller dito. Pakiramdam ko ba ay nahipnotismo ako para sumang-ayon." 

"Nakapagtataka naman yata iyon. Ikaw pa? Ikaw ang pinaka-sensible na taong nakilala ko. Hindi ka basta-basta pumapasok sa isang relasyon na walang katiyakan."

"Iyon na nga, eh. Pumasok ako sa isang walang katiyakang relasyon. Nagpatangay at natitiyak kong hindi ako lalabas sa larong ito na hindi nasusugatan." At maaaring taglayin niya ang pilat na iyon sa mahabang panahon. Higit sigurong matagal at masakit kaysa sa sugat na sanhi ni Alex. 

"O, eh, bakit pinasok mo ang relasyong iyan? Bakit ka pumayag?"

Bumuntong-hininga ang dalaga. "L... can't resist him, Verna. He excites and thrills me. I think I'm going to melt whenever he touches me. And I never felt anything like this before. Not even with Alex. Kay Alex, pag sinabi kong tama na, tama na. Nagagawa kong pairalin ang isip ko. But not with Guiller. With him, I forget how to think sensibly. All I could think of is all the delicious things he's doing to me."

"Wow! That was quite a speech, Leia. Ganoon ba ang dating ng lalaking iyon sa iyo? Well, can't blame you,friend. He may not be as handsome as Dr. San Diego pero his charm is lethal."

Leia, My Love - A Novel By Martha CecilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon